"Bakit ka nakatingin sa'kin?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya. Mukhang seryesong-seryoso ang kanyang tingin na wari ba ay may gustong sabihin. "Ano? sabihin mo na!" tudyo ko pa sa kanya. Natatawa naman siya at napilitang magsabi. "P'wede bang maligo ka na?" sambit niya na nagpataas ng kilay ko. "Bakit mabaho na ba ako?" sabay amoy ko sa damit at kili-kili ko. "Amoy panis na laway ba ako?" dagdag ko pa. Nang silipin ko siya ay tila nakakaloko ang kanyang ngiti. "Niloloko mo ba 'ko?" paismid kong tanong sa kanya. "Hinid ah! Gusto ko lang maligo ka na para makapunta na tayo ng cavite kaagad." "Hmp! dapat sinabi mo kaagad!" sabay layas sa harapan niya. "Akala ko mabaho na ako, nakakahiya! Siraulo talaga 'to!" pahabol na wika ko sa kanya. Kinuha ko si baby Chichi kay Jordan, para

