Madilim pa ang paligid nang maalimpungatan si Eric. Nagkakagulo kasi sa labas ng kwarto niya. May umiiyak, may tumatakbo at naririnig niya ang matinis na tunog ng EKG. Mga tanda na may hindi magandang nangyayari at hindi maiwasan ni Eric na makaramdam ng pag-aalala. Lalo na at nasa ospital rin ang kasintahan. Kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya at hindi siya mapalagay. Umupo si Eric at inilibot ang paningin sa paligid. Wala doon si Princess at si Jigs. Himinga siya ng malalim at pinakiramdaman naman niya ang sarili. At nang maramdaman na walang masakit sa kanya na kahit ano ay sinubukan niyang tumayo. Masama kasi talaga ang kutob niya sa nangyayari sa labas. Pakiramdam niya ay si Marie ang nasa panganib kaya kailangan na makita niya kung ano talaga ang nangyayari. Kahit na wala siya

