Dahil hindi na ako makadaan ay wala na akong nagawa kundi ang tumuloy nalang sa pag-akyat. Dire-diretso ang lakad ko nang nakarating sa lobby. Nakita ko pa ang paglingon sa akin ng mga taong naroon, at ang pagtigil ng paningin nila sa taong nasa likuran ko. Hindi ko na ininda ang pagtingin nila at dumiretso nalang ako agad sa office, o mas tinatawag yata nila itong headquarters.
Saglit kong inayos ang sarili para masigurong wala nang bakas ang inis ko kay Rivers kanina. Sakto namang bumukas din ang pintuan at bumungad sa akin si Coach Joy.
"O, ikaw pala, Amethyst. Kukuha ka ng uniform?"
Ngumiti ako at tumango. "Magandang araw, Coach."
Ngumiti ito pabalik at iniawang ang pintuan para sa akin. "Pasok ka. Nariyan ang mga seniors mo sa loob."
Sumulyap ako sa loob at agad natanaw ang apat na taong naroon sa mahabang sofa. Abala sila sa kani-kanilang cellphone at bumaling lang sa akin nang tuluyan na akong pumasok.
"Good morning po," bati ko sa kanila.
Dalawang babae at dalawang lalaki ang naroon. Medyo na-intimidate ako sa paraan ng pagtingin nila, lalo na ang dalawang babae. Ang isang lalaki lang ang tumango at ngumiti sa akin.
"Guys, this is Amethyst," pakilala sa akin ni Coach Joy.
Umangat ang kilay ng isang lalaki. "Oh, the black belter that you're talking about?"
Parang doon palang sila nagkaroon ng interes dahil sa pagkakabanggit sa pangalan ko. Tumayo ang lalaking ngumiti sa akin kanina at lumapit kasama ang isa pang babae para makipagkamay.
"Hi, Amethyst, I'm Vira."
Ngumiti ako at tinanggap ang shake hands.
"Nice to meet you, Amethyst, I'm Guile."
Tumango ako. "Nice to meet you din."
Sumulyap ako sa dalawang naiwan sa sofa at na-realize na mahihirapan ako sa pag-approach sa kanila. Hindi mukhang friendly ang babae, ganoon din ang lalaki. Tipid na lamang akong ngumiti sa kanila nang nagtama ang paningin namin.
"This is Riri, just like you, she's a 2nd Dan Black Belt." Pakilala ni Coach sa babaeng nakaupo pa rin sa couch. "And this is Clyde, he's a 3rd Dan."
Namangha ako sa lalaki. 3rd Dan Black Belt..ibig sabihin ay ilang taon na rin siya sa taekwondo, at kung skills at technique ang titignan, palagay ko ay marami akong matututunan mula sa kaniya. Iyon nga lang ay hindi siya mukhang approachable.
Hindi bale, siguro naman ay makakasundo ko rin sila sa katagalan. Ganoon naman palagi sa umpisa.
"She's the only 2nd Dan from the newbies?" tanong noong Riri.
Lumapit si Coach Joy sa lamesa niya at binuksan ang isang box doon. "Yes."
Bumaling ito sa akin at ibingay na ang uniform ko. "Here's your uniform, Amethyst. Though we're not gonna start training yet for today. We'll just meet later to greet the newbies and for the seniors to welcome you."
Ngumiti naman ako at tumango. "Okay po. Thank you, Coach."
"Sure! Is it your lunch time? You can stay here during your free time." Sumulyap siya kina Vira at Guile. "Pwede ka nilang i-tour dito sa headquarters, para naman maging pamilyar ka."
Sumulyap naman ako sa dalawa. Kung papayag sila, bakit naman hindi? Gusto ko rin silang makasundo kahit paano.
"Yeah, sure, Coach!" Ngumiti si Guile sa akin.
Napangiti rin ako.
"Ingat ka kay Guile, Amethyst, he's a f*ck boy," banta ni Vira na ikinagulat ko sa pagiging bulgar.
"Vira.." natatawang saway ni Coach.
Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko. Totoo ba iyon? Kasi kani-kanina lang ay iritable ako kay Rivers tapos ngayon naman ay may..katulad niya rito?
"Shut up, Vira, baka maniwala si Amethyst." Bumaling ito sa akin at umiling. "She's kidding, I'm just friendly."
Hilaw ang naging ngiti ko, kasi iba ang reaksyon ni Vira. Pero..ayaw ko rin naman siyang husgahan. At gusto ko silang makasundo kaya sa huli ay pumayag ako. Mabuti nalang din at sumama si Vira kaya naging kumportable ako kahit paano.
Paglabas namin ng office ay bumungad sa amin ang mas mataong lobby. Nilingon kami ng mga lalaking nakaupo sa mahahabang couch at nagulat ako nang nagbatian sila nila Guile at Vira.
"Bago?" Bumaling sila sa akin. "Hi Miss!"
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanila. Siguro ay magkakakilala ang mga tao rito dito dahil pare-pareho nga namang miyembro ng varsity.
"Oo, first year, at bawal kausapin." Hinila na ako agad ni Vira na ipinagpasalamat ko pa.
"Don't give them your number if they ask for it. Most members of the basketball team are players."
Tumango naman ako. "Wala naman akong balak pagbigyan ng number ko."
Tumawa ito. "That'll be good for you."
Una naming pinuntahan ang locker at shower room para sa mga babae sa right wing. Para iyon sa lahat ng athletes kaya naman talagang malaki ang sinasakop noon.
Hinanap ko agad ang locker ko para ilagay ang ilang gamit. Mas malaki ang mga athletes locker kumpara sa normal lockers na parang vault. Ang sa amin ay pahaba at halos triple ang laki. Siguro kasi para magkasya ang mga uniforms o mga damit pang-training.
Na-excite ako nang makitang mayroon din kaming varsity duffel bag at t-shirt. Nakakatuwa kasi kumpleto sa gamit.
"Are you that happy?" natatawang tanong ni Guile.
Tumawa ako. "Sorry, nakakapanibago kasi. Hindi ganito sa school ko dati."
"I heard you're from Oriental Mindoro. Maganda ba 'don?"
Tumango ako. "Oo naman, maganda ang tanawin. Malayo sa kabihasnan pero tahimik."
"Well, it's obvious, maganda ang tanawin, katulad mo?"
Hinampas siya sa braso ni Vira na ikinagulat ko. "Oh my God, Guile, stop hitting on her!"
Tumawa ito. "What? I'm just telling the truth. She's pretty!"
Inirapan siya ni Vira bago ako binalingan. "Yeah, you're pretty, Amethyst. That's the first thing people will notice. But you have to take care of that pretty face. Nagkalat ang f*ckboys dito, isa na itong kasama natin!"
"Stop describing me that way!"
Hindi siya pinansin ni Vira. Lumapit ito sa akin at inayos ang buhok ko sa likod ng aking tainga. "This face will surely infuriate Riri." Tumawa ito.
Kumunot naman ang noo ko. "Huh?"
Ngumiti ito at nagkibit-balikat. "Just try not to get to her skin."
Lito pa rin ako pero hindi ko na nagawang magtanong. Tama nga siguro ako..mahirap siyang i-approach. Intimidating siya at maganda, taekwondo player pa. Siguro ay sikat siya rito.
"By the way, nasa left wing ang locker at shower room ng men athletes. Pwede ang babae pero hanggang sa locker lang. Most of the time, sa lobby nagkikita-kita at nag-uusap ang mga athletes dito," paliwanag ni Vira habang naglalakad na kami palabas ng locker area.
"I suggest na huwag ka nang pumunta sa men's locker area kung curious ka or hinahanap mo man 'tong si Guile. It's kind of chaotic there."
Tumango ako. Wala naman akong balak sumilip doon. Sa lobby nga lang ay hindi ko na alam kung paano makadadaan nang hindi pinagtitinginan, paano pa kung papasok ako sa locker room ng mga lalaki?
Sinamahan ako ni Vira sa loob ng shower room at talagang namangha ako roon. Malinis at maayos, may mga stocks ng sabon, shampoo, conditioner at may mga tuwalya. Nasa dalawampu o higit pa ang showers na naroon, naka-parte sa mga frosted glasses.
"Hindi naman 'to napupuno dahil iilan lang naman ang babaeng athletes. The swimming team has their own shower room and headquarters near the swimming pool too."
Tumango ako at nagtingin-tingin pa. Walang tao roon, siguro kasi wala pa namang nag-training ngayong araw.
Pagkatapos namin doon ay bumalik na rin kami sa office para makapaghanda sa klase namin. Mamayang hapon kami imi-meet nang kumpleto, at ipapakita rin sa amin ang training facilities.
"Salamat sa pagsama Vira at Guile.." Ngumiti ako sa kanila.
"Sure! See you later, Amethyst!"
Tumango ako at kumaway bago kami naghiwa-hiwalay sa labas ng main building. Napag-alaman kong parehong Accountancy ang course nila, second year at magkaklase, kaya sabay silang pumasok at ako naman ay babalik pa sa Architecture department.
Medyo magaan ang pakiramdam ko at maganda ang disposisyon dahil sa mga bagong kaibigan. At sa sumunod na subject ay nagulat ako na kaklase ko bigla sila Casidy at Shaun. Iyon pala ay inayos ni Casidy ang schedule niya para kahit paano ay makaklase niya kami ni Shaun sa Ethics.
Magkakatabi kami dahil wala namang seating arrangement. At dahil friendly si Casidy at magaling makipag-socialize ay nagkaroon kami agad ng mga kakilala. Mabait at masayahin din ang professor namin kaya naman magaan ang takbo ng klase at maaga ring natapos dahil katulad sa ibang subjects ay orientation palang naman.
"It's nice to meet you, Amethyst, ang ganda ng pangalan mo," sabi ng lalaking kaklase na nakilala namin kanina.
"Nice to meet you din, Joshua." Ngumiti ako sa kaniya.
"See you around," anito bago tuluyang umalis na ng classroom.
"Tss.."
Nilingon ko si Shaun na narinig pala kami. Nakangiti si Casidy sa tabi niya, pareho silang handa nang umalis at mukhang nakinig lang sa amin.
"Ang ganda talaga.." Lumapit si Casi sa akin at hinila na ako palabas ng classroom. "Did you see how every boy in the classroom looked at you?"
"Huh? Bakit?"
Tumawa ito at lumingon kay Shaun na nakasunod sa amin. "Hay Shaun, dali-dalian mo."
Lito ko siyang tinignan dahil hindi niya naman sinagot ang tanong ko.
"What's your next class, A?" tanong niya.
"Visual Arts 1," sagot ko.
"Ikaw, Shaun?"
"Same," sagot nito na ikinagulat namin.
Tumigil si Casidy sa paglalakad kaya natigil din ako.
Nilingon niya si Shaun. "You had your schedule changed as well?"
Bored na tumingin sa kaniya si Shaun atsaka bumaling sakin. "Yeah, just that subject though."
Nagulat ako at agad natuwa. "Talaga? Magkaklase tayo?"
Ngumiti siya sa akin. "Yeah, let's go?"
"Ang daya niyo naman," maktol ni Casidy pero bago pa ako makapagsalita ay lumiwanag na agad ang mukha niya.
Napalingon kami sa direksyong tinitignan niya at agad natanaw si Rivers na papalapit sa amin.
Agad nawala ang ngiti sa mukha ko, lalo nang lumapit agad sa kaniya si Casidy. "Hi! Why are you here?"
Ngumiti siya rito at maging sa amin ni Shaun pero nag-iwas lang ako ng tingin.
"You asked me to walk you to your next class. I have free time so I'm here."
Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Casi, ramdam kong walang mapaglagyan ang tuwa niya at kung katulad lang noon ay baka masaya rin ako para sa kaniya, iyon nga lang ay iba na ngayon.
"Just in time, she needs your company," sabi ni Shaun.
Nakita kong sumulyap sa akin si Rivers kaya hinawakan ko na ang braso ni Shaun para yayain nang pumasok. "Kung ganon mauuna na kami ni Shaun, Casi. Nandiyan na rin naman si..Rivers para samahan ka." Halos ayaw ko pang banggitin ang pangalan niya.
"Okay, see you later!"
Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Napilitan akong tumango nalang din kay Rivers dahil ayaw kong makahalata si Casi. Pero sa huli ay nabagabag nanaman ako dahil sa presensya niya.
Bakit niya pinapaasa si Casi kung mayroon siyang ibang babae? Bakit hindi niya pa itigil kung ano man ang mayroon sila kung hindi niya naman seseryosohin ang kaibigan ko? Napakagaling niya naman yata sa ganoon. Napakagaling niyang umarte na loyal at seryoso kahit nakakaloko naman ang mga ngiti niya.
Wala tuloy ako sa sarili sa sumunod na subject. Masungit pa naman din ang professor. Nagulat pa kami dahil unang araw palang ay nag-discuss na siya agad.
"This is hectic," si Shaun habang palabas na kami sa classroom pagkatapos ng klase.
Last subject ko na iyon samantalang lunch break niya naman. Pareho kaming drained mula sa discussion na hindi namin inaasahan. Pero ngumiti pa rin ako sa kaniya para ipakitang ayos lang iyon.
"Sinong kasabay mong mag-lunch?" tanong ko.
"I'll meet my cousins at the cafeteria. How about you? Didiretso ka sa headquarters niyo? Why don't you have a break first?"
Sumulyap ako sa relong suot. "Alas-tres ang usapan 'e. Ayoko sanang ma-late sa first day kaya didiretso na ako roon."
Tumango ito. "Alright, let me walk you—"
"Huwag na, lunch mo na 'e. Pumunta kana sa cafeteria, baka hinihintay kana ng mga pinsan mo."
Hindi ko pa nakikilala ang mga pinsan niya rito sa Maynila pero alam kong close sila dahil lagi siyang bumibisita sa kanila noon. Ayoko rin sanang paghintayin niya ang mga iyon.
Huminga siya nang malalim. "Can you text me when you're done? My class ends at five, are you done by that time?"
"Hmm, siguro? Hindi pa raw kami magsisimula sa training ngayong araw kaya baka maaga kaming matatapos."
"Will you text me? Or..can I go there?"
Ngumiti ako. "Iti-text ko kayo ni Casidy. Sabay-sabay tayong umuwi?"
Ngumiti siya at tumango. "Alright, see you later then."
"See you later, bye!" Kumaway pa ako bago tuluyang lumiko patungo sa main building.
Excited akong umakyat sa second floor, at hindi katulad kanina ay medyo naglakas-loob ako ngayon kahit mas maingay at mas maraming tao sa lobby. Ramdam ko ang pagtingin ng mga tao sa akin pero hindi ko nalang pinansin.
Kumatok ako ng isang beses sa office bago iyon binuksan at bumungad sa akin ang parehong mga tao kanina.
"Ang aga mo? Alas-tres pa tayo ah?" si Guile.
Ngumiti ako sa kanila at tuluyang pumasok. Katulad kanina, parehong abala si Riri at Clyde sa cellphone at ni hindi man lang ako tinignan. Si Vira at Guile lang ang ngumiti sa akin.
"Uhm, wala na kasi akong klase kaya dumiretso na ako rito."
