Ang masaya sanang katapusan ng party ay napalitan ng gulo at iyakan.
Nang nakabalik ako ay nadatnan kong umiiyak na rin si Mrs. Palma habang niyayakap si Casi. Nakatayo ang mga tao, nagbubulungan. Nakita kong nakaupo si Mrs. Glacier at pinapakalma ng kaniyang pamilya.
Bigo akong lumapit kay Casidy. Natuyo na ang mga luha sa aking pisngi dahil sa tagal kong natulala sa labas pagkatapos umalis ni Rivers. Nang nakita ako ni Shaun ay niyakap niya ako na parang alam niyang nasasaktan din ako.
Kinailangang tapusin na ang event kaya naman unti-unting pinauwi ng organizers ang mga bisita. Iilang pamilya nalang ang naiwan roon para i-comfort ang mga Palma.
Hindi rin nagtagal ay nakita kong nagpaalam si Sir Duke sa mga magulang ni Casi. Siguro ay gulat na gulat din sila sa ginawa ni Rivers, halata naman iyon dahil halos atakihin ang mommy niya.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw pagkatapos nito. Matinding kahihiyan ang nangyari para sa mga Palma, lalong-lalo na kay Casi. Hindi ko akalaing mangyayari ang ganito sa kaniya. Hindi niya ito deserve. Nagmahal lang siya at ito ang naging kapalit noon?
Hindi ko alam kung paano tutulong na patahanin siya, gayunpaman ay lumapit ako para tumulong na itayo siya dahil napaupo nalang siya sa sahig sa kaiiyak.
Nang nakita niya ako ay agad niya akong hinila at niyakap.
"A, tell me this is not real.." iyak niya sa akin.
Umiling ako, hindi makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin, at dahil nagbabara ang lalamunan ko.
"Why? Anong hindi niya gusto sa akin? Bakit ayaw niya sa akin? Anong mali sa akin?"
"Casi, walang mali sayo.."
Lumapit si Shaun sa amin at tinabunan ang kaniyang balikat gamit ang coat na suot kanina.
"Does he hate me that much? For him to do this to me? Bakit? Anong ginawa ko? Gustong-gusto ko lang naman siya, pero bakit.."
"Hush now, Casidy, why don't we go back to your room?" rinig kong sinabi ni Shaun habang hinahaplos ang kaniyang likod.
Tumango ako at dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap niya.
Sumulyap ako sa parents niya at tumango para iparating na kami na ang bahala ni Shaun sa anak nila.
Mabuti nalang at nakinig si Casi sa amin. Iyon nga lang, siguro dahil sa stress na naidulot ng pangyayari ay halos wala na siyang lakas pang maglakad kaya naman binuhat nalang siya ni Shaun.
Nagpaalam ako sa mga magulang nila at agad na sumunod sa dalawa sa elevator.
Umiiyak pa rin si Casi habang nakayakap kay Shaun. Patuloy naman ang bulong ni Shaun sa kaniya upang pakalmahin siya.
Nang nakarating kami sa penthouse ay dinala siya agad ni Shaun sa kaniyang kama, habang kumuha naman ako ng damit sa closet.
"It's okay.. If he doesn't want you, then Amethyst and I are here for you.." rinig kong pag-aalu ni Shaun sa kaniya.
Bahagya na siyang kumalma pero hindi pa rin matigil sa paghikbi kaya naman lumabas ako saglit para kumuha ng tubig sa kusina.
Pagbalik ko ay nakapikit na siya at nakayakap kay Shaun na nasa tabi niya. Tinignan ako ni Shaun at sinenyasan na huwag nang mag-ingay, kaya naman tumayo nalang ako roon hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.
Unti-unting kumalas si Shaun ilang minuto ang lumipas. Lumabas siya at hinayaan akong bihisan si Casidy. Nang natapos ay lumabas din ako at inabutan ang parents niya at parents ni Shaun sa sala.
"How is she? Is she asleep?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Palma.
Tumango naman ako. "Opo, binihisan ko po siya."
Nakahinga ito nang maluwag. "Thank you, Shaun and Amethyst." Pagkatapos ay frustrated itong napaupo na sa sofa. "I don't know what to do. My daughter doesn't deserve this humiliation."
"Have you talked to them before announcing? Did you agree to it?" tanong ni Vice Mayor Winona.
"Everything was planned ahead of time. Glacier and Duke agreed to it and Rivers didn't show any disagreement. How can he do that to my precious daughter?"
"The Altamiranos looked shocked as well.."
Huminga ako nang malalim at lumayo na roon dahil ayaw ko namang makinig sa pag-uusap ng mga nakatatanda. Sinundan ako ni Shaun nang pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig.
