Ellah
Dali-daling nag-alisan ang mga tao at nagpunta sa isang gilid na tila ayaw madamay kasabay ng paghawak sa akin ng mga alipores niya. Nagtanggka akong manlaban subalit laking gulat ko nang hindi ko magalaw ang katawan ko. A manipulator, I guess.
Dagli-dagli akong hinila sa braso ng leader nila at pinagkakalmot ako sa leeg at braso. Gusto kong sumigaw sa sakit but it would be useless. Hindi ko kailangan ng luha ngayon. Ang kailangan ko ay plano. Plano kung paano ko iuumpog sa sahig ang pagmumukha ng mga ito. How dare them scratch my beautiful skin?!
"You'll gonna regret yang katapangan mo kanina. Ikaw na nga tong binibigyan ko ng choices, ikaw pa maarte? You're so disgusting, you're not bagay in this place. A bad-blood!" Sabay hila sa buhok ko at inumpog ang ulo ko sa lamesa causing it to break. Hindi ko napigilang makaramdam ng hilo dahil doon. Ramdam ko rin ang pagdaloy ng likido sa noo ko.
Lagot ka talaga kay kuya, hinayupak ka.
Hindi pa ako nakakarecover sa pagkahilo ko ng pakiramdam ko ay para akong nasusunog. Hindi ko na napigilang hindi sumigaw. Para akong tinutusta. Hingal na hingal ako at para akong nawawalan ng hangin. Maya-maya pa'y pinalutang ng isa sa mga alagad niya ang upuan sa isang gilid. Napaigik ako sa sakit nang humampas ito sa likod ko. Napakapit ako sa lamesa. Pakiramdam ko ay nabali ang spinal cord ko.
Kung ako sa inyo, hindi niyo ako papakawalan ng buhay, dahil kapag ako nakawala rito, magsisisi kayo na binuhay niyo pa ako.
Pagsisisihan niyo talagang sinaktan niyo ko pag dumating 'yung taong 'yon, mga animal.
Gumana ang reflexes ko ng pakiramdam ko ay may paparating sa gawi ko. I easily dodge it. Its an icy blade. May kasama itong lason kapag tumama sayo. Muntik na ako.
Lumapit saakin yung leader nila at hiniklat ang mukha ko. Tuwang-tuwa itong nakatingin saakin na para bang sayang-saya siya dahil akala niya'y napatumba niya na ako. That's what she thought. Nawala ang focus ng babaeng kumokontrol saakin kaya ako nakawala. Agad kong hinawalan ang braso ng leader nila at dali-dali itong inikot sa likod dahilan para mapaigik siya sa sakit. Hinila ko ang buhok nito at sinipa sa likod dahilan para sumalampak ito sa sahig. Akma akong lalapitan ng mga kasama nito at pilit hinuhuli ng isang babae ang mga mata ko sa pag-asang makokontrol ako nitong muli ngunit naunahan ko ang mga ito hinablot ko ang katana ko na kung susuwertihin nga naman ay nataong nasa gilid ko. Itinutok ko ito sa batok ng kanilang leader.
"Subukan niyong lumapit, butas ang leeg nitong bruhang asong 'to." Pagbabanta ko sa mga ito. Natigilan naman ang mga ito at biglang tumahimik.
Nagulat ako ng biglang magsiyukuan ang mga tao sa paligid ko. Animo' y dinaanan ng anghel ang cafeteria sa sobrang tahimik.
"Put that goddamn weapon, now!" Natigilan ako ng marinig ko ang malalim at baritong boses nito subalit nakakapanindig balahibo sa lamig at otoridad. Dahan-dahan akong napalingon. Nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki sa harapan ko na may masamang tinging pinupukol saakin. Oh, a murderous glare, i see. But I don't care. Gusto kong gumanti. Akmang isasaksak ko ang katana sa batok niya ng bigla akong tumilapon. Tumama ang likod ko sanhi ng pag-aray ko. Siraulong 'to. Talagang yung likod ko pa ang pinatama.
Sinamaan ko ito ng tingin na tila balewala kumpara sa klase ng pagtingin nito saakin.
"What do you think you're doing, woman?" Malamig ngunit mahihimigan mo ang labis na galit sa tanong nito. Nainis naman ako sa klase ng pagtawag nito saakin. How dare him call me woman? I'm not his woman!
"You're just a transferee but look at what you did. To think that you're a bad-blood. You really have the guts to make a scene, worst, you almost killed your school mate. You should be punish."
