Chapter X

2031 Words
“What did you just say, mom?!” pagalit na tanong ni Eric sa kausap. “Wait. Bakit parang galit ka?” nakataas kilay na tanong ng isang maputing ginang na nakasuot ng isang mamahaling na blazer at may dala-dalang isang mamahaling designer’s bag. Si Mrs. Perez ang ina ni Eric. “Mom, you just said na binayaran mo si Marie para hindi na makipagkita sa akin! Why do you have to do that?” mas mahinahong tanong ni Eric na mayroon pa ring bahid ng inis. “And what's wrong with that? 'Wag mong sabihin na nagagalit ka kasi hindi mo na makikita ang babaeng 'yon? Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa iyo, para sa kompanya ng ama mo, at para sa pamilya natin,” pasumbat na sagot ng ginang. “And if that’s true na binayaran ko siya, bakit kailangan mong magalit ng ganyan?” tanong uli ni Mrs. Perez. “It’s because– “Are you in love with that woman?” sabat na tanong ng ginang na hindi na pinakinggan pa ang sagot ng anak. “Answer me. Are you in love with that woman?” muling tanong ng babae matapos umupo sa isang upuan at inilapag ang mamahaling bag sa lamesa. Hindi nakasagot si Eric sa tanong ng ina. Alam niya ang ugali nito at hindi niya alam ang gagawin nito kay Marie kapag nagkamali siya ng sagot. Napapapikit na lamang siya at napabuntong hininga habang pinipigilan ang inis na nararamdaman. Hindi sa ina, kundi sa sarili. Dahil hindi niya magawang magkaroon ng lakas ng loob para sabihin sa ina ang mga nararamdaman niya. Nasasakal na siya at napakaraming hindi niya pwedeng gawin ng dahil kay Mrs. Perez. Pakiramdam niya ay wala siyang kalayaan. Pakiramdam niya ang nakatali ang kanyang mga paa at hawak ang ina niya ang may hawak ng tali. Hindi siya makatakas, ni hindi siya makatanggi. “Ma-iinlove ka na lang, sa wala pang kwenta,” madiin na sabi ng babae habang malamig na tinitignan ang anak. “Sino ba ang may kwenta?” sagot na tanong ni Eric nang hindi tumitingin sa ina. “Yong mayaman? Iyong may mga designer's bag? Iyong mga materyalistikong mga babae na anak ng mga business partners natin? Si Elizabeth?” sunod-sunod ang mga tanong ang lumabas kay Eric dahil sa inis. “Mom! Elizabeth is rich, well-educated and she has all the expensive stuff pero hindi niya ako pinahalagahan. 'Yan ba ang may kwenta? Lahat ng ganyang klaseng babae ba may kwenta?” dugtong ni Eric na ngayon ay sa ginang na nakabaling ang mga mata. Umayos ng upo ang ginang at kumuha ng sigarilyo mula sa bag. “You're the reason why she cheated. Ikaw ang dahilan kung bakit ka niya iniwan,” dugtong nito sabay sindi ng sigarilyo. “You’re so immature and incompetent. So there’s no doubt na ikaw ang dahilan kung bakit niloko ka niya.” “Anong alam mo sa naging relasyon namin, mom?” tanong ni Eric na namumula na ang mga tainga at pisngi. Kita ang galit sa kanyang mukha ngunit hindi niya magawang bastusin ang ina. Kahit na sa tuwing nag-uusap sila ay lagi siya nitong minamaliit at laging sa ganito humahantong ang usapan nila. “Nothing,” mabilisang sagot ni Mrs. Perez. “Wala naman akong pakialam sa relasyon ninyo.” “Then, why are telling me it's my fault?!” tumaas bigla ang boses ni Eric. “Because since you were a kid, wala ka ng ginawang tama. Lahat ng ginagawa mo palpak! You're a failure!” sagot ni Mrs. Perez na nalalaki ang mata sa anak at kitang-kita ang pagkainis nito. “Mas mabuti pang ‘yong ate mo na lang ang naging tagapagmana ng kumpanya!” Tinignan ni Eric ang ina sa mga mata nito. Walang emosyong ipinapakita ang ginang pero ramdam na ramdam ni Eric kung paano siya maliitin nito sa pamamagitan ng tingin. Kilala ni Eric ang ina at wala siyang matandaan na pinuri nito, maliban sa ate niya na nasa ibang bansa.  Alam din ni Eric na kahit noon pa man ay hindi siya nakitaan ng mommy niya ng tama. Lagi na lang siya ang mali at masama sa mata ng ina kahit anong pagsisikap niya. Laging siya ang walang kwenta, laging siya ang hindi tama. Ni hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. “You’re right. Wala na akong ginawang tama,” sagot ni Eric sabay talikod at bukas ng pinto ng kwarto. “So, why did you even bother to look for me? Pinabayaan ninyo na lang sana akong mabulok doon sa isla,” sabay padabog na isinara ng binata ang pintuan. Naiwan sa loob ng kwarto si Mrs. Perez na matapos marinig ang sinabi ng anak ay biglang napangiti. Ngiti na may bahid ng kasakiman. “Of course, I had to save you. Sa’yo ipingalan ng inutil mong ama ang lahat ng kayamanan niya. And I need you, to get those,” sabi ng ginang sabay buga ng usok mula sa sigarilyo. Samantala, patuloy pa rin ang pagdarasal ni Marie na nakaupo lang sa visitors area ng ICU section ng ospital. Wala siyang ganang kumain at hindi mapakali. Muli kasing inatake ng seizure ang kapatid at muling nagkagulo ang mga doktor at nurse sa loob ng ICU. Ayaw na sanang tignan ni Marie ang nangyayari sa loob pero kailangan niyang makita ang kalagayan ng kapatid. Umupo si Marie sa isang upuan sa labas ng kwarto. Muling yumuko, nagdasal at umiyak. Umaasa siya na gagaling ang kapatid pero hindi rin mawala sa isipan niya ang pinakamasamang maaaring mangyari. At ayaw niya iyon. Alam niyang kailangan niyang maging matatag at manatiling positibo. Alam niyang malalagpasan din nila ang pagsubok na 'to. Pero kahit anong pilit niya ay hindi niya talaga maiwasan ang takot at pag-aalala. “Bes, okay ka lang ba?” tanong ng humahangos na si Joan na kararating lang. Agad itong tumabi kay Marie at niyakap ang kaibigan. “Jo, salamat at nandito ka. Kailangan ko ng kausap. Si Matthew, hindi ko alam kung...,” umiiyak na sabi ni Marie sa kaibigan. Mas hinigpitan ni Joan ang yakap kay Marie habang patuloy itong umiiyak. Pinakalma at pinadama niya sa kaibigan na nandoon siya para dito. “Malalagpasan din natin 'to. Tama na. Kumalma ka muna at kumain. Baka ikaw naman ang sunod na magkasakit,” sabi ni Joan sa kaibigan sabay abot ng nakabalot na pagkain. “Salamat,” sagot ni Marie. Lumipas ang dalawang oras. Salamat kay Joan at panandaliang gumaan ang pakiramdam ni Marie. Maya-maya pa ay lumapit ang doktor ni Matthew sa kanila. Masama ang timpla mukha nito at ramdam nila na hindi maganda ang dala nitong balita. “I'll be honest, Ms. Montez. Matthew's condition is getting worse. Iyong mga vitals niya are slowly getting low. We need to perform the operation now. But the operation we need now is different and might cost more,” sabi ng doktor. “Uhm…,” halos hindi makasagot si Marie sa dalang balita ng doktor. Napalunok na lang siya ng laway habang pinipigilan ang mga luha sa pagpatak. “Please do everything to save my brother. Magababayad po ako kahit magkano,'” sabi ni Marie na hindi na napigilan pa ang pag-iyak. “As of now, we need the things for the operation. Alam mo naman na semi-private lang ang ospital na ito at wala tayong sapat ng mga kagamitan. We need you to prepare the money now. Para makabili na ng mga kailangan,” sagot ng doktor. “Paparating na po ang kapatid ko. Dala na niya ang pera.” “Sige. Pero hindi natin 'to pwedeng patagalin. We're prepared already but kailangan namin 'yong mga kagamitan right away,” sagot ng doktor. Agad na tinawagan ni Marie si Marco na siyang inutusan niya para kumuha ng pera sa bahay nila. Halos hindi na mapindot ni Marie ang mga numero sa telepono dahil sa labis na panginginig ng mga kamay. “Hindi ko ma-kontak si Marco.” “Huwag kang mag-alala. Sigurado paparating na ‘yon,” sabi ni Joan para pakalmahin ang kaibigan. Gusto nang pasimulan ni Marie ang operasyon pero wala naman siyang dalang pera para tustusan ang mga kailangan sa operasyon. Sinubukan niyang  tawagan ang ama niya, pero hindi rin ito sumasagot. Patuloy na lang niyang hinintay si Marco habang umiiyak at pinagmamasdan ang batang kapatid mula sa labas ng kwarto nito. Lumipas uli ang isang oras at hindi pa rin bumabalik si Marco. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ng dalaga. Maya-maya pa ay narinig nila ang pagtunog ng mga aparato na nakakabit kay Matthew. Isang tunog, matinis na tunog na hindi nanaisin ng sinuman na marinig sa ospital. Nagsitakbuhan ang lahat ng nurse papasok sa kwarto ng bata kasama ang dalawang doktor. Sumunod sila Marie pero hindi sila pinapasok ng mga nurse. “Yong kapatid ko, please. Please... Matthew,” iyak ni Marie na walang magawa kundi ang maghintay na lamang sa labas. Maya-maya ay lumabas ang doktor ni Matthew. “Dalhin na siya sa operation room! Quickly!' sigaw nito sa mga kasama pagkatapos ay mabilis na bumaling kay Marie. “Ms. Montez, we'll start the operation now.” “Salamat po. Pero hindi pa po kami nakakabayad para sa mga gamit na gagamitin ninyo. Pero salamat po. Pangako po babayaran ko po kayo agad,” sagot ni Marie na medyo nabuhayan sa narinig. “No need. Someone paid for it.” sagot ng doktor. “Uhm, no. Someone bought everything we need. Even, medicine and mayroon din siyang dalang surgeon na bihasa sa ganitong sakit,” dugtong ng doktor ni Matthew. “Ha? A-ano po? Sino?” naguluhan at gulat tanong ni Marie. Narinig niya ng malinaw ang sinabi ng doktor subalit dahil sa pagkataranta at takot ay hindi niya ito naintidihan ng maayos.  Hindi na sinagot ng doktor ang tanong at sinabihan na lang si Marie na kailangan na nilang simulan kaagad ang operasyon. Pinaliwanag naman ni Joan sa naguguluhang kaibigan ang nangyayari. Na may isang taong nagmagandang loob na nagbayad at bumili ng mga kailangan at nagdala pa ng isang espesyalista para tulungan sila. Walang maisip si Marie na tao para gawin iyon sa kanila. Wala rin siyang kilala na ganoon kayaman para sagutin ang lahat ng gastusin para sa operasyon. Wala rin siyang kilalang taong may kakayahan na magdala ng isang espesyalista. “Marie,” isang boses ang narinig nila. Mula ito sa lalaking kalalabas lang ng elevator at medyo hinihingal. Napalingon si Marie sa pinanggalingan ng pamilyar na boses at lumaki ang mga mata niya sa pagkabigla. “Eric?” nasorpresang tanong ni Marie. Wala siyang ideya kung bakit nandoon ang binata. “Nasaan na 'yong kapatid mo?” tanong ni Eric. “Dinala na sa operating room,” sagot ni Marie na hindi alam kung ano ba talaga ang nangyayari. “Ba-bakit?” “Mabuti naman,” sabi nito na napabuntong hininga at tila naginhawaan. ''Wag mong sabihing? Ikaw? Paano mo?” sunod-sunod na mga tanong ni Marie na may palagay na sa mga nangyayari. “Yes. I went to your house today. Sabi ng mga kapitbahay n'yo nasa ospital daw kayo. So, I went here and I overheard everything. I know the operation is urgent. Kaya instead na kausapin ka muna ay naisipan kong magsa-ayos agad ng mga kailangang gawin. At pinabili ko na lahat ng kailangan bago magpakita sa'yo,” paliwanag ni Eric na tumigil saglit. “Dahil alam kong tatanggi ka kung sinabi ko muna sa'yo 'to.” “Pero Eric. Bakit– “Marie, I want to save your brother like how you saved me,” sagot ni Eric bago pa makatutol ang dalaga. “Please let me return the favor.” Tinitigan ni Marie ang binata at pagkatapos ay bigla niya itong niyakap. “Eric. Salamat.” Muling tumulo ang mga luha mula sa mga mata ng dalaga. At si Joan naman ay natulala. Hindi siya makapaniwala na ang mayaman at sikat na si Eric Von Perez ay nasa harapan niya ngayon. At nakayakap pa ang pinakamatalik niyang kaibigan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD