Nag-iba ang mood ni Eric nang marinig ang ibinalita ni Jigs. Agad nitong ipinatawag ang kaibigan at bumalik sila sa yate. At magmula ng bumalik sila doon ay hindi na sila lumabas pang muli. Ipinagpatuloy nila Marie ang photoshoot at paggawa ng video advertisement. At kahit nagkaroon ng ilang problema ay natapos nila ang lahat matapos lumubog ang araw. Pero kahit inabot na sila ng ganoong oras ay hindi pa rin lumabas sila Eric mula sa yate. Nag-aalala na si Marie sa nangyari dahil biglang nag-iba ang kilos ni Eric at ni hindi man lang ito nagpaalam ng maayos sa kanya bago magsimula sa trabaho. Alam niyang malaki ang problema ng kasintahan at gusto niyang matulungan ito sa kahit anong paraan na kaya niya. Dahil sa gabi na ay binuo na ng mga tauhan ni Eric ang mga tent kung saan sila magpap