"You should rest too, it's been a long night."
Tumango ako. "Salamat, Shaun. Uuwi na rin ba kayo?"
Umiling ito. "I decided to book a room here. I'm sure it will be hard to deal with her tomorrow when she wakes up."
Napabuntong-hininga ako dahil alam kong tama siya, at hindi nga kami nagkamali dahil kinabukasan ay nagising nalang ako mula sa ingay ng mga nababasag na bagay.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakalabas at nakarating sa kusina ay nakita kong nagwawala si Casi at hindi maawat ng mommy't daddy niya.
Pinagtatapon niya ang lahat ng mga baso at babasaging gamit sa kusina at nagkalat ang mga bubog sa sahig.
"Casi, anak, please stop it. Masasaktan ka—"
Napatili kami nang muli siyang magbasag ng gamit. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sa takot na masaktan niya ang kaniyang sarili ay agad kong tinawagan si Shaun para humingi ng tulong. Agaran din naman ang pagdating niya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at agad naman siyang dumiretso sa kusina.
"Casidy, what are you doing?"
Frustrated na tumingin sa kaniya si Casi. Hindi ko na mailarawan ang itsura niya—namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak, magulo ang buhok at humihikbi.
"Hijo, mag-ingat ka," paalala ni Mrs. Palma nang dahan-dahang lumapit si Shaun.
"Stop this. You'll get hurt.."
Umiling si Casi. Umamo ang mukha niya nang tuluyang nakalapit si Shaun sa kaniya. "Anong mukhang ihaharap ko sa school bukas, Shaun? Pagtatawanan ako ng mga tao.."
Kinagat ko nang mariin ang labi ko para pigilan ang sariling maiyak.
"I won't let that happen, alright?"
Unti-unti siyang niyakap ni Shaun at hinila palayo roon. Maingat din kaming umatras ng parents niya sa takot na magwawala nanaman siya.
Nakahinga ako nang maluwag na naiupo niya ito sa sofa. Agad silang dinaluhan nila Mrs. Palma. Gustuhin ko mang tumulong na pakalmahin siya ay hindi na ako lumapit dahil hindi kaya ng konsensya ko ang nangyayari.
Alam kong hindi ko naman kasalanan na ayaw sa kaniya ni Rivers, pero na-guiguilty pa rin ako dahil alam kong ako ang gusto ng taong iniiyakan niya. Na-guiguilty ako kasi alam kong may posibilidad na mangyayari ito pero wala akong ginawa at hinayaan ko siyang mapahiya. Hindi ko lang talaga inasahan na sa ganitong paraan ito tatapusin ni Rivers. Hindi ko inasahang ganito siya kalupit.
Sa halip na lumapit sa kanila ay minabuti kong linisin nalang ang mga kalat. Kumuha ako ng walis at dust pan para linisin ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Paniguradong magbabayad ng malaking halaga sila Mrs. Palma dahil halos binasag ni Casidy ang mga babasaging bagay sa kusina ng penthouse.
Nang natapos ako ay tuluyan na ring kumalma si Casi. Napilit siyang kumain ni Shaun kaya sumabay na rin ako sa kanila. Maingat kami lahat sa pakikipag-usap sa kaniya at buong maghapon ay ayaw niyang magpaiwan kay Shaun kaya hinayaan ko nalang din muna sila.
Kinagabihan ay nakauwi kami sa bahay. Napagdesisyunan din ng parents ni Casi na huwag muna siyang papasukin sa school sa Lunes at na-realize kong tama ang desisyong iyon dahil mabilis ngang kumalat ang balita sa university.
"I can't believe that Rivers did that.." Si Vira pagkatapos kong marinig mula sa kaniya na kalat na nga ang nangyari sa buong school.
Alam kong hindi naman talaga imposibleng malaman iyon ng iba dahil may schoolmates kaming imbitado, pero nakaka-disappoint lang na ganoon na nga ang nangyari at nagawa pa nilang ipagkalat. To think na itinuturing na kaibigan ni Casidy ang mga schoolmates na inimbitahan niya.
"Rivers is kind of rude, so it's not really surprising. He humiliated a lot of girls before, right? Iyong mga pilit na naghahabol sa kaniya dahil lang naka-fling niya. Ayaw niya sa ganoon at alam iyon ng lahat," sabi naman ni Guile.
Huminga ako nang malalim. Ayaw niya pala sa mga ipinipilit ang sarili sa kaniya.. Kaya ba siya nagkagusto sa akin? Kasi ayaw ko sa kaniya? Kumalat ang pait sa aking dibdib, iniisip na na-chachallenge lang siguro siya na mayroong babaeng may ayaw sa kaniya.
