Ellah
Pagkarating ko sa dorm ay mabilis akong sumalampak ng higa sa sofa. It's a very tiring day kahit wala naman akong nagawa. Andami ko ring nalaman kay kuya na bagamat alam kong kakarampot pa lang ay halos sumabog na ang ulo ko.
"Pano pa kaya pag nalaman ko lahat? Baka ikamatay ko na!"
Tatayo na sana ako para mag luto sa kusina ng bigla akong nakarinig ng ingay sa may kuwarto ko. Dali-dali kong kinuha ang vase sa lamesa para gamiting pang self defense kung saka-sakali. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nag abang sa kung ano man ang mangyari.
Nagulat ako nang pagpasok ko sa loob ay abutan ko si kuya na nag papagpag ng suot niyang uniform.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.
"Akala ko naman kung sino na!"
Saan dumaan 'tong balahurang 'to?
"Don't you know how to use door?" Irita kong tanong dito.
"Didn't you informed that boys are not allowed in this building?" Pang-iinis pa nito sakin.
'Oo nga no?'
"San ka dumaan? Mukha kang nilampaso sa itsura mo." Nakasimangot ko sabi rito. Bakit ba naman kasi bigla-biglang susulpot dito? Ay, bawal nga pala mga lalaki rito.
"I used your veranda as an entrance. Buti nalang magaling ako umakyat ng puno at hindi ako nahuli ng guard." Proud na proud na sabi nito.
"E bakit ka nandito?" Tanong ko rito nang bigla itong humiga sa kama ko at yakapin ang isang unan mula roon.
"Bakit, bawal?" Kahit kailan talaga. Napaka gandang kausap!
Mukha siyang pagod sa itsura niya.
Oh well, marunong naman ako maawa kaya hala sige, di ko muna diya paaalisin. Bahala na lang muna siyang matulog diyan.
Pumasok na ako sa Cr para mag palit ng damit. Nagugutom na ko e. Paglabas ko ng cr ay hindi ko naabutan si kuya sa higaan. Baka umalis na.
Papunta ako sa kusina para magluto ng mapansin ko siya na parang nagbubungkal sa ref.
'Akala ko umalis na ang isang 'to?'
"Kuya balahura, what are you doing here?" Tanong ko sabay upo sa lamesa habang nanunuod sa kaniya.
"Mag luluto. Ginutom ako kanina e. Napaka daldal mo, hindi tuloy ako nakakain kaninang break." Reklamo nito habang nagsisimulang maghiwa.
'Hmp, Nangonsiyensiya pa!'
"Sige, para may pakinabang ka!" Tinignan naman ako nang masama nito.
"Don't talk to me like that, I'm still your kuya!" Nanlalaking matang suway nito saakin.
Hmp!
"Nag jojoke lang e!" Nakanguso kong sabi rito.
---
Pagkatapos naming kumain ni kuya ay nag volunteer na akong mag hugas. Siyempre baka sabihin na makapal ang mukha ko.
Pagkatapos ko rito ay sumunod nako kay kuya sa kuwarto. Prente naman itong nakahiga habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Required ba talagang kapag busog ay hihimasin ang tiyan?
Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang unan sa gilid niya. Sumandal ako sandali at pumikit.
"Brat, may ibibigay ako sayo." Wala sa sariling bulong nito. Tinignan ko naman ito ng may pagtatakha.
"Ano 'yon?" May dinukot naman ito sa kaniyang bulsa at...
"Charannnn!" Binuksan nito ang kaniyang palad kung saan nakalagay ang sinasabi niyang ibibigay niya saakin.
'Ang kwintas ko!'
Isang gintong kwintas na hugis dragon na napalamumutian ng mga puting bato ang itsura nito. Ow my missy. I miss my necklace!
Pero teka.
"Pano napunta sa'yo 'to?" Tanong ko habang dinudutdot ang kaniyang pisngi. Inis naman ito umiwas at hinuli ang aking kamay.
"Burara ka kasi! Sinabing hindi mo dapat hinihiwalay sa'yo 'yan e!"
"Kung 'di ko pa nakita sa aparador mo 'yan nung paalis na tayo, edi naiwan mo pa 'yan?" Mahabang litanya nito.
Di naman ako burara e! Slight langs!
---
"Brat, behave okay? Take care of your self. Huwag kang gagawa ng katangahan. Matulog kana. Yung kwintas, sinasabi ko sayo a? Lock all the doors and windows before you go to bed. See you tomorrow. Good night, love you!" Mahaba-habang bilin ni kuya bago tumalong palabas ng bintana.
Minsan talaga, napapaisip na ako. May lahi kaya kaming unggoy? Aish! Hindi naman kami ganon nila mom. Si kuya lang.
CHAROOTTTTT!
Kinabukasan
Maaga akong nag-asikaso ngayon dahil trip kong libutin tong academy. Hindi na'ko nag-abala pang magluto dahil balak kong akyatin yung dorm nila kuya. Yayayain ko nalang siyang mag-breakfast sa Cafeteria.
Hehe. Sana 'di ako mahuli.
Nagbihis na ako ng uniform at nag-suot ng cloak upang hindi makita ang mukha ko. Baka mahuli pa'ko no!
Sinukbit ko na ang bag ko sa likod ko at masayang lumabas sa dorm. Luminga-linga ako sa paligid kung may tao. Nang wala akong makita ay dumiretso na'ko sa likod ng dorm ng mga lalaki. Mapuno kasi banda dito, pero maganda. Maraming ligaw na bulaklak. Dorm no. 201 ang kay kuya. Mula dito ay binilang ko kung pang-ilan ang kay kuya. Hayysst. Mabuti nalang at second floor lang ang kay kuya at may puno sa tapat ng balkonahe na puwede kong pag-akyatan.
Oo na! Marunong din akong umakyat ng puno. Lagi kasi akong tinuturuan ni kuya dati nung maliliit pa kami. Kasi yung pusa ko dati mahilig umakyat ng puno, pero hindi marunong bumaba. Pero 'di ibig sabihin nun na unggoy rin ako, okeh? Si kuya lang.
Kinabit ko nang maayos ang hood ng cloak ko para hindi matanggal ganon din ang bag ko. Nang masiguro kong maayos na ay sinimulan ko nang akyatin ang puno sa tapat ng kuwarto niya.
Hindi naman ako nahirapan. Ngunit.
"What do you think you're doing, woman?"
Agad na nanlaki ang mata ko at napalingon ako sa puno at sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakita akong lalaki sa katabing puno na inaakyat ko.
Sheetttt! May nakakita sa akin.
Patay!
"Hehe." Alanganin kong tawa habang nakakapit sa sanga ng puno. Ano ba naman kasi 'yan? Bakit ansama makatingin?!
"Don't you know that girls are not allowed to go there?" Sarkastiko nitong sabi habang masama ang tingin sa akin.
'Ano bang problema nito sa'kin? Ba't ansama makatingin?'
"You. You are my problem here. Don't you know how to follow rules?" Teka lang? Napalakas ata sabi ko? Sa utak ko lang naman yun e.
"Ah. Eh. M-Mister Who Ever You Are, Please don't report me. I'm begging you. I'll just go to my kuya." Kinakabahan kong pakiusap rito.
"Wow! You just disturbed my sleep, and now you're asking me a favor?" Taas kilay nitong sabi habang nakahalukipkip.
"Ah basta, wag mokong sumbong ha?" Sabi ko nalang at iniwan siyang iiling-iling.