Hindi pa rin mapigilan ni Marie ang maiyak tuwing naaalala ang masakit na dinanas niya sa dating kasintahan. Ni hindi na niya napansin na tumulo na pala ang luha niya habang bumabalik isa-isa ang mga ala-alang iyon. Naputol na lamang ang kanyang pag-iisip nang pumasok si Joan sa kanyang kwarto. Mabilis na pinunasan ni Marie ang pisngi at pinilit na ngumiti sa harap ng kaibigan. “Ayaw ko ng ganyang ngiti. Gusto ko ‘yong totoo,” nakangiting bati ni Joan sa kaibigan. “Alam kong na-iimbyerna ka doon sa nakita mo noong nagising ka. Ang totoo, ipinagtabuyan na namin ang hayop na ‘yon. Kaso makapal talaga ang mukha.” “Oo nga, eh. Lalo sumakit ‘yong ulo ko nang makita ko ‘yong mukha niya,” sagot naman ni Marie. “Nga pala? Nasaan na ang mga doktor? Gusto ko silang maka-usap baka pwede na ‘kong l

