PROFESSOR KIAN’S POV Nang sumunod na araw ay sa 3rd year na ako nagturo at kabilang sa aking tinuturuan ay ang klase kung saan naroroon si Daniel Sandoval. Pinakiramdaman ko ito at tahimik na nagmasid kung may nalalaman na ba ito tungkol sa kanyang tunay na katauhan bilang isang Solarzano. Nang masigurong hindi pa nakakapagpakilala si Kenneth ay nakaisip ako ng isang plano. Alam ko na magagamit ko ang pangalan ng asawa ko rito pero kailangan ko iyon upang maisakatuparan ang aking plano upang makapaghiganti man lang kay Kenneth. Pagkatapos ng klase ay inaya ko si Sandoval na makipagkita sa akin bago magtanghalian. “Bakit mo gustong makipag-usap sa akin?” tanong nito. “Have a seat.” Tahimik itong sumunod at naupo sa bakanteng silya na aking kaharap. *Gusto mong malaman kung ano a

