Bumaba agad si Eric pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan. Padabog niyang binuksan ang pintuan at maging ang mga gwardiya na naroon ay walang nagawa para pigilan siya. Hindi pa nagalit ng ganoon si Eric sa buong buhay niya at pakiramdam niya ay sasabog siya. Pag-akyat niya ay sinalubong siya ng sekretarya ni Mrs. Perez. Hinarang siya nito dahil maaga pa para sa appointment nilang mag-ina. At mahigpit na ibinilin ng ginang na huwag papasukin ang kahit na sino hangga’t hindi pa oras ng appointment ng mga ito. Pero walang nawaga ang sekretarya. Hinawi lang ito ni Eric at binuksan niya ng padabog ang malaking pinto ng study room. At doon ay nadatnan niya ang ina, nakaupo ito sa paborito nitong upuan, nakatingin na sa kanya at tila inaasahan na ang pagdating niya. “Masyado kang napaaga, Eric. N

