Kabanata 5

1265 Words
Ellah Narito na ako sa Dorm na tutuluyan ko. Kakahatid lang saakin dahil inuna namin ihatid si kuya. 'Di nila kami pinagsama kahit magkapatid kami dahil school, mandatory daw na magkaiba ang Building ng dorm ng babae at lalaki. Pagkapasok ko palang ay agad na akong napamangha sa ganda nito. Aakalain mong hindi lang isang estudyante ang tutuloy dito. Napakalawak kasi nito, kasya ang limang tao. Halatang mayaman ang may-ari ng school na 'to dahil sobrang mamahalin ng gamit na nasa loob nito. May kulay grey itong sahig at kulay Navy Blue na tiles. May kulay Beige itong sofa na napaka sopistikada rin ng disenyo. May malaking flat screen t.v. na nakadikit sa pader at mga vase na naglalaman ng mga sari-saring uri ng bulaklak. May malaki itong chandelier na gawa sa puting mga bato na pakiwari ko'y mga cristal. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ko. Pakiramdam ko'y nalaglag ang mga panga ko sa ganda ng kwartong ito. May queen size bed na kulay beige na may katabing table na may nakapatong na vase na naglalaman ng blue rose. Kulay Navy Blue na ang ding-ding at tiles. May mga nakasabit na painting na lahat ay puro galaxy. Jeez. Heaven. Galaxy talaga ang comfort zone ko. I really, really love it! May isang malapad na t.v. na naka dikit sa pader sa gilid ng pinto. May isang single sofa rin at isang center table sa harap nito. Dumako ang tingin ko sa isang pinto na may disenyo ng puting diyamante. Napag-alaman ko na isa palang study room o library ang nasa loob ng kwartong ito. May mga sandamakmak na libro ang nasa loob ng shelf at may study table rin. Lumabas na'ko para sandaling magpahinga. Dali-dali akong dumeretso sa kama at hinubad ang rubber shoes ko para mas komportable ang pagtulog ko. Nang mahubad kona ito ay pakiramdam ko sobrang nakakapagod ang nangyari ngayong araw na ito at hinila na ako ng antok. --- [7:30 P.M.] Nagising ako nang biglang kumulo ang tiyan ko. "Hindi pa pala ako kumakain." Ani ko sa sarili. Dali akong tumayo kahit walang sapin sa paa ay pumunta ako sa kusina. Wow! Just wow! Ang ganda! Kumpleto sa gamit. Halatang ginagastusan talaga nila ang mga estudyante nila dito a! Bago ko pa maisipang nakawin ang mga gamit dito ay agad akong nagtungo sa two-door refrigerator. "Mukhang pinaghandaan nila ang pagdating namin a!" Wala sa sariling kausap ko sa sarili. Punong puno ang loob at halos lahat ng kaylangan namin ay narito na. Kumuha lang ako ng pasta at nagluto ng Carbonara, tutal ako lang naman. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa sala at tumambad sa akin ang marami kong maleta. 'Teka? Naiwan namin 'to sa sasakyan kanina diba? Paano nila ito nakuha? Ayos na ba sila dad? Ano nang nangyari sa kanila?' Wala sa loob kong tanong. Dali-dali ko itong nilapitan. Nakita ko naman na may limang sets ng Uniform na nakapatong sa sofa. Puti itong long sleeve na may Navy blue na linings. May ribbon itong Navy blue rin ang kulay. Ang palda naman nito ay ganoon din ang kulay. Two inches bago mag tuhod. May lima rin itong pares ng medyas na hanggang tuhod. Puti ito na may linings rin na Navy blue. May tatlo namang cloak na kulay Black na kasama nito na may logo ng school. Kasama yata ito sa Uniform namin. "Si kuya kaya, anong itsura ng kaniya?" Excited nako! Hinila ko na ang maleta ko papunta sa kwarto ko pati narin ang mga uniform ko ay binitbit ko na rin. Sinimulan ko na ang pagaayos sa mga gamit ko. Nang matapos ko na ang lahat ay agad akong napahilata sa kama sa sobrang pagod. "It's a very tiring day!" Hinablot ko ang unan sa gilid ko at agad itinakip sa mukha ko. Kamusta na kaya sila mom? Maayos bang nakauwi si