Kalahating oras ng naghihintay si Marie sa lugar na napag-usapan nila ni Elizabeth. Panay na ang tingin niya sa relo at sa cellphone. Mabuti na lang at Linggo, wala siyang masyadong gagawin at wala siyang pasok. Naisip ni Marie ang sinabi ni Princess sa kanya na huwag ng patulan pa si Elizabeth. Pero gusto rin niyang makausap ang babaeng pakakasalan ng pinakamamahal niyang si Eric. Gusto niyang kilatisin ito at makilala. Gusto niyang malaman kung anong klase ng tao si Elizabeth Bernardo. Hindi alam ni Marie kung ano ang pupuntahan ng pag-uusapan nila pero lakas loob niya itong haharapin, ano man ang sabihin nito. Nagpayo si Princess kay Marie na mag-ingat. Ibinilin ng kapatid ni Eric sa dalaga na huwag na huwag basta maniniwala at magpapadala sa ano mang sabihin ni Elizabeth. Dahil kung m

