Ellah
"Aray ko!" Daing ko nang pabagsak akong nakarating sa veranda. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko ganun din ang palda at cloak ko. Mula rito ay kita ko ang kuya kong mahimbing na natutulog.
Tss... Tulo laway!
Uy, joke lang!
Binuksan ko ang sliding door sa kuwarto niya para makapasok ako. Tumalon ako sa kama niya dahilan upang magising itong bulahurang si Kuya Jao. Ganda ng pangalan no? Sana yung mukha rin.
"Hoy, brat! What are you doing here?" Pupungas pungas nitong tanong sabay tabon sa mukha niya ng kumot at tumalikod sa akin.
"I'm here to fetch you. Tara sa caf., breakfast tayo!" Excited kong yaya rito saka sumpa sa likod niya habang inaalog-alog siya. Ngunit tinabig lang ako nito.
"Hoy, kuya jao! You're so pakipot! Tara na kasi! Ano? Sasayangin mo yung pagod ko, pagkatapos ko umakyat ng puno at muntikan nang mahuli nung masungit na lalaki?!" Agad itong humarap sa akin at gulat akong tinignan.
Uh-Oh. Did I say something wrong?
Mukha itong galit dahil nagdudugtong na ang makapal nitong kilay at kunot na rin ang noo nito.
"Ellah Denise Grimme?!" Galit nitong tawag sa akin.
"What?" Kinakabahan kong tanong dito at halos hindi na'ko makatingin sa kaniya nang diretso.
"Bakit mo ginawa 'yon? Pa'no kung napahamak ka? Alam mong mahigpit ang school na ito! At umakyat ka pa talaga ng puno? What if nahulog ka at nabaliaan?" Sermon nito saakin. Mahahalata mo talagang galit ito base sa ekspresiyon ng mukha niya ngayon. Sa sobrang kaba ay pinagdugtong ko nalang ang dalawa kong daliri.
"A-Ah, E-Eh. I didn't fell naman e! 'Tsaka if you're bothered about that masungit, nakiusap naman ako na wag akong isumbong e. Besides, nakasuot ako ng cloak so he didn't recognised me." Paliwanag ko habang nakayuko.
"I just want to have breakfast with you kaya ko ginawa 'yon. Sorry kuya. If that's the case, babalik nalang ako." Naiiyak kong sabi rito. Maglalakad na sana ako palabas ng kuwarto niya nang bigla niya akong hinila at niyakap.
"Hey, I'm not mad at you. Galit ako sa ginawa mo. Paano kung napahamak ka? Kuya will go berserk. I'm just afraid, okay?" Malumanay nitong paliwanag. Niyakap ko rin ito pabalik.
"Hindi kana galit?" Paninigurado ko rito habang nakanguso.
"Nope. And please quit pouting, you look like a duck." Naiiling na sabi nito na parang natatawa.
"Ampanget mo, magbihis kana! Gutom na'ko, mygosh!" Maarte kong sabi rito sabay tulak dito.
"K. Bipolar." Hirit nito sabay takbo sa cr.
Nang matapos si kuyang mag-ayos ay hinawakan niya ako. Humangin nang malakas at pag bukas ko ng mata ko ay nasa labas na kami ng cafeteria.
G-Gosh? Pano nangyari 'yun?
"What was that?" Kabado kong tanong sa kaniya.
"Teleporting." Maiikli nitong sagot. God! This school is really weird!
Pag pasok namin ng Cafeteria ay medyo marami ng tao. Siguro para mag-almusal din. Pero hindi naman sobra. Marami parin namang bakanteng upuan.
Madaming nakapansin saamin. Lalo na kay kuya. Yung iba kinikilig, yung iba nakangiti, pero mas maraming nakatingin ng masama sa akin. Hahahaha selos...
Kumapit ako sa kamay ni kuya at mas dumikit sa kaniya dahilan upang mas patayin ako ng tingin ng mga babae dito.
Pathetic.
'Bakit sila magkasama niyang panget na 'yan?'
'Are they in relationship?'
'Noooooo!'
'But I say them together yesterday!'
Ang O-OA naman ng mga tao rito!
Marahang natawa si kuya sa ginawa ko.
"Baka may humarot sayo rito. Ayoko mag karoon ng Sister In Law na pangit!" Bulong ko rito na sinagot lang niya ng iling 'tsaka tumawa.
Tama naman diba? Ganda-ganda ng lahi namin, tapos madurungisan lang ng isang chikaboomboom? No way!
Nag-hanap na agad kami ni kuya ng upuan. Nauna na akong umupo dahil dumiretso na si kuya sa counter.
Maya-maya'y dumating na rin siya dala ang almusal namin. Two large burger, four hotdog, one milk and one coffee. Bawal kasi ako sa kape, sumasakit yung dibdib ko.
Nagsimula na kaming kumain. Pinapabilis ako ni kuyang kumain dahil ambagal-bagal ko raw. Kesyo daldal daw ako nang daldal.
Nang matapos si kuya ay iniligpit na niya ang mga kubyertos at saka nagbukas ng libro upang magbasa nang biglang tumunog ang speaker ng school.
"Calling Mr. Keith Isaiah Jao Grimme. Please go to Headmaster's office. He needs to talk to you. This is urgent."
Pagka-announce nito ay tumayo na siya at ipinasok na ang libro sa bag. Humalik muna ito sa pisngi ko at binilinan ako ng pagkarami-rami bago umalis.
Tinapos ko na ang pagkain ko at inayos ang mga ginamit kong kubyertos. Dahil mag-isa nalang ako ay mag-isa akong naglakad palabas ng caf. nang biglang may humila ng buhok ko at may gumapang na vines sa paa ko. Hindi naman ako natakot ngunit masakit ang pagkakasabunot nito sa akin at mahapdi ang binti ko dahil sobrang higpit ng vines na nakapulupot dito. Napasinghap ako ng may maramdaman akong malamig sa damit ko. Nang tignan ko ito ay ganon na lamang ang panlulumo ko nang makita kong binuhusan ito ng juice ng babaeng nakatayo sa harap ko at nakangisi.
Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang braso ng nakasabunot sa akin at binaon ang kuko ko sa braso niya. Napasigaw naman ito sa sakit at dali-dali akong binitawan.
"Ouch! You b***h! How dare you to bite my precious arm?" Gigil na sigaw nito.
Bigla naman akong sinampal ng babaeng nasa harapan ko na siya ring nagbuhos sa akin ng juice.
Dzuhhh! How dare her? Ni hindi nga ako nasaktan ni kuya ni nila mommy pero siya?
Akma ko siyang susunggaban ng biglang humigpit ang mga baging sa paa ko na siyang ikina ngiwi ko dahil sa sakit.
Tumawa naman ang babaeng nasa harap ko na animo'y coloring book sa sobrang kapal ng makeup sa mukha.
"What? Iyan lang ba ang kaya mo? Ang lakas ng loob mong landiin ang Jao namin, tapos weak ka naman pala? A bad-blood!" Galit nitong sigaw sa akin habang dinuduro ako. Galit ko rin itong tinignan.
Tignan natin kung anong gagawin sa inyo ng JAO NIYO pag nalaman niya ang ginawa niyo saakin. Pathetic!
Nagtawanan ang lahat ng tao sa caf. dahil sa sinabi niya. Nang tignan ko naman ang mga tao sa Caf. ay nakita ko sa mata nila ang pandidiri. May iba rin akong nakitang mga kaklase ko ngunit walang nagtangkang lumapit. Marahil takot din sila.
Humigpit ng humigpit ang kapit ng baging sa binti ko at ramdam na ramdam ko na ang sakit at hapdi nila rito.
Dala ng galit ay kinapa ko ang gilid ng bag ko at inilabas mula rito ang binigay saakin ni daddy dati na katana. Itinarak ko ito sa baging nang biglang may nagsisisigaw sa sakit. Nang tinignan ko ito napansin kong isa siya sa mga nakikipagbulungan kanina.
