Papasok na kami nang makita ko si Imee na nanonood na naman ng korean drama. Binuksan ko ang pinto at agad na napatayo si Imee, “Good morning, Miss Tine,” magiliw niyang wika. Ngumiti lang ako at nagulat siya nang may lalaking nakasunod sa aking likuran. “Oh,” aniya, “Nandito ka pala, good morning,” masaya niyang binati si Jaeryll. “A-ano, good morning,” bati ni Jaeryll. Lumihis ng tingin si Jaeryll, marahil ay nahihiya. “Maupo na muna kayo,” turan ni Imee. Napalingon si Jaeryll sa kaniya gayon din si Imee. Pinagmasdan ko sila. Tila may kislap ang kanilang mga habang nagkakatitigan. “Jaeryll, maupo ka muna, kausapin ko lang si Imee,” saad ko. Tumango naman ito at naupo sa sofa. Kinalabit ako ni Imee at napailing. Kinausap niya ako pero mahina lang ang lumalabas sa kaniyang bose

