Ilang araw ng balisa si Eric. Hindi na naman siya pumapasok sa trabaho at madalas na nagkukulong sa kanyang kwarto. Hindi na rin mabilang ang tawag ni Marie na hindi niya sinagot. Gulong-gulo ang isipan niya. Akala niya ayos lang na nalaman niya ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Pero hindi pala. Naiinis siya dahil napakatagal na panahon bago niya nalaman ang lahat at pakiramdam niya ay nabuhay siya sa kasinungalingan. Isa pa, wala ng pagkakataon na makita pa niya ang tunay na ina. Pakiramdam din niya, hindi siya nararapat sa posisyon niya sa kompanya. At ang pinaka ikinababahala niya ay ang kalagayan nila Marie. Ngayong alam na ni Eric ang tunay na dahilan ng galit ng itinuring na ina ay nakakasiguro siyang makakagawa ito ng mas malalala pang plano laban sa kanila. Alam

