bc

A Work of Art

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
sweet
campus
like
intro-logo
Blurb

Amethyst was a girl full of dreams. She did everything to reach the life that she wanted, until she met Rivers, a man who never really knew his purpose, a man who never really had a dream. A woman who would have been unstoppable if only it wasn’t because of poverty, and a man who has everything. Rivers never really believed in destiny, until he slowly figured out he that Amethyst has become his dream.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Bata palang ako ay nahilig na ako sa makukulay na bagay. Ang asul na langit na nagiging kahel sa paglubog ng araw, ang berdeng kapaligiran, ang iba't-ibang kulay na rosas at tulips sa field na natatanaw mula sa dilaw na bahay sa tuktok ng tsokolateng burol, at ang madilim na gabi na pinaliliwanag ng mga kumikislap na bituin at maliwanag na buwan—lahat ay kinalakihan ko at nagmulat sa akin kung gaano kakulay ang mundo. Ang mga bagay rin na ito ang naging inspirasyon ko sa paghasa sa aking talento. "Ang ganda ng gawa mo, Amethyst!" Puri sa akin ni Mrs. Palma. Malawak ang ngiti ko sa kabila ng madungis na mga kamay at mukha dahil sa pagsisikap kong matapos ang pagpinta. "Salamat po!" Ipinakita niya iyon sa kaniyang asawa at walang mapagsidlan ang aking tuwa nang nakitang nagustuhan nila ang gawa ko. "As expected, she really has the talent for this." Tumingin ito sa akin at ngumiti. Lumapit pa ang ilan sa amin. Lahat sila ay namamangha sa painting ko—ang field ng tulips at rosas na natatanaw mula sa tuktok ng burol kung nasaan ang bahay-ampunan. "Ang galing mo, Amethyst!" Ngumiti ako at patuloy na nagpasalamat. Hindi na bago sa akin ang makatanggap ng mga papuri sa tuwing may matatapos akong painting. Pero ang reaksyon ng puso ko sa tuwing nakikitang may nagkakagusto sa mga gawa ko ay katulad pa rin noong unang beses akong nakatanggap ng papuri—hindi kayang ilarawan ng simpleng mga salita ang galak at inspirasyon na naidudulot nito sa akin. Lumaki ako sa bahay-ampunan–walang mga magulang na nakilala, walang pamilyang maituturing na sa akin–kaya ang bawat salitang natatanggap mula sa mga tao ay napakahalaga sa akin. Iyon ang nagsisilbing inspirasyon at lakas ko para mangarap. "Para po sa inyo 'yan, Mrs. Palma," sabi ko na ikinagulat nilang mag-asawa. "Talaga?" Ngumiti ako at tumango dahil kung may pagbibigyan man ako ng mga painting ko ay silang mag-asawa ang nangunguna roon. Simula magka-isip at hanggang ngayong labing-limang taong gulang na ako ay sila na ang sumusuporta sa bahay-ampunan. Malaki ang ambag nila sa buhay ng bawat batang nakatira dito. At malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil binigyan nila ako ng pagkakataong makapag-aral at mahasa ang talento ko sa pagpinta. "Thank you so much, Amethyst. I really like this painting." "You're welcome po!" "I'm sure Casidy will like this." Tumango ako at napangiti. "Mahilig po si Casi sa tulips kaya balak ko pong igawa siya ng painting noon." "Oh, I'm sure she will be very excited if I tell her that. Pinapasabi niyang tatapusin niya ang lahat ng projects at exams this month para makasama siya sa susunod." Malawak ang ngiti ko dahil doon, lalo akong na-excite lalo pa't ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita. Si Casidy ay nag-iisang anak nila Mr. at Mrs. Palma—mga sponsors sa bahay-ampunan. Sa madalas nilang pagbisita sa orphanage ay naging matalik kaming magkaibigan. Dumadalaw sila rito tuwing huling linggo ng buwan at kapag summer naman ay dito sila nagbabakasyon ng ilang linggo. Sa mga nakalipas na buwan ay naging abala nga si Casidy sa school kaya hindi siya nakakasama, kaya naman