Habang naghuhugas ako ng kamay ay bigla na namang lumitaw ang babae kanina sa grilled house. Napasimangot ako sa inis habang nakatingin sa aking repleksiyon sa salamin. Madiin kong kinuskos ang bawat pagitan ng daliri ko. “Ouch!” bulalas ko. Nagasgasan ko ang gilid ng aking daliri dahil sa mariin na pagkuskos rito. “Buwiset talaga,” wika ko. Hinayaan kong dumaloy ang tubig mula sa gripo sa nagasgasan na parte ng daliri ko. Bigla na naman na pumasok sa isipan ko ang boses ng babae na sumagot sa aking tawag sa numero ni Gerald. “Paano yung babae na sumagot kanina?” sambit ko. Natulala ako kakaisip. “I wonder how…” wika ko. Iniisip ko ngayon kung paano ko malalaman ang mga tinatago sa akin ni Gerald. Kung paano ko mahuhuli ang babae na kasama niya kanina? Nagbalik lang ako sa uli

