Nag punta kami ni Vivora kay Tita sa Baroso. Wala ang asawa niya dahil pumasok, Ang kasambahay nilang kinuha ang tangi niyang kasama "Ayos lang sa akin kung anong desisyon mo Vianne, lumalaki na si Vivora at alam ko naman na maiintindihan niya dahil pinalaki mong matalino at maunawain ang kapatid mo" Si Tita na hinihimas pa ang malaki niyang Tyan. Nag buntong hininga ako at nilingon si Vivora na tahimik lang nag kukulay ng coloring book niyang dala. "Hindi ko po alam kung handa na ba ako, kami ni Vivora na pumasok muli ang mga Roizon sa buhay namin, ang huling interaction namin sa kanila ay hindi maganda" Sabi ko kay Tita at binalik ang paningin sa kaniya. Nag aalala na ang mukha niya ngayon pero pinilit niyang ngumiti para ipahiwatig sa akin na ayos lang ang lahat Kung babalikan ko a

