"Knight is too annoying! Alam mo ba na nagpapunta pa siya rito ng teddy bear mascot? Anong akala niya sa'kin, nadadala sa gano'ng pag-aapologize? Ha! I know better than to believe him again. Kaya ayon, pinahabol ko nga sa aso!"
Kwento ni Emily sa kanya habang magkausap sila ng pinsan sa phone. Katatapos lang daw umano ng photoshoot nito and she was dying to tell the story to her.
Bahagyang napangiwi si Cali. Ano kaya ang sasabihin ni Emily sa kanya kapag nalaman nito na siya ang nasa loob ng mascot na pinalapa nito sa mga alaga nitong pitbull?
"Serves him right!"
"Em," buwelo niya na hindi alam kung paano ipagtatapat ang totoo sa pinsan niya. "What if I'm wrong about Knight? Would you still give him another chance?"
"Ang linaw ng ebidensya, Cal. Kung mali ka, bakit may kahalikan siyang iba? Besides, I know that woman! It's Briana! Noon pa lang, lagi na siyang nakadikit kay Knight," tugon ni Emily.
"What if nga? Let's say, I got it all wrong? Na may dahilan kaya niya nagawa 'yon?"
Sa totoo lang, hindi niya gustong makipagbalikan ang pinsan niya kay Knight. Kaso paano naman sila ni Jordan? Kung siya lang sana ang maaapektuhan at hindi kasali ang career ng kasintahan at isama pa ang relasyon nila, hindi sana siya yuyuko sa kagustuhan ni Knight.
Mula pa noong unang beses na malaman niyang boyfriend ni Emily si Knight, she already disliked the idea. Ang feeling niya kasi sa binata, hindi seryoso sa pakikipagrelasyon. And although Emily thought that she was very lucky to have Knight, ayaw niyang sa umpisa lang ito magiging masaya. For sure kasi, bandang huli ay iiyak ito kapag nakatuluyan nito ang palikerong lalaki.
Ayaw niyang mangyari iyon. Kaya nga gusto niya itong protektahan. Okay na sana. Tapos na sana ang problema kung hindi lang siya binlackmail ni Knight.
Could she choose Emily over Jordan?
'But Cali, if you're right about Knight, bakit siya nag-eeffort na makipagbalikan si Emily sa kanya? Bakit hindi na lang niya hayaan ang pinsan mo kung hindi siya seryoso?' Her mind asked her.
To be honest, bukod sa ayaw niyang madamay si Jordan, aaminin niya na medyo nagbago nang kaunti ang tingin niya kay Knight after that day. Besides the fact that he wanted to win Emily back, was the kindness he showed her when he attended to her wounds.
'Dapat lang dahil kasalanan naman talaga niya kung bakit ako nakagat ng aso!' Another part of her mind reasoned.
Pero sige na. Slight lang. Very slight, she was willing to give Knight the benefit of the doubt.
"What's the reason? Saka Cali, aren't you supposed to be on my side?" Parang nakikita niyang maarte siyang pinaiikutan ni Emily ng mga mata nito. "I'm hurt, couz…"
"I understand. Of course, kakampi mo ako. But I admit na hindi ko alam ang buong kwento. You know, all I saw was that kiss."
"And it's enough! Kapag ba si Jordan ang nahuli mong may kahalikang ibang babae, iisipin mo bang hindi siya nagchi-cheat?"
Natahimik siya. Paano nga kung si Jordan 'yon? Would she decide to break up with him without hearing his explanation first?
Pero kilala niya si Jordan. Alam niyang hindi nito gagawin 'yon. But in case that he would, maybe, like what Knight said, she would talk to him first.
"I love Jordan, Em," sagot niya. "Maybe, I'll listen to his explanation first…"
"Love," ulit nito. "Would love be enough to cover the fact that he cheated?"
"What if not nga?" Giit niya. "Do you realize what it means? Tinatapos mo ang relasyon n'yo na wala namang sapat na dahilan."
"I can't believe that you're saying that, Cal," bakas sa tinig ni Emily na nawiwirduhan ito sa kanya. "I'll talk to you another time. Got to go."
She sighed when Emily disappeared from the other line.
Paano niya ba sasabihin ang totoo kay Emily na kinausap siya ni Knight na kumbinsehin itong makipagbalikan sa binata? She didn't want it to appear that she had switched sides.
Pero sa totoo lang, mukhang pag-amin niya lang ang magiging susi sa lahat.
Cali decided that she would ask Knight directly kung anong paliwanag ang sasabihin niya kay Emily. Sino ba kasi ang Briana na iyon at kailangan pang halikan nito?
