Ellah
"Hay nako, ellah. Huwag ka nang mainis. Hindi mo naman kasalanan na yung armas na yun ang napunta sa iyo e." Pampalubag loob ng babaeng gustong makipag kaibigan sa akin. Ano nga ulit pangalan niya?
"I'm Arrelinnah Montecillo, ellah." Sabi nito. Psh. Tinignan ko naman itong may inis. Bakit ba di uso rito ang salitang privacy?
"Hehe sorry." Nakatingin ito sa gilid at nakanguso. So childish.
"As I was saying, hindi ka dapat magalit dahil sa weapon mo. Malay mo bang yung Sword of Death ang mapupunta sa iyo? Pero sabagay nga naman, kahit ako rin siguro kung sa akin napunta yun, matatakot din ako. Sure ka bang wala ka talagang kapangyarihan?" Paninigurado nito. At oo tama kayo ng basa. Sword of Death ang napunta sa akin. Espada na puwedeng makapatay at makawasak na kahit na ano kahit mahiwa lang nito. Ano ba kasing akala sakin ng espadang 'yon, mamamatay tao ako?
Kakainis. Kakauyam. Andami tuloy natakot sa akin kanina. Halos magtakbuhan ang mga estudyante kanina nang makita nilang iyon ang weapon ko. Nagmukha pa akong halimaw. Naman o! Any ways, bakit nga ba hanggang ngayon kasama ko parin itong maingay na babaeng 'to? Kung may choice lang sana ako e. Pinakiusapan kasi ni kuya na samahan ako dahil na nga rin sa nangyari nung nakaraan na pinag tripan ako nung mga mukhang paa na yun.
As we head to our next class, many of the students are glancing us. Lumalayo sila kapag papalapit na kami sa kanila at ang iba naman ay nagbubulungan. Takte, mukha ba kaming may nakakahawang sakit? Ang paplastic ha?
"Nakakabuwisit talaga tong mga taong ito! Napaka OA!" Himutok ng kasama ko nang makarating kami sa classroom. Napaaga yata ang punta namin dahil pagpunta namin dito ay apat pa lang kaming nandito.
"Ay, ellah! Oo nga pala, nakalimutan kong itanong. Totoo ba yung sinabi sakin ni Kuya Jao na kapatid ka niya?" Agad kong tinakpan ang bunganga niya. Baka mamaya may makarinig sa kaniya e. Ingay ingay.
"Ano ba! Please be quiet nga! Pag talaga may nakarinig sayo, patay ka sakin." Pagbabanta ko sa kaniya. Nag peace sign lang ito at tinakpan ang bibig.
Habang nag-aantay ay napalingon ako sa bintana sa tabi ko kung saan makikita ang hallway. Para kasing may nakatingin sakin. Ang weird lang. Biglang nagtayuan ang balahibo sa katawan ko ng humangin bigla. Napalinga ako sa paligid para tignan kung may nakatingin saakin, pero lahat sila ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Baka guni-guni ko lang.
"Ellah, uy! Tayo! Andyan na si Sir Mikos." Bigla akong napalingon kay Montecillo ng tawagin ako nito. Nang tumingin ako sa harapan ay nakita ko nga ang isa sa professor namin. Tumayo na rin ako para batiin ito.
"Okay class, you may sit down." At umupo naman kami. Kinuha nito ang stick na nasa gilid niya at hinimas ito.
"What we'll be doing today is to train your physical bodies together with your weapon. So now, I want you guys to prepare your weapons. I'll give you time to change into your comfortable clothes and go to the training centre." Pagkasabi niya ay umalis na ito. Dali-dali naman kaming kumilos para bumalik sa dorm. Lakad takbo ang ginawa ko para mapabilis ang kilos ko. Pagkarating ko sa dorm ay kinuha ko agad ang damit at nagpalit. Simpleng itim na V-neck shirt, cargo pants at puting rubber shoes lang ang isinuot ko. Itinali ko na rin ang buhok ko pabilog para hindi maging sagabal mamaya. Kumuha ako ng extrang shirt at towel para kung sakaling pagpawisan ako. Nagbaon din ako ng tubig para mamaya. Nang masiguradong wala na akong naiwan ay nilock ko na ang dorm at nagmadaling pumunta sa Training Centre. Pagpasok ko sa loob ay kumpleto na ang mga kaklase ko. Ang iba sa mga ito ay nakikipagkuwentuhan at nagtatawanan. Ang iba naman ay may sariling mundo sa gilid at nagbabasa lamang ng libro. Isn't it inappropriate to bring a book in our training?
Hinanap ng mga mata ko si Montecillo. Pagkakita ko sa kaniya ay nilapitan ko agad ito. It's not like i want it, ha? I had no choice lang talaga since siya lang ang kakilala ko rito.
"Ellah! Kanina pa kita iniintay!" Inikutan ko lang ito ng mata saka umupo sa tabi niya.
"What time are we going to start ba?" inip na tanong ko rito. Luminga-linga naman ito sa paligid.
"Start na rin tayo, intayin lang natin si sir may kinuha lang sa faculty." sagot nito.
"Montecillo, nararamdaman mo 'yun?" Pagtatanong ko rito. Tumingin naman ito sa akin ng may pagtatakha.
"Ha? Sinasabi mo?" Clueless nitong tanong. Haist never mind.
Napalingon naman ako sa paligid ng maramdaman ang pamilyar na presensiyang naramdaman ko rin kanina. Parang may nakatingin na naman. Nilibot ko ng tingin ang buong pasilyo ngunit wala namang kumikilos ng kahina-hinala. Pinagsawalang bahala ko nalang ito. Baka mamaya guni-guni ko lang naman.
Oo nga pala, nasa loob kami ng training centre. Mas maliit ito kumpara sa Gym ng school pero malawak parin. Saktong sakto para sa mga estudyanteng gustong magpatayan. Gawa sa bakal ang materyales na ginamit sa pagbuo nito ngunit ang entrance ay gawa sa salamin kaya kita kami sa labas. May mahabang lamesa rin sa likod kung saan nakapatong ang iba't-ibang sandata at isang malaking projector sa harap. Marami ring dummies na nakakalat sa paligid. Carpeted ang sahig marahil upang hindi madulas ang mga estudyante habang nag t-train sila.
So fetch.
"Class, attention!" Naglingunan kami sa pintuan ng marinig namin iyon. Nakita namin si Sir Mikos na nakatayo roon hawak ang isang makabilaang talim na espada. Siya ay nakasuot lang din ng Jogging pants, t-shirt at rubber shoes. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na teacher siya. Kung ibabase kasi sa itsura niya ay masasabi kong kasing edaran lang namin ito kahit na ang totoo ay matanda ito sa amin ng ilang dekada.
"I just want you to know that I assigned your partner. I want to train you really hard and I wanna make sure na matututo kayo. Mas makatutulong rin 'yon sa inyo dahil mas matututukan niyo ang isa't-isa." He announced. I look around and see everyone excited. Excited kung sino ang magiging kapareha. Lord, I hope na hindi maarte ang mapunta sa'kin.