Kabanata 2

1647 Words
Ellah Kasalukuyan kaming nag aalmusal nang biglang mag salita si dad. "Ellah, birthday mo na bukas. Mag s-seventeen kana. Any plans?" Paalala ni dad saakin. "Wala pa po dito nalang po siguro sa bahay." Sagot ko rito. Totoo naman kasi, kung tutuusin mas prefer ko pang mag stay nalang dito sa bahay kesa lumabas. "How about mag dinner nalang tayo? Maaga rin akong uuwi bukas para tumulong kay mommy n'yong mag luto." Suggestion ni dad. "I'm okay with that,dad." "Mom, you okay?" Biglang tanong ni kuya kay mom ng bigla nalang itong tumayo at ilagay ang pinagkainan nito sa kitchen sink kahit hindi pa n'ya ubos ang kinakain n'ya. "I'm okay. Sumama lang bigla ang pakiramdam ko. Akyat nako sa kwarto, kayo na bahala d'yan." Seryosong sabi ni mom. Nakapagtataka lang kasi kanina ganadong-ganado siya pero simula ng mabanggit ni dad yung tungkol sa birthday ko,bigla nalang siyang nag kaganyan. 'What's wrong with my birthday?' --- Bandang alas kwatro ng hapon ay nagulat na lang ako nang biglang pumasok si mommy dito sa kwarto ko habang pinagmamamasdan ang librong naiwan ng matanda. Dali-dali ko naman itong tinago sa ilalim ng unan ko, saka ko hinarap si mom. "Mom,what are you doing here?" Takhang tanong ko rito. Kita ko naman na nag mamadali ito at nakasuot ito ng corporate attire. "Ahm, Ellah? May urgent meeting kasi kami ngayon with the investors. If it is okay with you, pwede kabang mag grocery ngayon? Naubusan na kasi tayo ng stocks sa kitchen e." Hinging pabor nito. "Sure mom, why not?" Agad naman niyang ibinigay saakin yung list. "Okay, here's the list. Ikaw nalang bahala sa sukli. Mag shopping ka or what. Kung gusto mo bumili ka na rin ng libro mo. By the way, go home before Eight, okay?" Bilin nito sa'kin. Yay! That's one of the things i like about her, she's not k.j. Nang maka alis na si mom ay agad akong tumungo sa closet ko, kakaligo ko lang naman kaya walang kaso kung mag bibihis nalang ako. Pumili nalang ako ng isang short shorts at isang white t-shirt. Tinernohan ko lang din ako ng black converse at nilugay ko lang ang mahaba't wavy kong buhok. Nag suot din ako ng black contact lense gaya ng sabi ni mommy. Ewan ko nga kung bakit itinatago ito ni mom sa iba. Basta ang sabi ni mom,wag ko daw hahayaang may ibang makakita rito. I found it weird nga e. Kasi dati bata pa 'ko nung hinabol ko yung aso ni lolo na si rio nung nakalabas ito at nag tatatatakbo papunta sa park ay nakalimutan kong isuot ang mga lenses ko kaya nag takbuhan papalayo yung mga bata at tinawag akong monster. After that nag iiiyak ako kela mommy no'n at ang sabi lang nila ay "Don't worry, Dennise. It's normal, co'z you're special."-kuya. Mabilis kong pinilig ang ulo ko at nag lagay ng konting powder at lip tint. Ikinabit kona ang head set ko. Bago ko makalimutan nilagay kona sa wallet ko yung perang binigay ni mom at pati yung listahan narin. Inilock kona ang pinto ng room ko at agad akong pumasok sa kwarto ni kuya na katapat lang ng kwarto ko nang walang katok-katok. "Kuya---ow, sorry!" Agad akong tumalikod ng makita kong nag bibihis ito. "God, Dennise..I told you before to knock first!" Kuya hissed. "Oh my gee---sorry I forgot! Hehe!" Sabi ko rito sabay nag peace sign kahit nakatalikod ako. "Tsk! Where are you going,at mukhang nag mamadali ka? Buti nalang naka bihis nako! Nakita mo tuloy abs ko!"--kuya. Kapal ng mukha neto oh! For pete's sake,kung 'diko lang kaylangan ng driver. And anong sinasabi nitong abs? Taba meron! Hahaha joke! Totoo nga naman,may abs naman talaga siya! Isa. Aba may time ka pa talagang mag bilang ah? 'Dapat lang! Best in math kaya ko... nung grade 1, nakalimutan kolang sabihin. Tinamad kasi ako >_Bzztt*Bzztt*Bzztt* *Calling Kuya Jao (0909*******) Huuuu buti nalang na vibrate ko! Dali-dali naman akong tumakbo papasok sa kwarto para sagutin ang tawag. "What took you so long?" Unang bungad sa'kin ni kuya pagka sagot ko ng tawag niya. "E, hindi ko napansin. May ginagawa kasi ako." Sagot ko rito. "Any way pakisabi baka maya-maya pa'ko maka uwi. May emergency daw kasi dito sa bahay ni Drake (Kaibigan niya) wala siyang kasama dito." Paliwanag ni kuya. "Sige kuya, be safe!" Sabi ko rito. "Thanks. Bababa ko na. Pakisabi nalang kila mom and dad." Paalam ni kuya. "K. Take care!" Sabi ko bago niya ibaba ang tawag. Dumiretso akong c.r. para mag linis ng katawan. Pagkalabas ko sa c.r. ay dumiretso ako sa kama ko para suklayin ang buhok ko nang bigla kong maalala yung libro. Kinuha ko ito sa ilalim ng libro. 'The Untold Story' Basa ko sa book cover nito. Masasabi kong sobrang luma na nito dahil sa book cover nito at sa mga pahina nitong imbes puti ay naging manilaw-nilaw na. May parang kakaibang bato rin ito sa mismong harapan nito. Nilipat ko ito sa iba pang pahina ngunit wala akong naintindihan ni isa sa mga ito. Ibang lenggwahe yata? Habang iniiscan ko ang iba pang pahina ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Pag tingin ko sa sliding door ng balcony ko ay nakabukas. "Alam ko sinarado ko na yan,ah?!" Tanong ko sa sarili ko. Habang papalapit ako rito ay nakita ko ang isang anino. Unti-unti ko siyang nakita. Hindi ko matukoy kung babae ba o lalaki ito dahil naka taklob ang cloak nitong itim sa mukha niya gaya ng suot ni lola. Ang bibig lamang ito ang kita ko. "S-Sino ka?!" Utal kong tanong rito. Hindi ito sumagot ngunit tumawa ito. Isang Malamig at nakakatakot na tawa ang ibinigay nito saakin. Babae siya! "Soon. My dear, soon." Nakangising sabi nito saka biglang sumara ang pintuan ng balkonahe ko at bigla nalang siyang nawala. Bumalik ako sa kama ko habang may malaking katanungan sa isip ko. 'Sino siya?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD