Kabanata 12

1171 Words
Ellah "Azrael and Magnifico" "Kronus and Libra" "Montecillo and Contreras" Binanggit na si Montecillo. "Cipra and Kaysus" "Johnsons and Grimme" Tinignan ko kung sino yung nagtaas ng kamay. Lalaki. Hmm okay, cute din naman. Oks lang. --- "Okay guys, so all of you has a partner already. You may come to each other." Anusyo ni sir. Tumayo na kami sa pagkakaupo sa sahig at nagsimulang hanapin yung lalaki. "Miss." Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Si Johnsons. Nilapitan ko rin ito ngunit hindi ko siya nginitian pabalik. Strict parents ko. "So you're my partner." Sabi ko nalang dito. Tumango rin ito. "Yes. I'm Parker Johnsons and you are?" "Ellah Grimme" Maikling sagot ko rito. Ewan ko ba. Dati, ayos lang naman sakin na kumausap o kausapin ng kahit na sino kahit hindi ko pa kilala. Pero recently, ewan ko ba. Sudden change of moods lang yata dahil sa nangyayari nung mga nakaraang araw. Like, hello! Kahit sino naman siguro magugulat kung sasabihin sayo ng magulang mo na lilipat ka sa school ng mga taong may kapangyarihan. Dagdagan pa ng masiyadong bulgar ang pagpapakita nila nito. Jusko naman. "So, shall we?" Inaya ako nito upang mag punta sa isang tabi. Hindi kasi kami makakakilos kung sa gitna kami pupuwesto. Puno na sila roon e. Nang makapuwesto kami ay nagsimula nang magdiscuss si sir ng mga kung anong dapat naming gawin. Unang tinuro niya saamin ay kung paano umiwas sa atake. Dahil hindi naman sa lahat ng oras ay kami ang aatake. Paano nalang kung mapagod kami. Hindi naman ako nahirapan sa itinuturo ni sir dahil inaalalayan din ako ng partner ko. Medyo masakit nga lang dahil namali ako ng tapak at bumagsak ako. Sunod niyang itinuro sa amin kung paano pailawin ang mga weapons namin. Sabi kasi ni sir, malakas naman ang mga sandata namin. Pero mas malakas kung iilaw ito dahil ito ang hudyat na lumalabas ang kapangyarihan ng sandata. Nakakasad lang dahil isa lang saamin ang nakagawa. Yung kapartner ni Montecillo. Hindi ko naman kilala 'yon e. Jeez. Ano naman ba kasing aasahan ko sa lowest section diba? "It's okay class, don't be upset. But next time I want you to push yourself hard, alright?" Nagtanguan nalang kami sa sinabi ng guro. --- This past few days ay mas naging busy pa kami sa klase. I mean sa training. Nalalapit na kasi ang duel. Halos lahat ng estudyante desperadong umangat ang level. Wala naman sigurong ayaw. Bihirang bihira narin kaming magkita ni kuya dahil pati sila ay nabusy. Siyempre kahit naman na mataas na sila, estudyante pa rin sila na kailangang mag-aral. Mamaya ay sabay kami non mag l-lunch sa cafeteria dahil sakto at pareho kami ng schedule ng break. Ewan ko nga ba riyan kay kuya, ke bago bago pa lang namin dito pero kasama agad siya sa counsil at mataas ang level. May tinatago yata itong si kuya saakin e. By the way, kumusta na kaya sila mommy at daddy? Wala na kasi kaming balita sa kanilang dalawa e. Nag-aalala na ako. Sabi kasi nila, kokontakin daw nila kami, pero hanggang ngayon naman ay wala parin. Namimiss ko na sila. I wish they were here. "Elalalalalah! Anong plans mo mamayang break?" Si Montecillo tinatawag ako. Pero what the freak? Lately, kung ano-ano na tinatawag nito saakin. Di ko alam kung dahil lang ba talaga sa stress o baka baliw na talaga 'to e. "Sabay kami ni Kuya Jao mag l-lunch mamaya. Wanna come?" Tanong ko rito. Don't get me wrong. We're still not friends, it's just for formality. "Ay hindi ba ako makakaabala