Chapter XI

2234 Words
Dalawang araw ang lumipas mula noong araw ng operasyon ni Matthew. Dalawang araw ding pabalik-balik si Marie sa ospital. Palitan sila ng  kapatid niyang si Mark sa pagbabantay sa kanilang bunsong kapatid. At ayon sa mga doktor, naging matagumpay ang operasyon. Nailigtas ang buhay ng bata subalit hindi pa rin ito nagigising at hindi pa tuluyang naaalis ang mga cancer cells sa katawan nito. Hindi iyon magandang balita para sa pamilya nila Marie ngunit sinigurado ng doktor na gigising din ang bata at kahit papaano ay nakahinga sila ng maluwag dahil nailayo sa kapahamakan ang kapatid. Gusto nilang gumaling na ang bata pero alam din nila na ang tanging magagawa lang nila sa ngayon ay manalangin, na sana tuluyan ng gumaling ang pinakamamahal nilang bunso. Dumalaw naman ang ama nila sa ospital pagkatapos ng operasyon. Umiyak ito sa harap ni Marie habang humihingi ng tawad dahil hindi nito nasagot ang mga tawag ng Anak. Kasabay noon ay ang pagpapasalamat nito. Hindi na rin naman siya pinagsalitaan pa ni Marie ng masama o sinumbatan pa. Ayaw na muna ni Marie na dagdagan pa ang bigat na nararamdaman niya sa ngayon. “Ayos lang, pa. Naiintindihan ko naman. Pero sa na sa susunod, sagutin mo ang mga tawag namin,” sabi ni Marie sa ama. “Oo, patawad kung nagiging pabaya na akong ama sa inyo,” sabi ni Mang Alejandro sa anak na pangatlong beses nang humingi ng tawad. “Pangako, pagkatapos ng inaasikaso ko maglalaan na ako ng panahon sa inyo.” Hindi naman na sumagot pa si Marie sa sinabing iyong ng ama. Tumango lang siya at binigyang ng maliit na ngiti ang ama. Matapos noon ay nagpaalam nang aalis si Mang Alejandro. Hindi naman na siya pinigilan pa ni Marie. At bago umalis ay nag-iwan ito ng maliit na halaga para panggastos. Malugod itong tinanggap ni Marie dahil ayaw naman niyang bigyan ng sama ng loob ang ama. Sapat na sa kanya na humingi ito ng tawad at alam nito ang mga pagkukulang niya. Ginamit naman ni Marie ang pera na 'yon para pangpa-ospital ni Marco. Na aksidenteng nabangga ng isang taxi noong araw ng operasyon ng ni Matthew. Mabuti at ilang galos at sugat lang ang natamo ng binata. Hindi seryoso, ngunit kailangan pa ring madala sa ospital ang binata na tinakbuhan lang ng nakabangga dito. Hinang-hina na si Marie. Pagod na ang pisikal niyang katawan, at pagod na ang isipan niya dahil sa mga problema. Pakiramdam niya ay nauupos na siya. Minsan natutulala na lang siya at kung minsan ay bigla na lang sumasakit ang ulo niya. “Ate, ako naman magbabantay kay Matthew,” sabi ni Mark habang ginigising ang kapatid na nakayukong natutulog sa gilid ng kama ni Matthew. “Hm?” tugon ni Marie na mabilis na idinilat ang mga mata. “Anong oras na ba? Akala ko may practice ka sa school?” tanong ni Marie sabay hawak sa kamay ng bunsong kapatid na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. “Alas-otso na.” sagot ni Mark. “Wala akong practice ngayon, ate. Nagpaalam ako. Mas mahala kayo kaysa sa mga gawain sa school.” Napangiti si Marie sa sinabing iyon ng kapatid. “Ang sweet naman pala niyang kapatid ko na ‘yan,” sabi ni Marie sabay gulo sa buhok ng kapatid. “Ano ba, te?” hawi ni Mark sa kamay ng ate. “Mabuti pa lumabas ka na at may naghihintay sa'yo sa labas,” dugtong ng binatilyo. “Ha? Sino naman?” “Si Eric,” nakangiting sagot ni Mark habang taas baba ang mga kilay. Dahan-dahang tumayo si Marie at pinagmasdan ang mukha ng natutulog na kapatid sabay hinalikan ito sa pisngi. At matapos ibilin kay Mark ang mga dapat gawin ay lumabas ito para kausapin si Eric. “Nga pala, ate,” habol ni Mark. “Mamayang hapon daw pwedeng ng umuwi si kuya Marco.” “Mabuti naman. Sige pupuntahan ko siya mamaya. Salamat, Mark,” nakangiting tugon ni Marie sa balitang sinabi ng kapatid. At pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. At pagkasara niya ng pinto ay nakita niya agad ang nakangiting si Eric. “Hi. Kamusta si Matthew?” bati ni Eric nang makita si Marie. “I'm sorry, 'di ako nakapunta kahapon,”  sunod nitong sabi. Hindi kaagad nakasagot si Marie sa sinabi ng binata. Sandali kasi siyang natigilan dahil sa napaka-pormal