Hmm. I guess siya ang gumawa non. Nawala nang parang bula ang baging na nakakapit sa binti ko at ang naiwan nalang ay puro sugat at pasa.
Kahit masakit ay tumayo ako at lumapit sa babaeng may kasalanan kung bakit ako basa ngayon.
Nag-aalab sa galit ang mata ko nang titigan ko siya. Mas lalo pa niyang tinapangan ang itsura niya ngunit hindi makakatakas sa aking paningin kung paano siya umatras nang bahagya sa takot.
"HAHAHAHAHA kala mo ba matatakot mo ako sa pagtingin-tingin mo saakin ng masama?" Humalakhak pa ito at kinukuha ang simpatya ng mga kaibigan. Kinuha niya pa ang tubigan na hawak ng kaibigan. Akmang ibubuhos niya sa akin sa laman noon nang walang ano-ano ay tinabig ko ito papunta sa kaniya. The result? Instead of me, siya ang basa. Piste ka!
"ARrRrrRrGGgHGggg!!!! How dare youuu! You ruined my precious dress! You'll gonna pay for thissss!!!!" Nanggagaliti nitong sigaw.
Ha! Ano bang akala niya, nila sa akin? My parents didn't raised me just to be humiliated by them. At isa pa, hindi ako bida sa isang storyang kinahuhumalingan ng mga katulad kong kabataan na puwedeng api-apihin at apak-apakan ng kahit na sino. I'm not a damsel in distress for goodness sake! I'm Ella and I'm independent.
I'm gonna show you how Ella take her revenge.
Dali-dali kong hinampas ng pagkalakas lakas ang kamay niyang nakahawak sa braso ko dahilan para mapaaray ito.
Agad akong sinamaan ng tingin ng mga alagad nito akmang susugurin nila ako nang may makita akong carbonara sa lamesa sa gilid ko.
Since mukha yatang mga gutom pa itong mga ito ay hinampas ko nangpagkalakas lakas sa mukha ng isa sa kanila ang carbonara. Suwerte niya, hindi nabasag rekta sa mukha niya yung plato.
Serves you right, biatch.
"You know what? If you like to make a scene here and you what to be famous or what, just keep it in yourself. Don't drag me into your mess. You see, nananahimik ako. If y'all guys are jealous just because I'm with Jao, well I don't care. I didn't ask for your opinions. If you really want to get Jao's attention, you wish. Bitches." Galit na galit naman akong tiningnan ng leader nilang mukhang pulubi. Wala yatang pambili ng maayos na damit.
"Your face is really thick, isn't it? You think you're deserving to be with Jao? You're ugly, I'm pretty. Sa ating dalawa I'm more angat. You're a bad-blood. And ang pagsagot-sagot sa katulad ko ay isang malaking kahangalan. You should learn your lesson." Nagngangalit na sigaw nito sakin. Hindi ko napigilan ang pagngisi ko. Ganito ba talaga ang mga estudyante rito? Kahit galit, Conyo parin.
"You should be the one to learn your lesson, not me. Sa ating dalawa ikaw ang mukhang walang pinag-aralan. Don't you know that dragging your school mate's hair without f*cking reason is inappropriate and rude?" Ganti ko naman dito. Humalakhak naman ito na sinabayan rin ng mga kaibigan niya.
The birds with the same feathers, flocks together.
"Oh well, you're kinda right naman e. Naging rude ako sa'yo kanina. So me, being mabait, will give you chance." Atalaga? Mabait? Sa'n banda?
Tinaasan ko lang ito ng kilay. Pinagsasasabi nito? 'Di yata talaga 'to nakapag almusal e.
"You'll say sorry to me in front of everyone."
"And oh, you'll kiss my shoes and bow down to me." Nakangisi na sabi nito.
You wish. Heh.
"Halikan mo sapatos mo, may bunganga ka naman diba? Anlakas nga tumalak e. Parang p***t ng manok." You think I'm stupid to do your conditions? Think again.
"Sinusubukan mo talaga ang patience ko? Well, let's see kung matibay ka parin mamaya after ng gagawin ko sa'yo. Girls."