Dumating si Ate Devina nang alas onse na nang gabi kaya nakauwi ako nang mag aalas dose na ng madaling araw. si Ate Nora ang nag bukas ng pinto para sa akin dahil tulog na si Tita at si Vivora. Sa Kwarto sila ni Mama natulog. Maaga akong nagising para asikasuhin si Vivora sa pag pasok, Dadaanan ko din si Dylan para tignan kung ano na nga ang lagay niya. Nag aalala ako para sa kaniya. He is really a good friend to me. "Eto ibigay mo kay Dylan" Inabot ni Tita sa akin ang paper bag na may lamang pag kain na ginawa niya at prutas Hinatid ko na si Vivora sa school niya "Mommy, is Daddy Dy okay?" Nag aalalang Tanong ni Vivora nang hinatid ko siya sa pinto ng classroom nila Ngumiti ako ng pilit kay Vivora at tumango. Tinanggal niya ang bag niya at may kinuha duon na papel. Inabot niya sa ak