Mabuti nalang at hindi ko siya nakita sa araw na iyon. Hindi ko alam kung pumasok siya o lumiban din sa klase. Hindi ko na rin nabalitaan kung anong nangyari sa mga Altamirano sa party, ang alam ko lang ay umalis din sila agad. Hindi ko alam kung magkakalamat din ba ang pagkakaibigan ng pamilya nila sa mga Palma dahil sa ginawa ni Rivers.
Kinabukasan ay ayaw pa rin sanang pumasok ni Casidy. Natatakot siya na pagtawanan ng mga kaklase at kung ako ang tatanungin ay ayaw ko din sana muna siyang pumasok dahil ayaw ko ring pagtawanan siya ng mga tao. Pero nangako si Shaun na sasamahan siya. Hindi ko alam kung paano niya iyon gagawin pero na-appreciate ko ang pag-aasikaso ni Shaun sa kaniya simula noong party.
"Tawagan mo ako kung may mag-bring up ng tungkol sa party," sabi niya habang nasa cafeteria kami dahil sabay silang pumasok ni Casidy at sinamahan akong mag-lunch.
Huminga nang malalim si Casidy at tinignan kami. "I'm sorry for the trouble.."
Umiling ako agad. "Casi, kaibigan mo kami kaya nandito lang kami para sayo."
Ngumiti ito. Nakakagaan ng loob dahil kahit paano ay nakikita kong nakaka-recover na siya sa nangyari.
"Just remember to ignore them. Huwag mo na silang patulan. Ayokong maulit ang nangyari noong napaaway ka kay Riri."
Umirap naman ito. "Ofcourse! Ayoko din na mapahamak ulit si Amethyst dahil sa akin 'no!"
Natawa naman si Shaun dahil sa pag-irap nito.
Hindi na rin sila nagtagal sa cafeteria dahil may klase pa sila. Pagkatapos kong kumain ay umalis na rin naman ako roon dahil naririnig ko ang bulungan ng mga tao tungkol kay Casidy at ayaw ko rin silang patulan.
Ilang araw din bago humupa ang issue na iyon. Unti-unti rin namang nakapag-adjust si Casidy. Tumigil na rin siya sa pakikipag-usap sa mga kaklaseng inimbitahan niya sa party na pinaghihinalaan niyang nagpakalat sa nangyari.
Naawa ako sa kaniya dahil alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya. Pinagtitinginan siya kahit saang parte ng school siya magpunta. Kitang-kita niya ang mga nagbubulungan at nagtatawanan pero wala siyang magawa kundi ang yumuko at pilit na ignorahin sila.
"Ayos ka lang?" tanong ko nang umupo siya sa harapan ko sa cafeteria.
Biyernes na at nitong mga nakalipas na araw ay palagi nila akong sinasamahan ni Shaun na mag-lunch, pero ngayon ay mag-isa niya kong pinuntahan dahil dumiretso na sa klase si Shaun para sa isang quiz.
Umirap siya na parang wala lang ang lahat sa kaniya. "I'm fine."
Tumango ako at sinulyapan ang grupo ng mga babaeng nakatingin sa likuran niya. Agad silang nag-iwas ng tingin.
"It's your birthday tomorrow. Sigurado kang dinner lang ang gusto mo? Nagpa-reserve na sa isang restaurant sila Mommy pero pwedeng i-cancel kung magbago ang isip mo."
Huminga ako nang malalim at umiling. Ilang araw niya na rin akong pinipilit na magkaroon ng maliit na celebration pero pilit din akong tumatanggi.
Una sa lahat, ayaw kong maging magastos. At pangalawa, wala naman ako masyadong kaibigan na iimbitahan.
Napabuntong-hininga rin siya, na-realize siguro na hindi na ako mapipilit. "Alright then, I'll invite Shaun to join us."
Ngumiti naman ako at tumango.
Nang natapos akong kumain ay sabay na rin kaming umalis sa cafeteria. Inihatid ko siya sa klase niya at pagkatapos ay dumiretso na ako sa headquarters para doon nalang magpalipas ng oras.
Kinabukasan ay naging normal naman ang lahat. Katulad ng gusto kong mangyari, simple lang ang celebration ng birthday ko. Nagsimba kami noong hapon at pagkatapos ay dumiretso na sa restaurant para sa dinner.
Naroon na si Shaun nang dumating kami at nagulat ako sa dala niyang bulaklak at regalo.
"Happy birthday, A.." bati niya bago ibinigay sa akin ang mga bulaklak.
Ngumiti ako. "Thank you, Shaun, hindi kana dapat nag-abala.."
"It's your eighteenth birthday, Amethyst, how can I not get you something?"
Tumawa naman ako. "Thank you ulit."
Pumasok kami sa isang private dining area at nagulat ako dahil pagpasok ay bigla nalang may sumabog na confetti at pagkatapos ay nakita ko si Casidy na may dalang cake.
Hindi makapaniwala ko silang tinignan, lalo nang nakita ang ilang crew ng restaurant na nasa loob at kumakanta ng happy birthday para sa akin.
Nakangiting lumapit sa akin si Casi dala ang cake. "Happy birthday, A!"
Napangiti rin ako. Hindi ko talaga inaasahan 'to. But knowing Casidy, hindi talaga siya papayag na maging simple lang ang araw na ito.
Nagpalakpakan silang lahat nang hinipan ko na ang kandila. Niyakap naman ako ni Casi.
"Thank you, Casi.." bulong ko.
Inirapan niya ako. "This would have been more fun it it's a party.."
Tumawa lang naman ako.
Nagpasalamat ako sa crew bago sila tuluyang umalis sa private room. Pagkatapos ay naupo na rin kami at sinimulang i-serve ang appetizer.
"Happy birthday, Amethyst," bati sa akin nila Mr. at Mrs. Palma bago iabot ang isang regalo.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang Macbook iyon. Hindi makapaniwala ko silang tinignan.
"We know you will be needing that so we decided to buy it. I hope you like it, hija."
"Thank you so much po.."
Ang mahal nito kaya lalong hindi ako makapaniwala, pero sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil alam kong kakailanganin ko nga nito sa course ko.
Sunod na nagbigay ng regalo si Casidy at nang nakita ko ang parehong paperbag katulad ng binigay ng mommy niya ay halos ayaw ko nang tanggapin iyon.
"It's a new phone! Outdated na ang cellphone mo kaya ito ang naisipan ko."
"Okay naman sa akin kahit wala kang regalo, Casi.."
Tumawa siya. "Well, sa akin hindi."
Huminga ako nang malalim. "Thank you so much.." Pagkatapos ay sumulyap ako kay Shaun, nagbabaka-sakaling hindi ganito kamahal ang ibinigay niya.
Ngumiti siya sa akin. "Buksan mo.."
Nakita kong nakaabang din si Casidy kaya kinuha ko ang regalo at binuksan na nga iyon. Nakita ko ang pamilyar na brand ng mamahaling bag at agad akong bumaling kay Shaun.
"I know you don't like expensive things, but you deserve one every once in a while."
Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay sobra-sobra ang mga natanggap ko. Pero alam kong gusto lang nila akong mapasaya ngayong kaarawan ko kaya naintindihan ko naman ang mga bagay na ito. At isa pa, mayaman sila kaya normal lang sa kanila ang magbigay ng mamahaling bagay. Hindi ko lang alam kung kailan ba ako masasanay sa ganito.
Pagkatapos ng appetizer ay dumating na rin ang main course at nag-umpisa na kaming kumain.
Kinamusta nila Mrs. Palma ang pag-aaral at ang training ko sa araw-araw, pero sa buong oras na naroon kami ay nag-uusap lang din kami nila Casidy at Shaun tungkol sa kung anu-anong bagay.
Ni hindi ko namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Natapos ang araw na iyon na masaya ang aking puso, lalo nang nakauwi ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Nanay Rosario.
"Happy birthday, anak.." bati nito.
Nakangiti akong naupo sa kama. "Thank you po. Kamusta po kayo diyan?"
"Maayos lang kami dito, Amethyst. Dumalaw si Vice Mayor noong isang araw at nakwento ka niya sa akin. Hiyang na hiyang ka raw sa Maynila."
Bahagya akong tumawa. "Hindi naman po."
"Nag-celebrate kayo ng mga Palma?"
"Opo. Nagsimba kami at kumain sa labas."
"Huwag mong kalilimutang magpasalamat sa kanila, ha?"
Tumango ako. "Oo naman po."
"Masaya ako at nakapag-celebrate ka kahit paano, hija, at nararanasan mo ang masasayang bagay diyan. Sige na, magpahinga kana. Tumawag lang ako para batiin ka at kamustahin ang araw mo."
"Opo, salamat po ulit, Nanay."
Huminga ako nang malalim pagkatapos ng tawag. Masaya ako, walang duda iyon, pero bakit pakiramdam ko ay may kulang?
Humiga ako sa kama at matagal na tinitigan ang cellphone ko. Sa pinakatagong parte ng puso ko, alam kong may hinihintay ako, pero pilit iyong nilalabanan ng ibang parte ng isip ko. Hanggang sa mapagod nalang ang mga mata ko sa gabing iyon nang walang natatanggap na mensahe mula sa taong hinihintay ko.
Mapait akong napangiti bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
Hindi pwede, Amethyst. At hindi ba, ayaw mo sa kaniya?
Nang nag-Lunes ay nasundan pa ang celebration ng birthday ko dahil sinurpresa rin ako ng Taekwondo team. Nagkaroon kami ng maliit na salu-salo sa headquarters noong lunch dahil naghanda sila para sa akin. At noong hapon naman ay sinurpresa rin ako ni Ate Janeth at Mrs. Tiffany nang bigyan nila ako ng cake habang nasa trabaho.
Masayang-masaya ang puso ko sa araw na iyon dahil kailan man ay hindi pa ako nagkaroon ng iba pang mga kaibigan na katulad nila Casidy at Shaun na palaging nakaka-alalang mag-celebrate ng birthday ko. Kaya naman maganda ang disposisyon ko sa araw na iyon.
Nawala lang yata ang pagkakangiti ko nang lingunin ko ang pintuan ng coffeeshop at nakitang pumasok ang basketball team, kasama si Rivers.
"Uy, Amethyst, narinig namin na birthday mo noong Sabado."
Ngumiti ako sa kanila.
"Happy birthday!"
"Salamat! Anong order niyo?"
Isa-isa kong pinakinggan ang order nila, medyo kinakabahan dahil ngayon ko lang ulit nakita si Rivers pagkatapos ng nangyari sa debut ni Casidy. Akala ko ay magpapahuli siya sa pagsabi ng order katulad noon, pero narinig kong sinabi niya ang order sa kasama at pagkatapos ay nauna nang nagtungo sa malayong lamesa.
Huminga ako nang malalim at natauhan. Oo nga pala, sinabihan ko siyang tumigil na. At sinabihan niya rin akong huwag na ulit lumapit. Kaya bakit ako nag-eexpect na magkakausap kami sa simpleng dahilan lang? Hindi ko alam kung bakit may pait sa aking dibdib.
Tumalikod ako para gawin ang orders nila at tinulungan naman ako ni Ate Janeth. Mabuti nalang at hindi siya nagtanong tungkol kay Rivers dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Pagkatapos kong gawin ang order nila ay ibinigay ko na iyon sa kanila. Hindi ko napigilang sumulyap sa lamesa pagkatapos. Abala si Rivers sa kaniyang cellphone at ni hindi man lang sumulyap sa kinaroroonan ko.
Tinanggap ko nalang na ganoon na nga siguro. Mas makakabuti rin kung hindi na nga kami magpapansinan, nang sa gayon ay mawala ang guilt na nararamdaman ko kasabay ng kung ano pang emosyon na narito sa dibdib ko.
Nag-iwas ako ng tingin mula sa kanila at inabala ko nalang ang sarili sa trabaho.
Ilang minuto lang din ang lumipas ay dumating naman ang ilang miyembro ng cheering squad at agad kong namukhaan iyong Kristel.
Nagpalinga-linga sila sa coffeeshop na parang may hinahanap at nang nakita ang basketball team ay agad silang kumaway sa mga iyon.
Pinigilan ko ang sariling sumulyap kay Rivers kahit na gusto kong makita ang interaksyon nila ni Kristel. Sinabi niya noon na pinatigil niya na ito sa paglapit sa kaniya. O baka okay na ulit?
Huminga ako nang malalim at winala ang mga iyon sa isip ko. Ano ngayon kung okay na sila ulit?
Lumapit sila sa counter at um-order. Hindi ko naman napigilang titigan ang babae dahil sa kuryosidad. Na-realize ko na katulad ni Riri, maganda si Kristel at mukhang mayaman. Hindi ko rin naiwasang mapansin na malaki ang kaniyang dibdib at maganda ang hubog ng katawan. Kinagat ko ang labi ko nang naisip na ganito ang mga tipo niya sa mga babae at hindi naman ako katulad nila. Kinagat ko nang mariin ang labi ko para matauhan.
Ibinigay nila ang order nila at ginawa ko naman iyon agad. Nang mai-serve ko ang mga inumin ay agad sila sumali sa table ng basketball team.
At kahit anong pilit kong huwag na silang sundan ng tingin ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Kaya ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang nakitang hinayaan ni Rivers na umupo sa tabi niya si Kristel.
Parang may malamig na tubig ang natapon sa aking dibdib.
Babaero talaga siya. Akala ko ba tumigil na sila dahil ako ang gusto niya? Sinungaling.
**