Bumalik na si Marie sa kanyang trabaho at normal na buhay. Naging mahaba na kasi ang kanyang bakasyon at dahil sa bago pa lang siya ay hindi siya binigyan ng leave ng kanyang boss. Pero naiintindihan ni Ms. Krish ang mga nangyari kay Marie. Kaya naman siya na mismo ang nakiusap sa mga nasa taas para bigyan ng leave ang dalaga at kahit papaano ay may sahurin pa. Alam niya na kailangang-kailangan ngayon ng dalaga ng pera. Naging madali naman iyon para sa mga nasa management dahil si Marie ang nakapagpirma sa Perez ng isang malaking kontrata. Samantala, ipinatayo muli ni Eric ang studio ni Mang Alejandro at binilhan din ng binata ng mga gamit ang ama ni Marie. Halos pinalitan niya lahat ng nasunog na gamit nito. Maliit na gusali lang naman ang nasunog na mayroong limang palapag at ang ibaba