na-excite ako sa sinabi ng mommy niya. Buong buwan tuloy ay naging abala rin ako sa pagtapos ng painting na ibibigay sa kaniya. "Ang ganda!" Lumapit si Shaun nang naabutan akong nagpipinta sa garden. "Ibibigay mo kay Casidy?" tanong nito. Ngumiti ako at bumaling sa kaniya. "Palagay mo ba magugustuhan niya?" "Oo naman!" Lumapit pa ito at pinunasan ang pisngi ko gamit ang kaniyang kamay. "Sobrang ganda, paanong hindi magugustuhan?" Lalo akong napangiti. "Salamat, Shaun!" Ngumiti rin ito sa akin. "Tapos kana ba? Tutulungan na kitang magligpit, tapos magmeryenda na tayo. May dala kaming mga pagkain." Nanlaki ang mga mata ko. "Kasama mo ang mommy't daddy mo?" Natawa ito sa reaksyon ko. "Oo at may mga kasama rin silang bagong sponsors para sa inyo." "Paano ako haharap sa kanila ngayon, ang dungis ko!" Napatingin ako sa mga kamay at sa damit kong puno ng mantsa ng mga pinta. Napatingin din si Shaun sa damit ko. "Sabi ko naman kasi sayo na magsuot ka ng apron." "Nakakalimutan ko palagi.." Napailing ito. "Ayos lang 'yan, alam naman nilang hobby mo ang magpinta. At maganda ka naman kahit madungis." Sinimangutan ko siya na ikinatawa niya. Hindi nagtagal ay tinulungan niya rin akong magligpit bago namin tuluyang hinarap ang mga bisitang dumating. Si Shaun ay matalik ko ring kaibigan, pangalawa sa tatlong anak ng Vice Mayor ng Naujan na isa ring sponsor sa orphanage. Katulad ni Casidy, nagkakilala kami dahil sa madalas niyang pagsama sa mommy niya kapag pumapasyal dito. "Nandito na pala si Amethyst." Nakita ako ni Vice Mayor Winona at agad na ipinakilala sa mga kasama. Dalawang babae at isang lalaki ang naroon, halatang mayayaman dahil sa tindig at pananamit. Ngumiti ako sa kanila at nagpakilala. "She's the talented girl I'm talking about. She's good in painting and she's also a taekwondo player in their school. Matalino pa kaya nakaka-proud." Ngumiti ito sa akin. "And she's pretty!" puri naman ng babaeng may mahabang buhok at porselanang balat. Namangha ako sa ganda niya sa malapitan. Kumikinang ang gintong hikaw at kwintas niya. Lahat ng nasa katawan niya ay mukhang mamahalin. "Salamat po!" "My son also likes to paint." "Madalas dito si Casidy, Glacier, at mahilig din iyong magpinta." Kuryoso ko silang tinignan nang mabanggit ang pangalan ni Casidy pero dahil alam kong hindi maganda ang pakikinig sa usapan ng matatanda ay unti-unti rin akong umatras at nagpaalam. Nang nakawala na ako sa kanila ay agad akong hinila ni Shaun patungo sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. "They're Mom's friends from Manila. Willing silang mag-sponsor kaya sila nandito." Kumuha ito ng isang slice ng pizza at ibinigay sa akin. "Talaga?" Tumango ito. "Oo, kaya kung ayaw mong magpa-sponsor kay Mommy, then accept them so you can go to college in Manila." Hindi makapaniwala ko siyang tinignan nang unti-unti kong naunawaan ang sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin, Shaun? Pinilit mo ba ang mommy mo na maghanap ng sponsors kasi ayaw kong magpa-sponsor sa inyo?" Tinitigan niya lang ako, ni hindi niya iyon itinanggi! "Nakakahiya! Ang dami nang natulong ni Vice Mayor sa amin!" "That's part of her work, hindi ko alam kung bakit ayaw mo." Ngayon ay inabutan niya naman ako ng coke. "The woman who talked to you is Mrs. Glacier Altamirano, with her husband. They have been sponsoring exhibits in Manila like Casidy's parents. Iyong isang babae naman ay si Mrs. Joann Perez, she sponsors taekwondo players." Huminga ako nang malalim at muling sumulyap sa dalawang bagong sponsors. Dalawang taon pa bago kami mag-college pero buo na ang desisyon ni Shaun na mag-aral sa Maynila. Paulit-ulit na rin nila akong kinukumbinsi ni Casidy at halos i-offer na nila ang lahat ng tulong sa akin. Kung scholarship lang naman ang pag-uusapan ay pwede naman, pero iniisip ko rin ang tirahan at ang magiging gastusin dahil alam kong sa oras na magdesisyon akong mag-aral sa Maynila ay kailangan kong maging independent. Hindi ko alam kung kaya ko iyon. "Pag-iisipan ko pa, Shaun.." Iyon ang palagi kong sagot sa tuwing mabubuksan ang usaping iyon. Tumango naman ito at ngumiti. "Hindi naman kita minamadali. All the resources will come to you anyway, because you're very talented." Huminga ako nang malalim at ngumiti rin pabalik. "Kumain kana." Tumango ako. Magkatabi kami sa swing sa mini playground habang kumakain at pinapanood ang ilan pang batang naglalaro doon nang natanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan na tumigil sa harapan ng gate. Bumukas ang pintuan noon at agad bumaba si Casidy. Tumakbo ito agad papasok sa gate at patungo sa akin. Napatayo ako sa gulat at hindi agad nakapagsalita. "Oh my gosh, Amethyst, I missed you!" Niyakap niya ako agad kaya muntik na kaming matumba. "Careful, Casidy!" saway ni Mrs. Palma na kabababa lang din mula sa van. "Sorry, Mom!" Tumawa si Casidy habang niyayakap pa rin ako. Napakurap ako atsaka palang na-proseso ang nangyayari. "Nandito na kayo? Hindi ba dapat bukas pa?" Humarap siya sa akin at ngumiti. "It's because I missed you! Pinilit ko si Mommy na mag-three days kami rito kaya nagbyahe na kami kaninang umaga. Ayaw mo ba?!" "Talaga?!" Makahulugan ang ngiti nito sa akin at sa tagal na rin siguro naming magkaibigan ay nagkakaintindihan na kami sa ganoon. Sabay kaming nagtatalon habang magkayakap kaya napatingin ang ilan sa amin. "I'm so excited! Sa bahay ka namin matulog ha! Ayusin natin ang mga gamit mo!" Ngumiti naman ako at tumango. "Oh, you're here too, Shaun?" Napansin siya ni Casidy pagkatapos akong yakapin. "Yeah and I'll join you." "What?! No way! It's for girls!" "I'm not a girl but I can join!" "No way!" Natawa nalang ako nang nagsimula nanaman silang magtalo katulad ng dati. Palagi kasing sumasama si Shaun sa amin kahit na ayaw Casidy. Magkaibigan ang mga magulang nila kaya naman minsan ay bigla nalang din sumusulpot si Shaun kung nasaan kami. "Casidy, your Tita Glacier and Tito Duke are here!" tawag sa kaniya ni Mrs. Palma. Nanlaki ang mga mata niya at saglit kaming iniwan ni Shaun. Pinanood namin siyang tumakbo patungo sa mga sponsors. Niyakap niya si Mrs. Altamirano na parang sobrang close nila. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling manood sa kanila. Anak-mayaman si Casidy kaya naman maganda at makinis ang kaniyang balat na halos kumikinang iyon sa ilalim ng araw. At ganoon din si Mrs. Glacier Altamirano, kaya naman hindi ko naiwasang tumitig sa kanila. Nagtagal siya nang kaunti roon kaya naman inabala ko muna ang sarili sa pakikipaglaro at pagpapakain sa mga bata sa playground. Sinamahan naman ako ni Shaun hanggang sa makabalik si Casidy. "Let's pack your things, pinagpaalam na kita!" masaya nitong sinabi. Ngumiti ako at tumango. Bumaling naman siya kay Shaun. "Boys are not allowed, Shaun!" "Tss! You're so possessive of her, Casidy. Hindi naman siya sayo." Tumawa ito, tunog nanunukso. "Well..hindi rin siya sayo." Nagtitigan silang dalawa pero sa huli ay huminga lang nang malalim si Shaun at bumaling sa akin. "Babalik muna ako kina Mommy, Amethyst." Tumango ako at tipid na ngumiti. Tumawa ulit si Casi kaya sinamaan siya ng tingin ni Shaun. "Tama na 'yan, Casi.." saway ko. Umirap ito at agad na kumapit sa braso ko. "Ang damot niya pagdating sa'yo!" Umiling naman ako. "Hindi naman..wala lang kasi siya masyadong kaibigan dito." Tumawa ito. "Shaun Yuzon, walang kaibigan?" Nagkibit-balikat ito at may mga ibinubulong na hindi ko naman nasundan. Pumasok kami sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko para mag-ayos ng gamit. "Don't bring too much clothes. We'll go shopping tomorrow at bibilhan kita ng mga bago." Umupo ito sa kama ko at tinignan ang buong kwarto ko. Huminga ako nang malalim. "Casidy, hindi na kailangan, madami pa akong damit." "You'll need new clothes, Amethyst. Grade 11 na tayo sa pasukan!" Pumalakpak pa ito. "And by the way, Tita Glacier likes you! Kung papayag ka daw, willing silang mag-sponsor para makapag-college ka sa Manila!" Napakurap ako. "Huh?" Tumayo siya at humawak sa mga kamay ko. "And then I'll convince Mom and Dad to take you in! Sa bahay ka namin titira!" Lalo akong nagulat sa sinabi niya. "H-Huh? Nakakahiya!" "Anong nakakahiya 'dun?" Huminga ako nang malalim at bahagyang umatras. "Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung mag-aaral nga ako sa Maynila, Casi." Nagkakasalubong na agad ang mga kilay nito. "Why not? Doon kami pareho ni Shaun kaya dapat ay doon ka rin!" Hindi ko alam kung bakit ganito ako itrato ni Casidy. Masaya ako dahil kaibigan ko sila ni Shaun at may malasakit sila sa akin pero hindi ko kayang dumepende lamang sa kanila sa lahat ng pagkakataon. Ang mommy niya ang nagpapa-aral sa akin simula elementary. Sinasagot din nila ang allowance ko at lahat ng iba pang gastusin kaya ang isiping patitirahin pa nila ako sa bahay nila sa Maynila ay sobra na para sa akin. "Pag-iisipan ko pa, Casi. May dalawang taon pa naman." Sumimangot ito pero kalaunan ay tumango rin naman. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit na sa cabinet para kumuha ng mga damit. "Bring some dress. Sa bahay mag-didinner sila Tita Glacier." Nilingon ko siya. "Mukhang close ka sa kanila.." Malawak at makahulugan ang ngiti niya pagkatapos kong sabihin iyon. Alam ko agad na may ibig siyang sabihin kaya sa halip na kumuha ng mga damit ay lumapit ako sa kaniya. "I have to tell you something.." Hindi niya mapigilan ang pagngiti. "Bakit? Sabihin mo na!" Tumawa siya at hinila ako paupo sa tabi niya sa kama. "Well..I have a fiancé now." Kumunot ang noo ko. "Fiancé?" Matagal kong inisip ang salitang iyon bago dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko. "Pero ang bata mo pa!" Natawa siya sa reaksyon ko. "It doesn't mean that I'll marry right away. And it's not official yet, wala pang engagement party." "Sino naman?" "Here, I'll show you.." Inilabas niya ang cellphone at agad ipinakita sa akin ang picture ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang gwapo noon—maganda at makapal ang mga kilay, matangos ang ilong, maputi at higit sa lahat ay mukhang mayaman. Gwapo rin naman si Shaun, pero may kakaiba sa lalaking nasa picture. "He's so handsome, right?" Napakurap ako at hindi agad nakapagsalita. Nakakamangha dahil sa TV lang ako nakakakita ng ganoon kagwapong lalaki. Bukod kay Shaun ay wala pa akong ibang nakita na ganoon dito sa Oriental Mindoro. Ngumiti siya sa akin. "I saw him in one of the art exhibits sponsored by his parents. He's so handsome, I think I fell in love at first sight. And when I found out that he's the son of Mom and Dad's friends, I didn't stop asking them for help." Nagulat ako. "Ano? Nagpatulong ka sa parents mo?" Tumango ito na parang wala lang iyon. "I practically begged them to make me marry that man in the future. And guess what? His parents agreed!" Hindi ako makapaniwala. "Buti nalang at mukhang gusto rin ako ni Tita Glacier." "Glacier Altamirano? Anak nila ang sinasabi mo?" Ngumiti siya at tumango. "Yes, Rivers Altamirano, the oldest among their sons." **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook