Kabanata 4

1274 Words
Ellah Kasalukuyan kaming nasa byahe nila kuya jao at daddy. Hindi na sumama si mommy dahil baka maiyak lang daw siya. Nasa bandang dulo na kami ng manila kung saan parang limitadong tao nalang ang naninirahan dito. Akala ko'y dito na kami pupunta pero mukhang dinaanan lang namin ito. Tatahakin na namin ang gubat. Bakit ganon, parang hinigop ang lakas ko nang pumasok kami rito. "Ellah anak, wag kang tatanga tanga doon, okay. Atsaka try to make some friends, hindi yung lagi ka nalang nag susungit sa iba daig mo pa ang may PMS!" Paalala sa akin ni daddy. Friends? Ano yun? Pagkain ba 'yon? Duhh! I don't need a friend, I can live without them. They are so clingy, they always talk like there's no tomorrow, they will always ruin your day, always force you to do some kind of shits and last but definitely not the list, they will only give you problems. So in short, I don't need a friend. "I can't promise, dad." I honestly said. Ayoko naman kasi siyang paasahin. Nakakairita! Bakit ba kasi yung pagiging brat ko lagi ang pinupuna nila? Okay, I admit, brat nga ako. Happy? "Jao, please kausapin mo nga 'yang kapatid mo. Konti nalang talaga babansagan kona 'yang Miss Antisocial e!" Giit ni dad sa ngayong naka earphone na si kuya. "Oy!" Hampas ko sa braso nito sabay tanggal ko sa isang earphone nito. "Ano na naman ba 'yon, ha?" Bulyaw sa akin nito at kung tumingin ay parang kakainin na ako nito ng buhay. "Wala sabi ko matulog kana!" Bulyaw ko rin pabalik rito. Inis naman niyang isinuot ulit ang tinanggal kong earphone niya at inirapan pa ako nito bago ulit ito matulog. "Dad, sigurado kaba dito sa dinadaanan natin? Parang impossible naman na may mga nakatira rito. Look oh, nasa forest na tayo." Tanong ko sa kanya. "Oo naman! Wala kabang tiwala sa'kin?" Nagtatampong tanong ni dad Haha so cute! "That's not what i mean, dad." Natatawa kong sabi rito. "'Kala ko kasi—" Hindi natuloy ni dad ang sasabihin niya ng biglang.. Blaggg!* Nauntog ako ng biglang nag preno si dad. "S-s**t!" Natatarantang sabi ni dad. Maging si kuya na kanina'y natutulog ay nagising narin. "Hey, dad. What's going on?!" Tanong ko kay dad ng mapansin ko ang panginginig niya. Maging ako ay nagulat ng makita ko ang tinitignan niya. That black cloak! Marami sila, nakapaligid sa sasakyan namin! Pero bakit ganon, wala silang mukha. Para lang silang itim na usok na sinuotan ng itim na cloak. "Kids, we need to get out of here! Faster, you need find the portal! For now, it's the safer place for you guys. Especially for you, Ellah." Mahaba-habang sabi ni dad. Teka ano bang nangyayari? "How about you dad?" Kabadong tanong rito ni kuya. "I can handle it! Bilisan niyo na! Pangako, susunod ako. Tumakbo na kayo. Ililigaw ko muna sila!" Nag mamadaling utos nito sa'kin. Nag simula na kaming tumakbo palayo sa sasakyan. Paglingon ko sa likod... "s**t kuya! May tatlong nakasunod!" Nang lingunin ko si kuya ay nagulat ako sa nakita ko. 'Holy cow! Bakit nauutusan ni kuya yung mga puno, baging, halaman at lupa?' "Come on Dennise,we need to get out of here!" Sigaw ni kuya na iniintay akong tumakbo. Pag tingin ko sa sumusunod sa'min wala na sila kaya nag patuloy kami ni kuya sa pag takbo. --- "Kuya, pagod nako! Mag gagabi na oh! Mukhang naliligaw pa tayo!" Inis kong sabi kay kuya. "Shut up,brat! Just this time, please cooperate." Mahinang sabi nito sa'kin. "O-Okay." Duhh. As if i have a choice! Ayaw ko lang maburo dito, ano! "Good girl!" Sabi nito ng nakangiti habang tinatapik ang ulo ko. Inis ko namang inalis ang kamay niya sa ulo ko. Tss. "Stop doing that kuya. I'm not a dog!" Inis kong wika sa kan'ya. "I know. But you look like one!" Angal nito. Peste! Kung di lang tayo naliligaw, kanina pa kita nasakal! "Kuya look oh." Turo ko kay kuya sa lugat na parang may umiilaw. Pag lapit namin ay nakita namin ang mga nag gagandahang alitap-tap. "Kuya sundan natin!" Yaya ko kay kuya. "Okay, basta wag kang lalayo ahh. Wala ka pa namang sense of direction!" Seryosong sabi nito. Grrr. Bibinggo na talaga sa'kin 'to! Sinimulan na naming sundan ang mga alitap-tap hanggang sa huminto ito sa isang puno. Kakaiba ang puno na ito sapagkat puro bulaklak ang nag sisilbing dahon nito at may mga nag kikislapang kristal din. "Wow!" Manghang sabi ni kuya. Tuluyan na kaming nakalapit sa puno ng may mapansin akong mga salitang hindi pamilyar sa'kin na kaukit sa katawan ng puno. 'Η άλλη πλευρά' Naakit ako sa ganda ng pagkakaukit nito. May ginto itong lining na mas lalong nagpatingkad dito. Hinaplos ko ang mga salitang ito ngunit nagulat ako ng bigla itong umilaw. Isang nakakasilaw na liwanag. Hinarang ko ang aking mga kamay upang hindi ako masyadong masilaw. Hinawakan naman ni kuya ang kamay ko para masigurong hindi ako mawawala. Maya-maya'y nawala na ang nakakasilaw na liwanag kaya unti-unti ko ng tinanggal ang pagkakaharang ng kamay ko at unti-unting dumilat. Ganon din naman ang ginawa ni kuya. "Look, brat. Ito na yata yung sinasabing portal ni dad!" Masayang sabi sakin ni kuya. Paglingon ko sa puno ay may nakita akong parang may pormang hole sa gitnang katawan ng puno. Well i guess, ito na nga yata 'yon. "Tara kaylangan na natin makapasok, baka mamaya bumalik sa sila!" Sabi ni kuya sabay hila sa akin papasok sa portal. Parang umikot naman ang sikmura sa sobrang hilo. Napakapit ako sa braso ni kuya sa sobrang hilo. Ganito pala ang portal. Akala ko sa fairytale lang may gan'to. "Wow. Tama nga ang sinabi ni dad! I didn't expect it! I thought sa Japan lang may naka tagong portal pati rin pala sa pilipinas!" Nagtaka naman ako sa sinabi ni kuya. Huh? Alam n'ya yung tungkol dito? And sa Japan? May portal? Nag-angat naman ako ng tingin ng bahagyang mabawasan ang aking pagkahilo. "Wow!" Tanging salitang lumabas sa aking bibig. Isang mataas na gate na halos natatabunan ang nasa loob nito ang tumambad sa amin paglabas namin sa portal. 'WELCOME TO: THERIVIA ACADEMY: School of Special Being' ang naka sulat sa gate. Ginto ang kulay ng sulat at itim ang kulay ng gate. Sa itaas ng gate na ito ay may mga kakaibang bato na hugis dragon na kumorteng arko. Sa labas ng gate ay may sampung mukhang mandirigma dahil sa kasuotan nila ang nakahanay sa mag kabilang gilid. Bali tig lilima kada gilid. Nang lumapit kami sa gate ay hinarang kami ng dalawang bantay. "Sino kayo? Bakit kayo naparito?" Tanong ng isang bantay na mukhang pinuno nila. "I'm Keith Isaiah Jao Grimme and these girl beside me is my sister, Ellah Dennise Grimme. We are here because our parents sent us here." Nagkatinginan naman ang mga ito at nagsalita ang kanilang pinuno. "Sino ang inyong mga magulang? At paano ka'yo natuto ng lenggwaheng ingles?!" Pagalit na tanong nito saamin. "Mahigpit na i***********l ang paggamit ng lenggwaheng iyan dito! Lalong lalo na kung hindi kayo rito nag aaral!" Sabat naman ng isa sa mga kasama nito. Mag sasalita pa sana ang isa sa kanila ng biglang bumukas ang gate at niluwa nito ang isang napakagandang babae na sa tingin ko ay kasing tanda nila mommy. Pinatabi niya ang mga bantay na nakaharang. Nakangiti itong lumapit saamin ni kuya. "Kayo na ba ang mga anak nina Elysia at Theodore?" Nakangiti nitong tanong saamin pagkatapos niya kaming yakapin. "Yes po." Tanging sagot ni kuya. "Oh great!" Pumapalakpak nitong sabi. "Shall we?" Tanong nito sa'min at niyaya kami papasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD