Isang malaking apoy sa isang bakal na drum ang unang nakita ni Marie nang idilat niya ang mga mata. Inilibot ni Marie ang mga mata habang iniinda ang parang binibiyak sa sakit na ulo. Ang apoy na ‘yon lang ang nagbibigay ng liwang sa buong lugar na kasing laki ng isang basketball court. Amoy bakal at kalawang ang lugar na puno ng mga tambak na mga yero at iba pang bakal na tila hindi na mapapakinabangan. Muling ipinikit ni Marie ang mga mata sa pagbabakasakaling makatulong iyon na mawala ang sakit ng ulo na nararamdaman. Nais hawiin ni Mare ang buhok na nakaharang sa mga mata subalit nang subukan niyang itaas ang kamay ay doon niya napagtanto na nakatali pala siya sa isang bakal na poste habang nakaupo sa sahig at nakatali rin ang mga paa. Nagising ng tuluyan ang diwa ni Marie at muli ni