"That's okay. Pupunta na rin kami sa gym. We'll meet the other newbies there." Si Coach Joy.
Tumango naman ako.
Ipinakita ni Guile ang mga gamit nila na nasa couch kaya doon ko na rin muna iniwan ang sa akin. Pagkatapos ay sabay-sabay na kaming pumunta sa gym.
Maraming newbies katulad ko pero ako lang and 2nd Dan. Isa-isa kaming nagpakilala bago ang mga seniors, at panghuli naman si Coach Joy at ang isa pang coach na si Sir Ray. Pagkatapos magpakilala ay nagsimula sila sa orientation, at pagkatapos ay ipinasyal na kami sa training facilities at sa buong gym.
Open ang gym sa lahat ng sports at mas madalas daw dito mag-train kaysa sa training facility dahil mas malapit ito sa main building. Bukod doon ay ipinasyal din kami sa oval, kung saan namin naabutang nag-jojogging ang ilang athletes.
Natanaw ko ang mga basketball players na nasa lobby kanina. Kumaway ang mga iyon kay Vira.
"If the women athletes did that to me, I'm pretty sure she'll be murmuring that I'm flirting. Pero kapag siya, okay lang," bulong ni Guile sa gilid ko na nagpalingon sa akin.
Nginitian ko siya. Friendly sila pareho ni Vira sa ibang athletes, iyon ang napansin ko. At siguro mahirap din maging palakaibigan kasi nahuhusgahan din iyong flirting?
Narinig siya ng ilang newbies kaya natawa ang mga ito. Mabuti nalang at hindi siya narinig ni Vira.
Hindi na kami gaanong nagtagal doon. Sabay-sabay kaming bumalik sa headquarters para doon naman i-tour ang mga kapwa newbie. At para doon na rin tapusin ang meeting.
Nagulat pa ako nang nadatnan namin doon si Clyde. Hindi ko napansin na hindi pala namin siya kasama nang pumunta kami sa oval. At doon ko lang din napansin na wala rin si Riri.
"Where's Riri?" tanong ni Vira kay Clyde na mukhang napansin din na wala ito.
Nagkibit-balikat si Clyde. "I don't know. She left before you went to the oval."
"That girl always sneaks out."
"Maybe she's with Rivers again." Si Jaymar naman iyon, isa sa mga second year members.
Hindi ko intensyon ang makinig pero dahil magkakatabi kami ay rinig ko ang lahat kaya hindi ko napigilang magulat.
Rivers at..Riri? Siya ba iyong babae sa office?
Pilit kong inalala ang itsura noong babae kahit hindi ko nakita ang mukha, at halos kilabutan ako nang ma-realize na baka si Riri nga iyon.
Tinignan ako ni Vira at Jaymar nang ma-realize na naririnig ko ang lahat.
"I forgot to tell you, you should avoid the captain of the basketball team. Rivers Altamirano may look like a dashing character straight out from a movie but I'm telling you..he's just gonna f*ck you and break your heart."
Hindi ako nakasagot.
Alam kong ganoon siya, nakita iyon ng dalawang mata ko, pero..hindi ko inasahan na alam iyon ng ibang tao. Hindi ko inasahan na ganoon ang reputasyon niya sa paaralang ito. Hindi ko inasahan na..ganoon talaga siya.
Buong akala ko ay may iba lang siyang karelasyon, pero posible palang hindi lang iyon iisa? Base sa mga sinabi nila Vira at Jaymar, babaero siya kaya siguradong hindi lang iisa ang babae niya, hindi ba?
"I heard his family is trying to put him in an arranged marriage. And I heard that the girl is a freshman here."
Napalunok ako at naisip agad si Casidy. Kilala si Rivers na..ganoon, kaya anong iisipin ng ibang estudyante kapag nalaman na siya iyong babae? Ayokong magmukha siyang kawawa pero anong gagawin ko?
**