Chapter XIX

2063 Words

Ilang linggo ang lumipas. Pinilit ni Marie na ibalik ang normal na buhay. Bumalik siya sa trabaho, nagpagkalunod sa mga gawain at ginawa ang lahat para malibang ang sarili at makalimot. Pero kahit anong gawin niya ay bumabalik pa rin ang sakit na nararamdaman niya. Lalo na kapag gabi. Mula noong tinapos niya ang lahat sa pagitan nila ni Eric ay nahirapan na siyang makatulog. Madalas rin niyang nakikita ang sarili na biglaan na lang umiiyak. Pero pilit na nilabanan ni Marie ang lahat ng iyon. Alam niyang walang mangyayari kung magpapadala siya sa lungkot. Kaya naman komunsulta siya sa doktor at kahit papaano ay naibsan ang pinagdadaanan niya. Bumalik na rin sa dati ang trato sa kanya ng kanyang boss. Bumalik na ito sa pagiging maingay at mahigpit. Hindi iyon magandang balita pero para kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD