“Sino po kayo? Ano pong nalalaman ninyo tungkol sa flight 609?” tanong ni Marie habang tinitignan ang lalaking balisa at tila hindi na nakapag-ahit ng ilang buwan. Ayaw talagang kausapin ni Marie ang lalaking sa tingin niya ay nasa mahigit trenta anyos na. Natakot kasi siya dito noong una. Pero nagmakaawa ito sa kanya at nais din niyang malaman kung bakit nito nabanggit ang flight 609 at paano ito nagka-ideya na kasama siya doon. Kaya naman dinala ni Marie ang lalaki sa isang mataong karinderya para kung sakaling may gawin ito, ay agad siyang makakahingi ng saklolo. Oo, alam ni Marie ang panganib lalo na at may nagbabanta sa kanya, pero talagang nais niyang malaman ang kung ano ang ang mga nalalaman ng lalaki. Napansin ni Marie na nahihilo na ang lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Napa

