"Cali?" Ulit na sabi ng nakakunot noong magandang babae sa pangalan niyang ipinakilala rito ni Knight. Mga ilang segundo itong nag-isip bago napunit sa isang ngiti ang mga pouty red lips nito. "Oh, I remember now! The girl who saw us kissed!" Knight introduced the lovely lady to her as Briana. Although it was unnecessary to do that dahil nakilala naman niya agad ang babae na matutulog na rin daw nang dumating sila ni Knight pero nakapostura pa rin. Unlike her na mukhang hindi nabibiling maalikabok na paninda sa tiangge na ang itsura. Ang sabog-sabog niyang buhok kanina ay matitigas na ngayon dahil sa pagkaka-expose sa polusyon habang nasa byahe sila ni Knight. Sinubukan niya ngang i-finger comb kanina kaso nasaktan lang siya. Kaya inipon na lang niya iyon at iniikot pataas. Kapag g