'Mr. De Silva, alam mo, hindi naman talaga ako tsismosa 'no, pero I need to ask you about something.' She sent Knight a message tapos dumapa siya sa kama niya para hintayin ang sagot ng binata.
She felt weird that she was messaging a man other than her boyfriend. But here she was, initiating an exchange of messages with Knight.
Pero giit niya sa kanyang sarili, ginagawa niya iyon para maprotektahan ang relasyon nila ng kasintahan niya. Who knows kung anong iniisip ni Knight laban sa kanila kung hindi niya ito tutulungan?
'What is it?' Knight replied after a few seconds.
Iba! Mabilis magreply!
'I talked to Em. She mentioned to me that she knew Briana.'
Sa halip na sagutin siya ni Knight, tumawag na lang ito.
"Meet me outside," sabi nito.
"Mr. De Silva, kung hindi mo alam ang oras, alas nueve na po ng gabi. Ayoko nang lumabas. Delikado sa kanto," tugon niyang tumihaya sa kama sa halip na bumangon. Kung makautos ito parang tauhan siya nito.
"Kapag 'di ka lumabas, pupuntahan kita r'yan," walang planong magpahinuhod sa dahilan niya na sabi pa ni Knight. "Your choice, Cali."
"Oo na!" Gigil na aniyang pinatayan ito ng tawag. Ayaw niyang puntahan siya nito. Ayaw niya kasing malaman ng Lolo at Lola niya na may problema siya.
Pinatungan na lang ni Cali ng oversized t-shirt ang spaghetti pajama terno niya bago lumabas ng silid niya. Gabi naman na. She would let Knight know na patulog na sana siya kung hindi ito demanding na palabasin siya.
Hinayaan nga rin niyang gulo-gulo na ang buhok niya na mahahalata nitong nakahiga na siya at napilitan lang bumangon. Sana man lang makaramdam ito ng kaunting hiya.
"Lalabas ka pa, apo?" Lolo Marcial asked her na magla-lock na sana ng pinto.
"Opo, Lolo. Magsara na po kayo, dala ko naman po susi ko," magalang niyang tugon.
"Gabi na, saan ang lakad mo?" May bahid ng pag-aalala ang boses ng matanda.
"Babalik po ako agad. Pero 'wag n'yo na po akong hintayin. Magpahinga na po kayo." She kissed the old man's cheek bago siya tuluyang lumabas.
Muntik pa siyang mapatalon sa gulat nang hindi pa siya nakakalayo ay biglang may huminto sa tapat niya na motorsiklo.
Si Knight pala iyon na mukha na namang aksyon star sa maangas at mamahalin nitong big bike.
Was he around the area when he replied to her message a while ago? Ambilis namang 'andoon agad ito.
"Sakay," sabi ng binata na itinaas ang visor ng fullface helmet nito.
"Wala pa akong planong mamatay, Knight," inirapan niya lang ito at hindi sumunod. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Can't you see? It's late! I'm about to sleep, Mister…" Sinabi na niya ang gusto niyang iparating nang tila wala naman ditong nakapantulog na siyang lumabas.
"Sasakay ka o tatawagan ko si Jordan para sabihing 'wag na siyang pumasok bukas?"
Hindi makapaniwalang tumingin siya rito. But Knight just shrugged his shoulders.
"I hate you!" Inis na ngitngit niya.
Walang choice na umakyat siya sa likuran nito. Never pa siyang sumakay sa motorsiklo kaya naman sa totoo lang, kinakabahan siya.
"Wear this." Inabutan siya nito ng helmet.
Tahimik na tinanggap na lang niya iyon at isinuot. Iniaayos pa niya iyon nang biglang paandarin nito ang motorsiklo.
Napahiyaw siya't napayakap dito nang wala sa oras.
"Knight!"
Nakapikit sa nerbiyos na sigaw niya.
"Slow down!"
Tumawa si Knight. "'Wag kang OA, ang bagal na nga ng takbo natin."
Napamulat siya ng mata sabay tanggal ng mga braso niyang nakayakap sa bewang nito. Napahiya siya nang marealize na hindi nga naman sila mabilis. Wala nga atang sixty kilometer per hour ang takbo nila.
Baka nagulat lang siya kanina? "Saan tayo pupunta? Hindi ako nakabihis ng panlakad, Knight!"
"It's fine. I'd just like you to meet someone."
"At this time? Adik ka ba?"
Umiling ito saka binilisan ang pagpapatakbo. Pinigilan niyang yumakap dito. Bagkus ay sa jacket na lang nito siya kumapit nang todo. Mukha namang mamahalin iyon at matibay. It should be fine...