"I support your decision one hundred percent, Cali!" Itinaas pa ni Joana ang kamao nito na para bang kailangan sa pakikibaka ang suporta nito. "Ako rin, two hundred percent!" Ayaw patalong sabi naman ni Almira. "This is by far your sanest decision, Cal." "Matagal na kasi naming sinasabi sa'yo na 'yong si Jordan, hindi sincere sa'yo. Ikaw lang eh, masyado kang nagpakabulag sa pagmamahal mong one-sided," paninisi pa ng buntis. "Let's celebrate later, shall we?" Dagdag pa ni Almira. "Kung sagot mo, sige," aniyang pansamantalang iniwanan ng tingin ang ginagawa niyang Cash Flow Report. Nagkwento siya kanina sa mga ito bago pa magsimula ang working hours. Pero ang dalawa niyang kaibigan, hindi na siya tinantanan ng kakasabi ng kung anu-anong paninisi. Pero kung dati ay defensive siya par

