Ellah
Kasalukuyan akong nasa lugar na maihahalintulad sa isang paraiso. Yea, a paradise.
Maraming bulaklak sa paligid na kahit saan ka lumingon ay makakakita ka ng mga batang usa na nag tatakbuhan at mga paru-paro na nagliliparan.
"Ang ganda!" Oo. Sobrang ganda,pero hindi ko alam kung pa'no ako napunta dito.
Ang huli ko lang na natatandaan ay nag-uusap sila mommy at daddy. But here i am, sa lugar kung saan hindi mo gugustuhing lisanin.
Napahinto ako mula sa aking malalim na pag-iisip ng bigla akong makarinig ng malakas na agos ng tubig.
Masyado yatang napalalim ang aking pag-iisip na hindi ko man lamang napansin na nakarating ako dito.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko rito ang isang napakaganda at napaka linis na talon. Nakadagdag pa sa ganda nito ang mga alitaptap sa paligid nito.
Patakbo ko itong nilapitan at tama nga ako. Mas maganda ito sa malapitan. Sa sobrang linis nito ay kita ko ang repleksiyon ko rito.
Nakikita ko rito ang aking sarili na nakasuot ng pulang bistida na aabot hanggang talampakan. Nakalugay lamang ang maalon kong buhok na kasing kulay ng gabi. Nakapatong naman dito ang isang korona na gawa sa mga asul na bulaklak.
Ako nga ito. Ngunit ang mas naka agaw ng atensyon ko ay ang aking mga mata. Mas naging light ang kulay nito kaya't mas naging mukhang nakakatakot at agaw atensyon. Ngunit sa kabila ng pagiging mukhang nakakatakot nito ay nag mukha akong dyosa. Mas bumagay ang mga ito sa akin.
Napadako naman ang tingin ko sa aking kamay. Nakita ko ang isang bracelet na ang disenyo ay isang Dragon.
Bumalik naman ang tingin ko sa tubig ng biglang may mag salita.
"Mundong kinagisnan,
iyong lisanin.
Kapangyarihang natatago ay palabasin.
At ang propesiya siyang tuparin.
Dumating na ang oras na itinakda,
Sa iyong paggising,
tuparin iyong
tadhana.
Ika'y magbabalik at ang lahat ay mabibigla.
May isang magigising,
dahilan ng pakikipag digma.
Gumising ka prinsesa't puksain ang masasama.
Huwag kang panghihinaan at pumanig sa tama.
Mag-ingat sa mga taong pagkakatiwalaan.
Dahil sa oras ng digmaan,
sila'y gagawa ng matinding kasalanan.
Gumising ka Prinsesa dahil oras mo na."
"Sino yan? Mag pakita ka!"
Pag katapos kong marinig ang tinig na iyon ay pilit ko itong hinanap ngunit wala akong makitang tao sa paligid. Nag simula naman akong makaramdam ng panlalamig at kaba. Ang pinaka magandang lugar kanina sa paningin ko ay nag mistulang kahindik-hindik dahil ang lahat ng ito'y naging abo nang hawakan ko ang isang dahon. Parang unti-unting namamatay ang may buhay sa paligid at ayaw ko nito! Ang kaninang malinis na talon ay biglang natuyot hanggang sa unti-unting nagiging abo ang lahat at walang natira ultimo bakas. Isa na lamang itong malawak na lupain ng patay na lupa.
"Mommy! Daddy!"pag babakasakali kong may makakarinig sa akin ngunit wala. Nag unahan na sa pag tulo ang aking luha.
'Di kona 'to kaya!'
"Jusko!" bulalas ko nang bigla akong napunta sa lugar na may digmaan.
Mga nag kalat na bangkay.
Mga gumuhong imprastraktura.
At mga pamilyar na mukha ng mga taong walang buhay.
Ano ba ito? Parusa ko ba ito dahil sa pagiging salbahe ko sa mga schoolmates ko at kay kuya?
Sa puntong ito ay tuluyan nakong napahagulgol ng makita ko ang mga walang buhay at duguang katawan nila daddy,mommy at kuya.
"Yan ang mangyayari sa mga mahal mo sa buhay sa oras na hindi mo matupad ang isinasaad sa propesiya." Biglang may nag salita sa likod ko. At nang lingunin ko ito ay nakita ko ang isang napaka gandang babae. Dali-dali naman akong tumakbo papalapit dito ngunit parang papalayo ito ng papalayo hanggang sa...
"Hey Brat! Wake up! You're having a nightmare! Hey, it's already late! Hey, mom wants to talk to you!" Bigla kong niyakap si kuya ng bigla akong magising.
Hay! Panaginip lang pala! Feeling ko totoo!
"Hey brat, are you okay?" nag aalalang tanong nito. Agad ko itong niyakap nang mahigpit. Hinagod naman nito ang aking likod na siyang nagpapakalma sa akin.
"Honestly no, i'm not! Grabe yung panaginip ko." sabi ko rito.
"By the way, Happy Birthday brat!" Pagbati nito saakin. And what? Birthday? Ohmyghash! It's my 17th Birthday!
"Thank you kuya!" tanging nasabi ko rito.
"Okay bumaba kana muna.
Kakausapin ka daw nila mom and dad." sabi nito at dali-daling tumayo sa kama ko at umalis sa kwarto ko.
Ano naman kaya ang sasabihin nila mom?
---
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na'ko para kausapin sila mom.
"Happy Birthday! Come here Dennise, take a sit."seryosong utos ni daddy.
Wow.Just Wow! It is the first time that dad call me in my second name. May problema ba?
"Thanks dad."
Dali-dali akong humugot ng upuan sa tabi ni daddy at umupo rito.
"Why dad? Is there any problem?" Agaran kong tanong sa kan'ya.
Napaharap ako kay mommy ng bigla itong umiyak at aluhin ni kuya.
"Mom, is there something wrong? Why are you crying?" Seryosong tanong ko kay mom. Malakas ang kutob ko may hindi magandang nangyari.
"Dennise." panimula ni dad.
"Kagabi habang pinag dedisisyunan namin ng mom mo na ilipat ka ng school, tumawag ang katiwala ng lolo mo. May mga umatake daw sa kanila na naka itim na cloak. Nung natyambahan daw niya na natanggalin ay napag alaman nila na walang mukha 'tong mga ito.Kaso sa kasamaang palad...napatay nila ang lolo mo. Napag alaman din namin na nag-aagaw buhay na si Ermie ng tumawag siya rito."
Oh god! What a great surprise!
"Ang galing. Ang ganda ng regalo nila sa akin. Bakit sila lolo pa?!" nag unahan na sa pag tulo ang aking mga luha.
Bakit naman si lolo pa?
Pero may isang sinabi si dad na naka agaw ng atensyon ko.
"Dad, what do you mean na walang mukha?" tanong ko rito kay dad.
"I don't know pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa iyo. Kaya nga mas lalo naming napag desisyunan na ilipat ka ng school. Sa Akademiyang iyon ay mapoproteksiyunan ka nila.
Hindi basta-basta eskwelahan iyon, Dennise. Hindi kabilang ang eskwelahang iyon dito sa mundo ng mga mortal." mahaba-habang paliwanag ni mom habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.
Pero what?
"Dad, what do you mean na hindi 'yon part ng mortal world?"
Jusko! Kinakabahan ako sa tinginan ng mga ito.
Dahan-dahan namang ngumiti nag pag ka creepy itong si dad.
"Because that academy or should i say world is no longer part of Mortal world. Let's just call it Immortal Realm."
'Ehh?'