Dahil sa walang pasok ay minabuti ni Marie na puntahan at alagaan ang kapatid sa ospital. Balak niyang gamitin ang tatlong araw na bakasyon para sa kapatid. Pero nainis siya nang tanghali na nagising. Nag-alarm naman siya pero dahil siguro sa pagod ay hindi na niya narinig ang tunog nito. Wala na si Marco at Mark nang bumaba si Marie at napansin niyang makalat sa sala at sa kusina. Parang nagmadali ang dalawa na marahil ay napuyat din dahil sa oras ng pagdating ni Marie kinagabihan. Napansin din niya na maraming kailangang ayusin sa loob ng bahay. Kaya naman inayos at nilinis muna ni Marie ang lahat bago umalis. Eksato pagkalipas ng tanghali siya natapos. Bumili muna siya nang pasalubong para sa kapatid at pagkatapos ay dumeretso na sa ospital. Walang tao sa kwarto ng kapatid ng dumatin