"You're really a law-breaker, kid." Tengene nito a? Kanina he called me woman, now he called me kid? Is he really making fun of me. But wait, what? Me? A law-breaker? I stared at his face, recognising. Tumayo ako kahit nanginginig ang mga tuhod ko.
Ah! I remember! He's the man na nakahuli saakin when I sneaked in sa boys' dormitory. Oh noes, baka isumbong niya ako.
But, sorry siya.
Anong aasahan niya saakin, na magsosorry ako for making a scene? Psh. I will never apologize to him or whomever. Especially that he called me a bad-blood.
"I will not wonder kung bakit ganito ang mga estudyante rito." Sabay tingin sa mga babaeng nang-trip sa akin na kasalukuyang nagpapaawa sa mga bagong dating.
"Bakit nga ba ako magtataka, e mismong namumuno dito ay masasama rin ang ugali? Mga mapang-mata! E ano ngayon kung bad-blood ako? Does it make you feel superior? Well sorry to burst your bubbles, majesties. But I will not bow down sa mga katulad niyo." Litanya ko na mukhang siyang ikinagalit ng lalaki sa harapan ko. Ang kaniyang kaninang mukhang kalmadong mukha ay napalitan ng parang leon na handang sakmalin ang kaniyang biktima.
Hindi na ako nagulat ng hiklatin nito ang aking leeg at sakalin ng pagkahigpit-higpit. Kahit na hindi ako makahinga ay nagawa ko parin itong ngisihan na siyang kinawala nito sa sarili. Lumalabas na ang ugat sa kaniyang sentido at mga braso. Akma ako nitong ihahagis ng biglang...
"P-President! Stop! Stop what you're doing!" Dinig kong sigaw ni kuya.
Galit itong binalingan ng lalaki sa harapan ko.
"What are you thinking, Grimme?!" Singhal nito kay kuya. Dali naman akong hinila ni kuya palayo sa kaniya.
"Hey, brat, are you okay? Who hurted you? Tell me?" Sigaw nito saakin nang makita ang kalagayan ko. Hindi pa ako nakakasagot nang mapatago ako bigla sa likod ni kuya ng akmang hahablutin na naman ako nung lalaki.
"Grimme, give her to me. I will punish her for making a scene. For almost killing her school mate and mostly for talking back at me. She needs to learn the word 'respect'." Akmang hihilahin ako nito nang bigla itong pigilan ni kuya.
"Don't you dare lay your hands off her, Fiero. You know that I respect you so much. But if you hurt her, even a single strand of her hair, makakatikim ka saakin." Banta ni kuya rito gamit ang seryoso at malamig na tono. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito kaseryoso si kuya. At nakakatakot talaga siya. Nagsukatan sila ng tingin ni kuya. Parehas ayaw magpatalo at parehas nakakatakot.
"Now you're protecting her? Why? She's just a bad-blood, a mere mortal and a b***h? Why? Is she your girl? For sure, she's really good in bed that's why you're so protective of her." Hindi na ako nakapag timpi at sinugod ko ito. Hindi niya inaasahan 'yon kaya nakatikim siya ng malakas na sapak galing saakin.
"How could you? Who would have thought that the Student council president is a disrespectful bastard? Is that what you learned here? To mock people and to disrespect a woman? My, oh, my!" I can't hold myself back. It's his fault anyway. He pushed me to my limits. He deserves it.
Lalong natahimik ang paligid dahil sa ginawa ko. Maging siya at si kuya ay natulala. Tila hindi makapaniwala na sinuntok ko ang pinakaiingatan nilang presidente. Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid.
"Uh-oh. You're so dead, girl."
"Matapang sana siya, kaso 'di niya nilugar."
"For sure, she will be punish."
"The Heck? The girl is so hot!"
"Yeah. I agree."
"And by the way she punched president, it looks like she'll be wild in bed."
"I will surely kill that girl for hurting my prince!"
"Freya, stop! It's your fault in the first place!"
Sari-saring bulungan ang naririnig ko matapos nilang makabawi sa pagkagulat dahil sa ginawa ko sa mahal nilang president.
Nilingon ako ng lalaki na sobrang sama ng tingin saakin. Para itong papatay.
It's his fault, why would be angry?
"Don't you know that I can kill you, right here and right now?" Seryosong tanong nito habang naka tingin saakin ang walang emosyon nitong mga mata.
"Your fault. You insulted me, and then you're expecting me to do nothing?" Mapang-uyam kong tanong rito. Bago pa ito makasagot ay hinila ko na si kuya paalis sa lugar na 'yon.