dad? Sino yung mga sumugod sa amin kanina? At bakit wala silang mga mukha? Anong ibig sabihin nung ginawa ni kuya kanina? Bakit parang sinusunod siya ng mg puno? Bakit kami napunta dito? I never thought na nag e-exist pala ang mundong ito. "Jeez! Nakakabaliw!" Wala sa sarili kong sabi. Bigla namang humangin ng malakas kaya bigla akong napatayo. Hinawi ko ang kurtina na naka tabon sa sliding door ng veranda ko. Ang ganda pala dito pag gabi. Tamihik at konti lang mga estudyanteng pagala-gala. Mas lalo kong napagmasdan ang kagandahan ng lugar na ito. Mga malalaking puno atga bulaklak sa paligid. Mula rito, kita ko ang isang estatwa ng dragon na kulay pula. Napakaganda at napaka gaan ng pakiramdam ko sa isang ito. Nakatayo ang estatwang ito sa isang malaking fountain sa pusod ng Academy. Umiilaw ang tubig na nanggagaling dito. Nakakamangha! 'This place is very enchanting!' Nang mahagip ng mata ko ang cellphone ko ay naisipan ko munang mag internet dito. May upuan naman e! Saktong pag bukas ko ng phone ay nakita kong walang signal dito. Pakshet! Ang ganda nga ng lugar,wala namang signal! Makakasakal ako e! Pero kung walang signal, paano umaandar yung t.v. rito? Wag mong sabihing kailangan ko munang kumendeng ng bonggang-bongga para umandar ang t.v. rito? Hayy! Kakaloka! [Kinabukasan] "Kuya,bakit gano'n? Iba't iba ba talaga 'yung kulay ng mga cloak ng mga estudyante dito?" Tanong ko kay kuya ng makarating kami sa Cafeteria ng school. Yung cloak ni kuya ay color gold na may color black lining, pero yung akin itim na may lining na white. "Every color represents different stages. It depends on your power kung anong magiging kulay ng iyo. Kagaya nalang ng iyo, black. Black represents the Lowest level here. Pero hindi ka naman nag-iisa. Kada year ay may limang section. Ang mga Royalties, Elites, Archangel, Half-Blooded at kayo ang mga Bad Blood. Sad to say, pero ang mga Bad Blood ay ang pinaka kawawa rito." Paliwanag nito pagkatapos mag tawag ng server para umorder. "E kuya, paano 'yun? Pano namin ma iidentify kung ano yung mga levels ng mga 'yon?" Tanong ko parin dito. 'God! Curiosity is killing me right now!' "Ehemm. Ganito kasi yan." Panimula ni kuya saka inayos ang salamin niya. "Alam ko namang napapansin mo na lima lang ang kulay ng cloak ng mga estudyante rito. Ang mga pula ay pag mamay-ari ng mga Royalties. Royalties ang tawag sa mga taong namumuno sa iba't-ibang kaharian at ang nag mamay-ari ng mga pangunahing elemento. Sa lagay ng mga 'yan,mga taga pag mana palang sila. Bukod kasi sa mga bata pa ay nag-aaral pa. Ang mga estudyante namang nakasuot ng kulay Ginto ay ang mga elites. Sila ang mga anak ng mga pinuno ng iba't ibang siyudad na saklaw ng pinamumunuan ng mga Royalties. Kung baga sa mundo ng mga tao,isa lang silang baranggay. Next... Ang mga taong tanso. I mean the students with silver cloak. They are called Archangels. Well, not really, but some of them. Kung sa mundo ng mga tao ay may tinatawag na kaharian ng langit, dito ay wala. Walang kaharian sa ulap. Dahil ang Immortal Realm ay binubuo ng mga isla. Walang mapapadpad sa ilalim ng dagat o sa ulap, dahil lang sa uri ng kanilang kapangyarihan. Second to the last, The Half-Blooded. They were the one who only possessed half of the immortal blood. Some of them, oh! I mean all of them are half mortal and half immortal. May dugong tao sila. Karamihan sa kanila ay hindi gaanong malakas ang kapangyarihan pero nahasa ang galing nila sa pakikipaglaban. Hanggang ngayon ay pinagtatalunan parin ng konseho kung maaari ba silang makapasok sa paaralang ito. And the last,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD