"Baguio to Manila riding that?" Ulit ni Cali sa sinabi ni Knight. He had just told her na ang bago at birthday gift mula sa parents nito na Ducati motorbike ang sasakyan nila pauwi. "No way! Sasakay ako sa van pabalik---" natigilan siya nang makitang nakausad na paalis ang van na lulan sina Keisha at Briana. "Halika na," pilit ni Knight. "It's going to be fun, I promise!" He was checking his new bike. Iba rin ang mga mayayaman. Panigurado, mahal ang motor na 'yon. Pero para kay Cali, mas mainam kung presensya ng mga magulang ni Knight ang naroon sa selebrasyon ng kaarawan nito. But by the looks of it, mukhang sanay na ang magkapatid na magcelebrate ng kaarawan nang walang magulang. Hindi talaga pwedeng nasa isang tao na ang lahat. Meron at meron sa isang aspeto na magkukulang kahit

