Chapter 5

3134 Words
"How are your teammates? Are they friendly?" tanong ni Casidy habang nakapila kami sa counter ng isang coffeeshop. Ngumiti ako at tumango. "Mabait sila at may mga nakilala na rin ako." Ngumiti rin ito, halatang masaya para sa akin kaya lalo nanaman akong na-guilty. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang tungkol kay Rivers pero paano kung alam na pala niya? Kung kilala si Rivers bilang isang playboy at madalas silang makitang magkasama, imposibleng wala pa siyang naririnig na usap-usapan. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung paano. Kung alam niya na..bakit hindi niya nababanggit sa akin? Kung hindi niya pa alam..hanggang kailan bago niya malaman? Huminga ako nang malalim at bumaling nalang sa menu sa harapan. Sakto ang paglingon sa amin ni Shaun para sa order namin. "What do you want?" "I want chocolate frappe," sagot ni Casidy. Tumango si Shaun at bumaling naman sa akin. "Choco mint icecream?" tanong niya, kabisado na ang order ko kapag pumupunta kami sa mga coffeeshops. Tumango ako. Katulad ng inaasahan namin ay maagang natapos ang klase nila at ang training ko ngayong araw, kaya naman nag-aya agad si Casidy na mag-meryenda muna bago umuwi. "How about food? May gusto kayong kainin?" tanong ulit ni Shaun. Nagtingin sa menu si Casidy habang palinga-linga naman ako sa coffeeshop. Habang hinihintay silang maka-order ay natanaw ko ang isang poster sa counter. Hiring! We're looking for part-timers who can work for 4-8 hours daily. Open for students and schedule can be adjusted. Please send your resume to the email below or you can look for our manager. Naisip ko agad na pwede ako rito. Kakasabi lang ni Coach Joy kanina na tuwing Thursday at Friday lang muna ang trainings. Alas-tres ng Monday hanggang Wednesday ay pwede akong mag-part time hanggang alas-syete. Gagawa ako ng resume at babalik dito sa ibang araw, kapag hindi ko kasama sila Shaun at Casidy. Dumating ang order namin at naghanap kami agad ng lamesa. Nang makaupo kami ay nagkwento na agad si Casidy tungkol sa araw niya. Tahimik lang naman akong nakinig habang kumakain ng ice cream. Naghintay akong may mabanggit siyang kung ano tungkol kay Rivers pero wala naman siyang nasabi. Huminga ako nang malalim at naisip na hayaan na muna siya. Unang araw palang naman, sa mga susunod na araw ay posibleng malaman niya na rin ang totoo. Hihintayin kong mag-open siya sa akin at doon ako hihingi ng sorry na hindi ko rin agad nasabi. "Tss..ang clumsy mo.." Kumuha si Shaun ng tissue at pinunasan ang kamay ni Casidy dahil nalagyan iyon ng whipped cream mula sa frappe. Umirap lang naman si Casi at nagpatuloy sa pagkukwento tungkol naman sa mga kaklase niya. Sa buong isang oras namin doon ay nakinig lang kami ni Shaun sa kaniya hanggang sa mag-aya na siyang umuwi. "It's fun! We should hang out like this while A is not yet busy." "You're so talkative, ikaw lang ang masaya, Casidy." "Huh?! E bakit kasi hindi ka rin magkwento tungkol sa araw mo?" "I can't even say a word because you won't stop talking." Natawa nalang ako at napailing. Maging ang driver na nagbukas ng pinto ng van para sa amin ay natawa nalang sa kanilang dalawa. "Tama na 'yan. Umuwi na tayo, Casi." "Tss!" Umirap ito at nauna nang sumakay sa van. Ngumiti naman ako kay Shaun. "Thank you, Shaun. Mag-iingat ka sa pag-drive." Tumango ito at ngumiti rin sa akin bago sumulyap kay Casi sa loob ng van at nag-angat ng kilay. Bago pa makapagsalita ulit si Casi ay sumakay na ako at sinarado na ng driver ang pintuan. "Ang sungit talaga! Sa'yo lang mabait 'yon, hindi ko naman inaano!" Natawa ako. "Mabait din siya sa'yo, Casi. Nasanay lang talaga kayong laging nag-aaway." "Tss!" Napangiti nalang ako. Kinabukasan ay halos ganoon ulit ang nangyari. Maaga silang pumasok pero hindi na rin nila ako nasamahan mag-lunch dahil alas-onse natapos ang klase ko at may klase na rin sila. Pero dahil wala pa ring training ay nakapasyal kami ulit sa coffeeshop sa hapon. Thursday na nang nagsimula ang training namin sa taekwondo. Nag-jogging kami sa oval, heel clips at star jumping bago nag-warm up. At dahil ilang buwan na rin ang lumipas nang huli akong napagod nang ganoon ay talagang sumakit ang katawan ko, lalo na pagkatapos ng stretching. Halos hindi na kami makatayo ng mga kasamang newbies pagkatapos ng training ng Biyernes. "You'll get used to it. We do regular stretching to improve flexibility and to avoid injuries." Parang wala lang kina Riri ang ginawa namin. Kung sabagay, hindi naman yata sila tumigil sa pag-train kahit noong bakasyon. Sabi ni Vira ay may mga sinalihan pa raw na tournament si Clyde at Guile sa ibang bansa noong June. Hindi pa ako nakakalaban sa mga international o national tournaments kaya naman nakakainggit iyon para sa akin. Hanggang local at regional lang ang mga nasalihan ko mula elementary at highschool. Noong senior high naman ay hindi ako naging aktibo dahil sa dami ng mga ginagawa, kaya naman gusto kong makabawi ngayon. "We'll focus on your warm ups and stretching for the next few weeks before we proceed with the actual training." Pagkatapos noon ay hinayaan na kaming magpahinga, pero sa halip na sumabay sa mga kasama sa pagbalik sa headquarters ay nanatili muna ako sa gym. Balak kong pumunta sa coffeeshop para magtanong sa manager tungkol sa part-time job kaya nagpahinga muna ako para makaligo at makapagbihis. Inabot yata ako ng mahigit tatlumpung minuto bago nakapagdesisyon na bumalik na rin sa headquarters. Hapon na at kahel na ang langit kaya hindi ko mapigilang tumingala pa roon habang naglalakad. Iilan nalang ang mga estudyante sa paligid at halos mga varsity players na pauwi na rin. Sa sobrang katahimikan tuloy ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang boses ng isang babae at lalaki nang makarating ako sa hagdanan paakyat sa headquarters. "I don't know what else to give you. I mean..you have everything.." Boses iyon ng babae. Bumagal ang paghakbang ko paakyat, nakikiramdam pa kung dapat akong tumuloy. Pero natanaw ko na ang likod ng babae na nakasuot pa ng t-shirt na may tatak na Genesis Cheering Squad. "You don't have to give me anything but thanks for this.." Kumunot ang noo ko nang nakilala ang boses na iyon. Sakto sa paghakbang ko ng isa pang beses paakyat ang pagkakatagpo ko sa mga mata ni Rivers na nakaharap sa babae. Umangat ang kilay niya nang natanaw ako, parang nanghuhusga at namamangha dahil nakikinig ako kaya sa halip na umatras ay yumuko ako at nagmadaling umakyat para lagpasan sila. Ayokong isipin niya na nakikinig ako dahil hindi ko naman iyon sinasadya. At hindi ko alam kung bakit palaging involved siya sa mga bagay na hindi ko naman dapat naririnig. Napaka-playboy niya. Akala ko ba nagdi-date sila ni Riri? Bakit ibang babae nanaman ang kasama niya ngayon? Ilan ba lahat ang babae niya? Huwag mong sabihing sa bawat sports dito ay mayroon siyang babae? Nagpupuyos ako sa inis dahil naiisip ko nanaman si Casidy. Dumiretso ako sa locker para kunin ang extrang t-shirt at jogging pants na dala ko pamalit. Natauhan lang yata ako nang pabagsak kong isinara ang locker at ako mismo ang nagulat dahil doon. Huminga ako nang malalim. Buti nalang at walang ibang tao roon. Pumasok ako sa shower room at agad na naligo at nagbihis. Gumaan ang pakiramdam ko pero masakit pa rin ang katawan ko. Hindi na ako nag-blow dry doon at ipinusod ko nalang ang basa kong buhok dahil nagmamadali na rin akong umalis. Gabi na at medyo mahirap mag-commute