na pananamit ng nito. Nakasuot kasi ito ng black suit, white shirt at gray tie. Na sa tingin ni Marie ay hindi ankop sa ospital. “He's stable and getting better sabi ng mga doktor. Sabi nila magigising na siya any moment. Salamat ng marami sa'yo. Huwag kang mag-alala, babayaran kita kaagad kapag nakaluwag na ‘ko,” sabi ng dalaga. “And don't apologize. You don't have to be here all the time.” “No need to think about the payment. Ang mahalaga ligtas na si Matthew,” nakangiting sagot ni Eric. “How about Marco? Is he okay? Ipinapahanap ko na sa mga pulis ‘yong nakabunggo sa kanya.” Hindi na naman nakasagot si Marie. Hindi niya naintindihan ang sinabi ng binata. Bigla kasi siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo at p*******t ng ulo. “Are you alright? Namumutla ka. Halika umupo ka muna,” sabi ni Eric nang mapansing parang nanghihina ang kausap. “Hindi, okay...,” hindi na natapos ni Marie ang sasabihin nang tuluyan itong nahilo at napahawak sa mga braso ni Eric. “You're not okay. You need to be checked,” sabi ng binata na dahan-dahang inalalayang umupo ang dalaga. “No. I'm fine. Gutom lang ako,” tugon ni Marie. “Hindi kasi ako nakapaghapunan at hindi pa ako nakakapag-almusal. Magiging okay din ako pagkumain ako.” Ang totoo sobrang kulang na sa tulog si Marie at sagad na sa stress na nararamdaman. Ayaw lang niyang madagdagan pa ang mga problema nila kaya naisip niyang kakayanin na lang niya lahat ng ito. Isa pa, ayaw niyang makita siya ng mga kapatid niya na nanghihina at tila nawawalan ng pag-asa. “Okay. Kung ayaw mong magpa check-up. Then, just let me treat you somewhere,” mungkahe ni Eric sa dalaga. “Saan naman? Isa pa, bakit ganyan ang suot mo?” sunod-sunod na tanong ni Marie. “Basta sumama ka na lang. Kung hindi ipapa-confine kita dito,” nakangiting banta ni Eric sa dalaga. “Nakaka-inis ka talaga.” tugon naman ni Marie sabay ngiti. Matapos magpahinga sandali at uminom ng tubig ay umalis na sila Eric at Marie. Bahagyang gumanda ang pakiramdam ng dalaga. At naisip niya na hindi niya pwedeng tanggihan ang taong tumulong sa kapatid niya. Hindi na niya naisip pa ang sulat at pera na galing sa ina ni Eric. Hindi rin naman niya iyon nagamit at hindi pa rin nagbabago ang desisyon niyang ibalik iyon. Napalitan ng masayang kwentuhan ang mga problemng dala ni Marie. Nakalimutan niyang puyat at pagod na siya ng magsimula na silang mag-usap ni Eric sa sasakyan habang papunta sa iminungkaheng lugar ng binata. Hindi niya napapansin na parang unti-unting nagiging malapit, magaan at kumportable na ang loob niya kay Eric. Mula pa noon sa isla hanggan sa muli silang nagkita. “Eric. Anong klaseng lugar ‘to?”  tanong ni Marie nang dumating sila sa loob ng restaurant. Isang 5-star restaurant at lahat ng taong nandoon ay mukhang mayayaman. Ang mga lamesa at mga kubyertos ay siguradong mamahalin. Maging ang hawakan ng pinto ay napakakintab na kulay ginto. “Akala ko ba gusto mong kumain?” tanong ni Eric. “Oo, pero hindi sa ganitong lugar. Tignan mo naman 'yung suot ko. Hindi ako bagay dito,” sabi ni Marie na palingon-lingon at baka may mga taong nakatingin na sa kanya. Sino ba naman kasi ng pupunta sa isang 5-star restaurant ng naka-maong na pantalon at puting T-shirt lang. “I'm sorry. But I think it's okay. Kaibigan ko ang may-ari nito,” sagot ni Eric. “No. Hindi! Lumabas na tayo,” sabi ni Marie sabay hatak sa binata na wala ng nagawa kundi ang sundin ang dalaga. “Eh, saan mo gusto kumain?” nag-aalalang tanong ni Eric kay Marie na ngayon ay patingin-tingin sa paligid at naghahanap ng ibang makakainan. “Wala bang tapsihan dito?” tanong ni Marie. “Tapsihan?” balik na tanong ni Eric na tila hindi naintindihan ang sinabi ng dalaga. “Ah! Okay! Meron d'on malapit sa ospital. Tara balik tayo d'on,” sabi ni Marie sabay sakay uli sa sasakyan. Wala naman ng nagawa pa si Eric. Hindi na siya nakasagot at bumalik na lang sila doon sa may ospital kung saan may malapit na kainan. Isa pa, gusto na niyang makakain ang dalaga. Habang pabalik sa ospital ay hindi maiwasan ni Eric na mapatingin kay Marie. Hindi niya maiwasang mapangiti na pilit niyang itinatago sa dalaga. Ito ang unang pagkakataon na naging masaya siya ng dahil sa isang tao. Isang pakiramdan na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman sa iba. Isang kakaibang kasiyahan na hindi niya naramdaman noong si Elizabeth pa ang kasama niya. Pagdating na pagdating sa kainan sa tabi ng ospital ay mabilis na tumakbo si Marie para makita ang menu. “Oh, di ba? Mura na, masarap pa,” sabi ni Marie habang nakatingin sa nakapaskil na menu ng tapsihan. Pero hindi sumasagot si Eric. Nakatingin lang siya sa listahan ng mga pagkain. Hindi niya kasi alam kung ano ang o-orderin. Hindi kasi siya pamilyar sa kung ano ang tapsihan at kung anu-ano ang pagkaing pwedeng mabili rito. “Don't tell me. Hindi mo alam 'yong tapsilog?” tanong ni Marie. Umiling is Eric ng malakas habang nakatingin sa menu. “Nakaligtas at nabuhay ka sa isang isla pero 'di ka pa nakakakain sa ganitong lugar?” natatawang tanong ni Marie. “I always wanted to pero hindi ako pinapayagan. For the people around me, 'yong mga ganitong pagkain ay marumi. I go camping, yes. Pero ako ang nanghuli ng mga hayop na kinakain ko,” sagot ng binata na nakatingin pa rin sa listahan ng mga pagkain. “Okay, I'll have hotdog.” biglang nitong dugtong. “Hindi, napaka-common niyan. Liemposilog ang orderin natin. Okay?” sabi ni Marie sabay order at wala nang nagawa pa si Eric kahit hindi niya lubusang alam kung ano ang liemposilog dahil wala rin namang larawan ang listahan ng mga pagkain. Umupo sila sa pwestong malapit sa labas ng tapsihan medyo mainit kasi sa loob at mausok. Ipinahubad din ni Marie ang suot na amerikana at kurbata ni Eric na agad namang ginawa ng binata dahil nakaramdam na rin ng init. “Eric, I'm happy that you're still here,” biglang sabi ni Marie na ikinagulat ni Eric. “I mean, hindi mo na itinuloy 'yong suicide plan mo,” dugtong ng dalaga. Medyo nadismaya si Eric. Akala niya ay masaya ang dalaga na kasama siya. Pero masaya na rin siya kasi masaya ito na buhay pa siya. “Ha?” napangiting sagot ni Eric. “Ang totoo, I tried again. After we were rescued, tumakas uli ako at pumunta sa Taiwan.” “Ha? Bakit pa?!” magkahalong gulat at inis na tanong ni Marie. “I really wanted to die. I was still broken that time. Gaya ng sinabi ko noong nasa isla pa tayo, gusto ko munang puntahan ang mga lugar kung saan may good memories ako. I did that, and that night I was ready to take my life. Itinutok ko na 'yong baril sa ulo ko, but then when I closed my eyes, an image of you suddenly appeared in my head.” kwento ng binata habang nakatingin sa mangkok ng sabaw na hinahalo-halo n'ya. Napatulala naman ni Marie sa narinig mula sa binata. “Ha?” bumilis nanaman ang t***k ng puso ni Marie. “Habang nakapikit ako, I saw the moment na sumigaw ka ng malakas sa dagat. ‘Yong sandali na sinabi mo sa akin na dapat hindi ko sayangin ang buhay ko dahil sa mga walang kwentang tao. Noong naalala ko ‘yon, naiyak ako and I realized, na sa ikalawang pagkakataon, iniligtas mo 'ko,” dugtong ng binata. “Then, hindi ka na mawala sa isip ko. sinubukan kong puntahan ka sa ospital kung saan ka dinala pero wala ka na 'dun ng pumunta ako. My mom told me to forget you, like I said. But I can't.” “Ha?” muling naitugon ni Marie na sandaling natigilan. “I am honored na hindi mo nakalimutan 'yong mga sinabi ko at na iyon ang naging dahilan para hindi mo tinuloy 'yung balak mo,” dugtong ni Marie na ang totoo ay hindi na alam sunod na sasabihin. “I know this is so sudden. But Marie,” kinuha ni Eric ang kanang kamay ni Marie na nakapatong sa lamesa. Parang mansanas na ang buong mukha ni Marie sa pagkapula at napakabilis ng husto sa t***k ng puso niya. Nabigla siya sa ginawa ni Eric. Ramdam na ramdam ni Marie ang malambot at mainit na kamay ng binata. Feeling niya hihimatayin na siya. Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa kamay ni Eric. “I want you beside me. I need you. I want you to be my girlfriend,” sabi ni Eric habang nakatingin sa mga mata ng magandang dalaga. “Please, Marie. Bigyan mo ako ng chance.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD