Nagpasya akong umuwi na. Habang nasa kalsada ay sinubukan ko itong tawagan ngunit hindi naman nito sinasagot ang aking mga tawag, puro lang iyon ring. Nakarating na ako sa bahay subalit walang ilaw ang loob. Ni isang bakas na nakauwi na ito ay wala akong makita. Muli kong tinawagan ang kanyang numero subalit ganoon pa rin ang nangyari. Binaha ng kaba ang aking dibdib nang maalala ang nakitang police mobile sa kanto kung saan kami dapat magkikita, iniisip na baka may masama ng nangyari sa kanya. Agad kong pinalis ang masamang isiping iyon at naghintay ng ilan pang minuto ngunit hindi ako nakatiis kaya tinawagan ko ang kanyang mga magulang. “Wala rito si Gwen. Hindi ba kayo magkasama?” tanong ng kanyang Papa na siyang nakasagot ng aking tawag. “Hindi po kami magkasama. Sinundo po ba

