Chapter 15

2728 Words
Nang sumapit ang araw ng Sabado ay halos pilitin ko nalang ang sariling bumangon. Alas-sais magsisimula ang program pero umaga palang ay nasa hotel na kami kung saan gaganapin ang debut. Abala ang lahat sa penthouse mula umaga hanggang hapon kaya nagkulong lang din ako sa kwarto ko. Alas-tres ako inayusan at tinulungan magbihis ng mga makeup artists. Kinulot nila ang buhok ko at nilagyan ng tamang makeup na bumagay sa morena kong balat at maging sa kulay baby pink na dress na suot ko dahil iyon ang theme ng debut. Nakaayos na kami lahat nang nag-alas singko kaya naman pinauna na kaming pababain sa event hall ng hotel kung saan gaganapin ang program. Nang makababa kami ay halos kumpleto na rin ang mga bisita ni Casidy—halos mga business partners ng mga magulang niya kasama ang mga anak nila, mga kaibigan ni Casi noong highschool at iilang classmates ngayong college ang naroon. Iginiya kami sa respected table ng kaniyang pamilya. Pero ako nalang ang dumiretso roon dahil lumapit na agad ang parents niya sa mga bisita. Umupo ako sa round table at pinagmasdan ang buong lugar. Nakakamangha ang mga disensyo at halatang malaki ang gastos. Naglalakihan ang mga chandeliers sa itaas at puno ng mga pink at white roses ang bawat lamesa. Bukod doon ay naghuhumiyaw sa karangyaan ang bawat bisita. Kahit nakaayos tuloy ako, pakiramdam ko ay out of place ako. Huminga ako nang malalim at nagtingin-tingin pa sa mga bisita. Wala akong kilala kaya pilit kong tinitignan kung dumating na rin ba si Shaun at ang parents niya. Iyon nga lang ay iba naman ang nakita ko. Halos kumikinang ang mga Altamirano nang magkakasamang pumasok sa venue. Nilingon sila agad ng mga tao, lalo nang lapitan na sila nila Mr. at Mrs. Palma. Ang ganda ni Mrs. Glacier ay paniguradong namana ng babaeng anak na si Heather. Pareho silang kumikinang ang balat at halos nakakasilaw. At ang mga lalaki, katulad ng inaasahan ko, ay agaw pansin dahil sa katangkaran at kagwapuhan, lalo na ang panganay na lalaki. Alam kong gwapo si Rivers noon pa man pero siguro dahil espesyal ang araw na ito kaya pakiramdam ko ay triple pa ang lakas ng dating niya. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at katulad noong exhibit ay parang hindi nanaman siya ang Rivers na nakikita ko sa school. Parang hindi siya ang pilyong Rivers na kilala ko, parang may kung ano sa kaniya ang mas madilim, o siguro ay ganoon naman talaga siya. Naalala ko na tuwing nakikita ko siyang kasama ang basketball team ay palagi siyang seryoso at nakakatakot, malayo sa pilyo at mapaglarong Rivers tuwing nakakaharap ko. Huminga ako nang malalim at nag-iwas nalang ng tingin. Ayaw kong magtama nanaman ang mga mata namin kaya bumaling ako sa ibang bagay. "You look so bored here." Napalingon ako at halos napatayo sa gulat nang sa wakas ay nakita si Shaun. "Shaun! Kanina pa kita hinihintay!" Tumawa siya at tinignan ang ayos ko. "You look stunning." Ngumiti ako. "Thank you! Ikaw din, ang gwapo mo ngayon." Bagay din sa kaniya ang tuxedo at maging ang pagkakaayos ng kaniyang buhok. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung nakakalakas ba talaga ng appeal ang ganitong ayos sa mga lalaki? O ito na ang personal kong pananaw sa kanila? Ganito ang tipo ko sa mga lalaki? Pormal at matipuno? Napailing ako sa mga naiisip. "Let's go to our table, Mom's looking for you." Oo nga pala, ngayon lang kami ulit magkikita ni Vice Mayor Winona. Bumyahe pa siya mula Oriental Mindoro para maka-attend sa debut ni Casidy. Tumango ako at agad na tumayo. In-offer niya naman ang braso niya para alalayan akong maglakad. Tumawa ako at tinanggap iyon dahil medyo hirap nga akong maglakad dahil sa suot na heels. Lumapit kami sa table nila. Tumayo agad si Vice Mayor nang nakita ako. "Amethyst!" Bumeso siya at gulat na tinignan ako. "Hija, ang ganda mo, mukhang hiyang ka rito sa Manila." Ngumiti naman ako. "Salamat po. Kamusta po kayo?" "Ayos lang, hija. Palagi pa rin akong dumadalaw sa Sunrise at nitong nakaraan ay may mga bagong sponsors akong kasama." "Talaga po?" Tumango ito. "Kapag may oras ka, pumasyal kayo ni Shaun doon, na-mimiss kana ng mga bata." "Opo, susubukan kong makapasyal agad. Na-mimiss ko na rin po sila." Nanatili ako sa table nila dahil maraming kwento si Vice Mayor tungkol sa bahay-ampunan. Interesado naman akong nakinig sa kaniya at nagpasalamat sa mga tulong na ibinibigay niya. Kinamusta niya rin ang pag-aaral ko at kung hindi lang nag-dim ang mga ilaw ay baka mas marami pa kaming pinag-usapan. Ang pag-dim ng mga ilaw ay hudyat na magsisimula na ang program kaya napilitan na rin akong magpaalam sa kanila para makabalik na sa table kung nasaan sila Mr. at Mrs. Palma. Sumama si Shaun sa akin at nanatili rin sa table namin para bumati sa parents ni Casidy. Bumati ang emcee at may iilang mga sinabi pero hindi na rin ako nakapag-focus doon dahil excited akong makita si