GWEN’S POV Sa loob ng ilang araw ay lagi kaming magkasama ni Professor, mula sa pagpasok, sa pagkain at sa pag-uwi. Wala namang nagtatanong at nagbibigay malisya kahit pa halos buong araw kaming magkasama. “Uy, girls. May balita ako sa inyo,” sabi ng isa kong kaklase pagpasok pa lang ng classroom. Nagpunta ito sa kabilang sulok ng kwarto salungat sa aking pwesto at kung saan naroroon ang kumpulan ng kanyang mga kaibigan na mga musang ng aming classroom. Wala ang mga Professors at mukhang abala ang mga ito para sa accreditation. “Ano iyon?” “Bilis. Spill the tea.” “Eto na nga, kilala niyo ba si Professor Jeric Ruiz?” umpisa nito kahit na hinihingal. “Yung newly hired na Professor ng first year?” sagot ng isa pa. “Mismo.” itinuro niya pa ito. “Oh, anong Meron sa kanya?” “Napad

