GWEN'S POV Ang Pag-alis ni Dean Kenneth ay siya namang pagdating ni Professor, dala ang dalawang mango graham float at dalawang bottled water. "Who's that? Si Kenneth ba Yun?" tanong ni Professor. Nakatingin lamang ako sa papalayong si Dean habang inaalala ang kanyang mga sinabi. "Gwen, you're spacing out," pukaw ulit nito ng aking atensyon. Ibinaba na nito ang kanyang mga dala at umupo sa kinauupuan kanina ni Dean Kenneth. "Ha? Ano nga iyong tanong mo?" "Anong ginagawa ni Kenneth dito? Anong sinabi niya sa iyo?" kunot ang noong tanong nito habang itinutusok ang straw sa Isang mango float saka ibinigay sa akin. "Wala. Napadaan lang siya then nakita Niya akong nag-sstruggle sa hawak ko kaya tinulungan Niya akong dalhin dito." "Is that all? Wala na siyang nabanggit na kahit ano?" "Ay