mula sa university dahil wala namang dumadaang public vehicles maliban sa taxi. Gusto ko na rin masanay kaya ayos na rin kahit sobrang pagod ako ngayon. Inayos ko ang maruming damit sa bag at ang ilang gamit bago nagdesisyon na umalis na, pero nagulat ako at halos napatili nang bumungad sa akin si Rivers sa harap mismo ng shower room. "A-Anong ginagawa mo rito? Bawal ka rito." Nakasandal siya sa gilid at na-conscious ako agad kung natatanaw niya ba ako kanina sa loob mula sa kinatatayuan niya. Agad akong napalinga sa paligid sa takot na baka may makakitang may lalaki rito pero alam kong walang ibang tao roon bukod sa amin. Tumayo siya nang tuwid na parang kanina pa siya roon at nainip nalang, pero napawi iyon ng ngisi niya. "Aren't we seeing each other too often?" "Wala akong alam sa sinasabi mo—" Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan siyang pumasok sa pintuan ng shower room. Napaatras ako sa takot at gulat. "A-Anong ginagawa mo? Bawal ka rito, Rivers.." Umangat ang kilay niya, tila naghahamon at natutuwa. Naroon nanaman ang ekspresyong tila aliw na aliw siya sa kung ano. Napansin ko ang pagsuyod niya ng tingin sa mukha ko, pababa sa suot ko at pabalik sa mukha ko..o sa leeg ko. Umatras ako ulit dahil hindi na ako makahinga sa kaba. "Sisigaw ako kapag hindi ka pa lumabas," banta ko. Tumawa siya at halos kilabutan ako dahil sa baba ng boses niya na dinagdagan pa ng echo sa loob ng shower room. "That's a cute threat." Nagkakasalubong na ang mga kilay ko. "Ano ba'ng kailangan mo?" Humakbang siya palapit pero hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Yumuko siya para lumebel ang mukha sa akin. "I wonder why you're not telling Casidy about the things you know. I thought you're best friends?" Tinapatan ko ang mukha niya. Siguro ito na rin ang pagkakataon para kumprontahin siya. "Bakit mo ba siya pinapaasa? Kung ayaw mo sa kaniya, sabihin mo nalang at tigilan mo na siya." Tumawa siya, naghahamon ang mga titig niya. "Bakit hindi ikaw ang magsabi?" Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan pabalik. Bakit parang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari? Pinaglalaruan niya ang mga babae na parang wala silang emosyon at hindi masasaktan. Hindi ako makapaniwalang may taong katulad niya. "You think she doesn't know?" Kumunot ang noo ko. "Ofcourse she knows everything. But she will force herself to me no matter what you tell her. She's that kind of girl." Tumayo siya nang tuwid, naging hilaw ang ngiti niya hanggang sa tuluyang sumeryoso ang kaniyang mukha. Samantalang hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa kaniya. "Wala ka bang kapatid na babae?" Hindi siya nagsalita. Nanatili ang titig niya sa akin. "Wala siguro? O kung meron man, sana hindi paglaruan nang ganito ng magugustuhan niyang lalaki." Umigting ang kaniyang panga. Nagulat ako dahil iyon ang unang beses na nakita kong seryoso siya at mukhang galit. Parang may malamig na hangin na nagmula kung saan at umihip sa pagitan namin. Nagulat nalang ako nang lumapit siya. Akala ko ay sasaktan niya ako dahil sa mga nasabi ko pero nanlaki ang mga mata ko nang hinila niya ang ponytail ko kaya bumagsak ang buhok kong basang-basa pa. "A-Anong—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ay tinalikuran niya na ako para umalis. Naiwan akong gulat na gulat sa ginawa niya. Akala ko sasaktan niya ako. Akala ko sobra ang mga nasabi ko at nagalit ko siya. Muntik na akong maiyak sa takot at kaba. Dahil tuloy doon ay hindi na ako nakapunta pa sa coffeeshop. Ang natitirang energy ko ay tuluyang naubos dahil sa nangyari. Napilitan akong umuwi nalang. Na-realize ko na baka sumobra na rin ako sa pakikialam. Hindi na bata si Casidy at siguro nga alam niya na ang tungkol sa pagiging playboy ni Rivers. At siguro hindi ko na rin dapat kinukompronta si Rivers nang ganoon dahil sa totoo lang ay labas naman dapat ako sa kung ano man ang mayroon sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko tuloy ay nagalit ko siya dahil sa mga sinabi ko. Kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ang nakakatakot niyang itsura. Dahil doon ay pilit akong umiwas sa kaniya. Kapag magkasama sila ni Casidy ay gumagawa ako agad ng dahilan para hindi ako sumama. Mabuti nalang din at hindi kami gaanong nagkita sa headquarters sa loob ng isang linggo. Siguro dahil abala rin sila sa training. "Is your training done? Ipapasundo kita sa driver," bungad ni Casi nang sinagot ko ang tawag niya habang kumukuha ng damit sa locker. Kumunot ang noo ko. "Mag-cocommute nalang ako, Casi." "Papunta na si Kuya Johnny diyan, hihintayin ka niya kung hindi pa tapos ang training niyo." "Tapos na. Maliligo nalang ako at magbibihis. Pero..anong mayroon?" Biyernes na ngayon at balak ko sana ulit pumunta sa coffeeshop, kaya lang ay mukhang hindi ulit matutuloy. "The Altamiranos will be here for dinner. Mommy wants you to be here too, kaya bilisan mo na para makapag-ayos ka pa!" Nahimigan ko agad ang excitement at saya sa boses niya. Napapikit naman ako dahil na-realize ko na imposibleng maiwasan ko si Rivers sa lahat ng pagkakataon, lalo kung magkaibigan ang pamilya nila ni Casidy. Gusto ko sanang sabihin na may gagawin pa ako kaya lang ay papunta na ang driver at ayoko namang pabalikin siya nang hindi ako kasama. Sa huli ay nagpaalam na ako para makaligo at makapagbihis, pagkatapos ay saktong dumating na rin si Kuya Johnny. Buong byahe pauwi ay kinakabahan ako. Natatakot ako na baka may masabi si Rivers tungkol sa mga pinagsasabi ko noong nakaraan. Ayokong malaman iyon ni Casidy o kahit pa ng mga magulang niya. Ayokong isipin nila na nakikialam ako sa kanila. Nakaayos na si Casi nang nakauwi ako. Isang light blue na dress ang suot niya. Nakakulot ang dulo ng kaniyang buhok at mayroon din siyang light make up. Kumikinang ang kaniyang balat sa ilalim ng mga chandeliers sa sala ng kanilang bahay. "They're on their way. You still have time to prepare." Huminga ako nang malalim at tinignan ang suot ko—isang oversized white t-shirt at gray sweatpants na lagi kong pinamamalit pagkatapos ng training. Alam kong hindi pwede ang suot ko para sa dinner kahit na sa bahay lang naman iyon. Ganoon yata talaga ang mga mayayaman, nakaayos pa rin kahit nasa bahay lang. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa ganitong karangyaan, at alam kong hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil kailangan ko ring irespeto ang nakasanayan nila. Tumango ako kay Casi at umakyat na sa kwarto ko. Dahil nakaligo na ako ay nagbihis nalang ako ng mas maayos na damit. Isang simpleng dress na may mga print na maliliit na bulaklak at lagpas tuhod ang sinuot ko. Nagpatong din ako ng cardigan para mas maging kumportable. Nag-blow dry ako ng buhok at hinayaan na iyong nakalugay pagkatapos. At dahil hindi naman ako marunong mag-make up ay wala na akong nilagay na kahit ano sa mukha ko. Ilang sandali lang din ay kumakatok na ang isang kasambahay sa kwarto ko. Dumating na ang mga Altamirano at pinapababa na ako. Huminga ako nang malalim dahil hindi ko mailarawan ang kaba sa dibdib ko. Buong akala ko ay galit na Rivers ang makikita ko, pero nang nakababa ako sa hagdanan ay natanaw ko agad ang pamilyar na ngisi sa kaniyang mukha. "Magandang gabi po," bati ko nang nakalapit at natanaw silang nakatingin na sa akin. "Oh, good evening, Amethyst. It's nice to see you again." Ngumiti si Mrs. Glacier sa akin. Katulad noong unang beses ko siyang nakita ay maganda pa rin siya. Kumikinang ang kaniyang porselanang balat na parang kapag nadikit ako sa kaniya ay magmumukha akong basahan. Sa tabi niya ay ang kaniyang asawa, si Sir Duke, na napaka-tangkad at kisig din. At kasunod ni Rivers ay may dalawa pang lalaki na magkasing-tangkad at halos magkamukha. Nag-iwas ako ng tingin ng makitang nakatingin ang dalawa sa akin. Yumuko ako at umatras, hindi makatagal ng tingin sa kanila dahil nakakasilaw silang lahat. "Let's go to the dining area. Dinner is ready." Mabuti nalang at nag-aya na si Mrs. Palma. Hinayaan ko silang lahat na mauna roon at sa likod lamang nila ako. Kung maari nga ay ayoko na sanang sumali dahil parang hindi naman ako kailangan dito. Masyado silang nakaka-intimidate na parang kapag nagkamali ako nang kaunti ay mapapansin nila iyon agad. Natanaw ko ang paghila ng upuan ni Rivers para kay Casidy. Malawak ang ngiti niya at ganoon din si Casi. Sa itsura nilang dalawa ngayon ay parang gustong-gusto talaga nila ang isa't-isa. Kaya lang ay hindi ko alam kung kailan ko natutunan ang pagkakaiba sa totoo at sarkastikong ngiti ni Rivers. Bago pa ako makahila ng sariling upuan ay nagulat ako nang ginawa na iyon ng isa sa mga lalaki kanina. "T-Thank you.." bulong ko. Ngumiti ang lalaki. Katulad ni Rivers, mapaglaro ang kaniyang ngiti. Tumagilid ang kaniyang ulo habang nakatitig sa mukha ko. "You're welcome. Are you Casidy's cousin? I've never seen you before.." Napakurap ako nang na-realize na pati ang paraan ng pagtingin at pakikipag-usap nila sa tao ay magkapareho—iyong titignan ka na parang may nakakatawa, na parang nakakainsulto. O siguro ganoon lang ang iniisip ko? Umiling ako, hindi alam ang isasagot. Ngumiti ito ulit sa akin. "I'm Ice Altamirano by the way." Inalok niya ang kamay para makipag-shake hands. Kumunot ang noo ko at na-realize na magkapatid sila ni Rivers. Kaya pamilyar ang mga kilos at maging ang ngiti, magkapatid silang tatlo. Ayokong maging bastos kaya tinanggap ko ang shake hands. "I'm Amethyst." Tipid akong ngumiti at bibitaw na sana nang pisilin niya ang kamay ko. "Pretty name, like you.." Tumawa siya at binitiwan na ang kamay ko. Nakita kong napapailing ang isa pang lalaki sa tabi niya. Nang nag-angat naman ako ng tingin sa harapan ay nakita kong nakaangat ang kilay ni Rivers na mukhang namamangha nanaman sa kung ano sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at umupo nalang. Nag-serve ng pagkain ang mga kasambahay. Tahimik akong kumain habang nagkakamustahan ang mga kasama. "How's the preparation for Casidy's debut?" tanong ni Mrs. Glacier. "It's good. The organizers you suggested are really doing well," sagot ni Mrs. Palma. Nagpatuloy pa ang pag-uusap nila tungkol doon hanggang sa biglang bumaling sa akin si Mrs. Glacier. "How are you, Amethyst? You look prettier, hija.." Napalunok ako agad sa biglaang atensyon na nabaling sa akin. "Ayos lang po, salamat po." "Do you still paint?" Dahil sa tanong na iyon ay bumaling sa akin ang tingin nilang lahat. Kita ko ang pag-aalala sa mga tingin ni Mrs. Palma. Ang tatlong magkakapatid na lalaki naman ay kuryosong nakatingin at si Casidy lamang ang nakangiti sa akin. "Opo, kapag may oras." "It's sad that you changed your mind about your course. I thought you wanted to be an artist." Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Mrs. Palma. "Oh, I guess she wanted to try something new. She took Architecture instead of Fine Arts." "Pero sayang ang talent mo, hija. You should still paint. I like the paintings that Rosario showed me when I visited the orphanage." Parang unti-unting sumisikip ang dibdib ko sa usaping ito. Bakit kailangang pag-usapan ulit ito? Bakit kailangang masaktan nanaman ako tungkol dito? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD