Lumipas ang mga araw at ang papalapit na kasal ng pinakamayamang bachelor sa buong bansa ay naging maugong. Halos laging laman ito ng mga balita sa umaga at gabi. Laging ipinapakita kung ano ang mga paghahandang ginagawa at laging ibinabalita ang mga matataas at kilalang mga tao na dadalo sa kasal. Maging ang wedding gown na isusuot ng bride ay madalas ding itinatampok sa mga programa sa telebisyon. Gawa kasi iyon ng dalawa sa pinakasikat na fashion designers sa mundo. Magarbo ang paparating na kasalan ngunit makikita sa mukha ng groom na hindi siya ganoon kasaya. May mga nagsasabi pa nga na pilit lang ang mga ngiti ng binata sa mga interviews. Na ang totoo, ay totoo naman. Bumalik naman na sa normal ang buhay ni Marie, kahit papaano. Nawala na ang mga reporters na nag-aabang sa kanya sa

