GWEN’S POV Pagkatapos maghapunan ay nauna na akong umakyat sa kwarto nang maalala habang kumakain ang isinusulat kong libro. Nakalimutan ko na naman na mag-update. Binasa ko na muna ang dalawang huling chapter na aking sinulat bago ako nag-isip ng isusunod kong idurugtong. Wala pa akong conflict. “Tama, dapat may problema na akong gawin pero ano?” Parang naglakbay ang aking diwa sa mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan. Ang nangyari sa akin sa Kalye Lazaro, ang paglantad ng relasyon namin ni Professor isama pa ang bagong impormasyon na sinabi sa akin ni Dean Lazaro. Napabuntong-hininga ako at mas malalim na nag-isip kung paano ko ipagpapatuloy ang aking kwento. “You’re writing? I've been waiting for your update, can you write bedscenes?” Napahawak ako sa labis na pagk

