GWEN’S POV Dalawang araw din akong hindi nakapasok dahil sa traumang aking inabot mula sa malagim na insidenteng iyon na muntik ng tumapos ng aking buhay. Mabuti na lamang ay weekend na ang kasunod kung kaya nagkaroon ako ng apat na araw na pahinga at sa bahay ng aking mga magulang kami nanatili habang ako ay nagpapagaling, mas naalagaan nila ako. Palaging matigas ang ekspresyon ng mukha ni Papa pero nang mga sandaling iyon ay kita ko kung gaano siya nag-alala sa akin, maging ang aking mga kapatid na halos hindi ko na makita dahil subsob sa pag-aaral lalo na ang aming bunso na si Raelynn na nasa panghuling taon ng sekondarya. “Ate, please don't die. I work hard in my studies because of you. Gusto kong maging kagaya mo, I know you got married even though hindi ka pa nakapagtapos but st

