GWEN’S POV Lumipas ang mga araw na nanatiling ganoon ang pakikitungo sa akin ng aking mga kaklase, maging ang mga ibang estudyante ay tila naging ilag sa akin. May mga bulungan at hindi maiwasan na maging hot topic ako lagi sa mga kumulan, may mga pagkakataon pa nga na lantaran pa rin ang pam-bubully sa akin Lalo na ni Steph, hindi ko na lamang pinapansin. kahit pa ano ang sabihin nila ay binabaliwala ko na lang. Pasok sa kaliwa, labas sa kanan. Basta hindi lang nila ako sasaktan ay hahayaan ko sila. Unti-unti na rin gumagaling ang aking sugat matapos kong magpakonsulta at magpareseta ng mas matapang na gamot Gaya ng suhesyon ng Nurse ng school. Kahit na pagaling na iyon ay nilalagyan ko pa rin ng gasa upang hindi nakakatakot tingnan dahil visible pa rin ang tahi. Nagkikita kami ni P