sa bonding niyong dalawa?" Paninigurado nito. Umiling naman ako rito. Nang tumunog ang bell na hudyat ng break ay nagsimula ng magtayuan ang mga estudyante. Nagmadali rin akong ligpitin ang mga gamit ko at tumayo na rin. Sabay kami ni Montecillo na lumabas ng classroom. Dagsaan ang mga estudyante ngayon sa hallway kaya ang hirap magmadali sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay may estudyanteng naka suot ng kulay abong cloak ang bumangga saamin. A half-blooded. Dahil sa ginawa nito ay nalaglag ang mga hawak na libro ni Montecillo. Nilingon ko ang mga ito only to find out that they are smirking at us. Mga anak ng pating naman o! "Hoy!" Pasigaw na tawag ko sa kanila. Naglingunan naman ang ibang estudyante sa paligid namin. Huminto ang mga ito sa paglalakad saka humarap sa direksiyon namin. "Hoy mga pangit!" Sigaw ko pa sa mga ito. Nagsitawanan ang mga ito samantalang ang dalawa sa kanila ay nakasimangot. Lima kasi silang mga pangit. "What did you called us, BAD BLOOD?" Nakangising sabi ng lalaki sa unahan habang binibigyang diin na Bad blooded kami. I badly want to wipe that smirk out of his face. Lumapit ang mga ito sa amin. Dali-dali kong dinuro ang mga ito. "Hoy para sabihin ko sa inyong mga HALF-BLOODED na kulang sa aruga at hindi alam ang salitang respeto, baka gusto niyong tulungan 'to? Binangga bangga niyo siya tapos ayaw niyong tulungang damputin iyong mga gamit niya?" Pinilit naman akong awatin ni Montecillo pero siguro'y alam niya ang ugali ko. Hindi ako nagpapatalo basta-basta. Napakasasama ng mga ugali. "Anong sinabi mo? Anong karapatan mong utusan kami? Mas mataas kaba saamin? E wala ka namang kuwenta rito e. Ni wala ka ngang kapangyarihan." Mapanghusgang saad ng lalaki na mataba sa likod nila. "Ang kapal ng mukha mong sumagot. Saka mo na ako labanan kapag mas malaki na iyang utak mo kesa sa katawan mo." Pagtataray ko rito. Ang lakas ng loob na sumagot kala mo naman. Ilan ba waist line nito? Agad naman itong nagalit at akmang susugurin ako ng pigilan ito ng kasama nilang babae. "Napaka habang mo rin ano? Ano kayang magagawa ng pagmamatapang mo kung gamitin ko sa'yo itong kapangyarihan ko?" Nakangising sabi nito sabay taas ng kamay at umambang parang may ihahagis. As if I'm scared. "May magagawa rin ba iyang kapangyarihan mo kung inupisahan na kitang ibaon sa lupa?" Napalingon ako sa nagsalita sa gilid. Agad natulala ang mga tao sa paligid ko at namumutlang nagsiyukuan ang mga mayayabang na kaaway ko. Psh. Sige, ngayon niyo ako awayin. Yari kayo kay kuya. Kapansin-pansin ang seryoso at galit na itsura nito. Nilingon niya ako at tinignan na parang nagtatanong kung okay lang ba ako. Tinaasan ko lang ito ng kilay upang ipahiwatig na ayos lang ako. Bumalik ang tingin niya sa mga mayayabang at nilapitan ang babaeng mananakit sana sa akin kanina at hinawakan ito sa kuwelyo. Pinagpag nito ang kuwelyo ng suot na uniporme dahilan upang mas lalo itong kabahan at manginig. Tinignan ko si Montecillo na animo'y shock na shock sa nangyayari at hindi parin napupulot ang mga gamit. Tumingin ito sa akin ngunit tinarayan ko lang ito. Yumuko ako upang tulungan siyang damputin ang mga gamit niya. Gulat naman itong tumingin saakin. Ano na naman?! "Hoy ano, titingin ka nalang diyan? Nangangawit na kamay ko, fyi." Pagsusungit ko rito saka ulit siya inirapan. Kaya ayoko sa kaniya e. Masiyadong mabait at hindi marunong ipagtanggol ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD