Sandaling minuto lang ang aming hinintay para makakain. Nasa hapag na ang mga inorder namin. “Enjoy your meal,” sambit ng babae na kumuha ng aming order kanina. Ngumiti lang kami sa kaniya bilang pagtugon pero kay Gerald lang ito nakatingin. Nang makaalis na siya ay sinenyasan ko si Gerald na ilapit ang kaniyang mukha sa sakin. Nagtaka ito pero sumunod pa rin sa akin. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at bumulong ako. “Kanina pa nakatingin sa iyo ang waitress na iyon,” saad ko. Nabigla naman siya at natawa. “Nagseselos ka ba?” aniya. Nakangisi ito sa harapan ko. Napasimangot ako at tinarayan siya. Hinarap ko na ang pagkain at sumubo. “Umiiwas ka,” sambit niya. Saka siya tumawa na naman. “Ewan ko sa iyo, kumain ka na diyan,” wika ko. Tumatawa pa rin siya habang sinasan

