Nakarating na kami sa aming hotel bago mag-alas sais ng umaga. Maliwanag na ang paligid no’n. “Mauna ka na sa kwarto,” aniya. Kahit na nag-aalangan ako at nagtataka ay sinunod ko pa rin siya at nagtungo na sa aming kwarto. Habang nasa loob ako ng elevator ay napatingin ako sa labas. Ang gandang pagmasdan ng Manila bay sa araw at gabi pero mas maganda pala ito kung pasikat pa lang ang araw. Natulala at namangha ako sa mga sinag na dumidikit sa kalangitan galing sa araw. “How I wish na mahawakan ko iyon,” saad ko. Napahawak ako sa magkabilang siko ko. “It’s getting warmer,” wika ako pa. Kanina kasi ay napaka lamig ng hangin at ngayon na sumikat na ang araw nararamdaman ko na ang init. Biglang tumunog ang elevator at nagbukas. Tinignan ko ang floor buttons at nagulat na nasa ika-sa

