Mas lumakas pa ang ulan ng gabing iyon. Isang oras na ang lumipas matapos ang hatinggabi at nag-aalalang naghihintay si Marco sa pagdating ng nakatatandang kapatid. Ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi ito sumasagot. At nang huling beses niya itong tinawagan ay hindi na nag-ring ang cellphone nito. Naisip ni Marco na maaaring kasama ng ate niya ang boyfriend nito kaya naman tinawagan niya si Gerone. Pero patay rin ang cellphone nito. Sunod na tinawagan ni Marco si Joan pero sinabi nito na hindi niya kasama ang kaibigan. Labis na ang pag-aalala ni Marco dahil sa tuwing gagabihin ng uwi ang ate niya ay hindi ito nakakalimot na tumawag muna. Lumipas pa ang ilang minuto at hindi man lang humihina ang ulan. Naka-ilang ikot na rin si Marco sa maliit nilang sala nang biglang bumukas a

