PROFESSOR KIAN’S POV I could feel Kenneth's annoyance and anger when he received the call from his parents. Sinundan niya pa ako sa aking klase. “What did you do?” kinwelyuhan niya ako nang makarating kami sa hagdan. Sakto naman na walang mga estudyanteng dumadaan dahil sa oras ng klase. Nanggigigil ito at parang handa akong suntukin anumang oras. “Alam mo na gusto ng kapatid mo ang asawa ko, I just said what you did. That’s it,” walang takot na sabi ko. “Oh, and I told him about him being a Solarzano. The way you're acting, it seems like he hates his real family even before you told him. Too bad,” kalmadong sagot ko. Mas lalo itong nangigigil dahil sa sinabi ko. It’s his fault, dinamay niya si Gwen at muntik na akong mawalan ng asawa. Pasalamat siya dahil iyon lang ang ginawa