Casi. Kaya rin hindi na nagtagal pa ay tinawag na siya sa harapan at sinalubong ng magarbong palakpakan kasabay ng pagtugtog ng mga violins. Mula sa magarbo at mahabang hagdanan sa harapan ay tiningala namin siyang dahan-dahang bumababa suot ang unang gown na kumikinang sa ilalim ng liwanag ng mga chandeliers at mga ilaw sa hagdanan. Napangiti ako habang tinatanaw siyang bumababa roon. Para siyang isang prinsesa, sobrang ganda, walang kapintasan. Perpekto ang buhay ni Casidy—mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang, pinalilibutan ng magaganda at mamahaling mga bagay, masayahin at abot-kamay ang kaniyang mga pangarap. Tunay na prinsesa ang takbo ng kaniyang buhay. Malawak ang ngiti niya at alam kong totoong masaya siya, lalo nang sinalubong siya ni Rivers sa mga huling baitang ng hagdanan. Nagpalakpakan ang mga bisita nang magkasama silang nakababa at tuluyan nang humarap sa amin. Naging hilaw ang mga ngiti ko nang tumitig kay Rivers, dahil kahit sa kalagitnaan ng maraming tao, ng maliliwanag na ilaw, at ng magandang babaeng nasa tabi niya, ay nagkasalubong pa rin ang aming mga mata. May kung anong kumukurot sa aking dibdib. Masaya ako para kay Casi pero sobrang sakit ng dibdib ko habang pinapanood silang magkatabi. Ipinakilala rin si Rivers bilang escort ko niya at parang lalo lang akong hindi naging kumportable habang naririnig ang mga bulungan. Bagay na bagay sila, oo, alam ko iyon. Kaya nga hindi ko magawang harapin ang mga emosyong nararamdaman ko. Kaya nga hindi ko magawang tanggapin ang mga sinabi niya sa akin. Dahil sino ba ako sa mundong ginagalawan nila? Nandito ako dahil kay Casidy, utang na loob ko ang lahat sa kaniyang pamilya, kaya ang kapal naman ng mukha ko para makaramdam nang ganito para sa lalaking gusto niya. Halos hindi ko na nasundan ang mga kaganapan dahil sa nararamdaman. Hindi ko namalayang tapos na silang ipakilala at nagsisimula na ang eighteen roses. Natauhan ako at nakitang isinasayaw na siya ni Mr. Carleson, ang daddy niya, ang kaniyang first dance. Sinundan iyon ng mga pinsan at ilang malalapit na kaibigan, hanggang sa seventeenth rose na at tumayo na si Shaun. Masaya ko silang pinanood habang sumasayaw. Kita kong nag-uusap sila. Kumuha rin ako ng ilang litrato para ipakita sa kanila mamaya. Abala ako sa pagtitingin sa mga nakuhang pictures nang tinawag na ang eighteenth rose at narinig ko muli ang reaksyon ng mga tao. Ayaw ko na sanang mag-angat ng tingin, kaya lang ay parang magnet si Rivers at hindi ko mapigilang tignan. Kahit pilit kong sabihin na ayaw ko sa kaniya, patuloy pa rin niyang hinuhuli ang aking mga mata. Kita ko agad ang pagkakangiti ni Casi habang nakatitig sa kaniya, nakalagay ang mga kamay niya sa balikat ni Rivers, at si Rivers naman ay nakahawak sa kaniyang baywang. "They look good together, right?" si Mrs. Palma. Awkward akong ngumiti at tumango. "I can't wait for the announcement." Rinig kong sinabi niya sa kaniyang asawa. Napalunok ako at napabaling nalang sa mga disenyo sa lamesa. Nanlamig ako bigla nang naalala ang mga sinabi ni Rivers. Huli na ito at hindi ko alam kung anong gagawin niya kapag in-announce ngayon dito ang engagement nila. Hindi niya naman ipapahiya si Casidy, hindi ba? Hindi naman siguro siya tatanggi sa harap ng maraming tao. Umiling ako at pilit inisip na hindi niya iyon gagawin. Nandito rin ang pamilya niya at alam kong mapapahiya rin sila kung gagawin niya iyon. Maaring masira ang pagkakaibigan ng dalawang pamilya kaya alam kong hindi niya iyon gagawin. Nakabalik si Shaun sa table namin at natapos din ang eighteen roses. Hindi na ako ulit bumaling sa harapan dahil hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili ko. Mabuti nalang at pagkatapos noon ay dinner na. Gumaan ang pakiramdam ko habang nakikipagkwentuhan kay Shaun sa gitna ng hapunan. Paminsan-minsan din ay nagkakausap sila nila Mr. at Mrs. Palma. Nag-play ang isang audio-video presentation para kay Casi habang kumakain kami at pagkatapos noon ay ang eighteen candles naman, kung saan magbibigay ng message ang mga malalapit na tao kay Casi. Mga pinsan, classmates at schoolmates noong highschool at college ang parte ng eighteen candles. Ako ang huling tinawag para magbigay ng message sa kaniya. Huminga ako nang malalim nang nasa harapan niya na. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. "Happy birthday, Casidy.." panimula ko. Sa totoo lang, hindi sapat ang oras na mayroon ako sa program na ito para sa mensahe ko kay Casi. Marami akong gustong ipagpasalamat sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Mula pagkabata, siya na ang itinuturing kong pinakamatalik na kaibigan, at hanggang ngayon ay siya pa rin. Hindi ko inakalang magtatagal ang pagkakaibigan namin dahil hindi naman kami pareho ng estado sa buhay. Isa siya sa mga nagpatunay na hindi lahat ng mayaman, katulad ng nababasa sa libro at napapanood sa TV, ay ayaw sa mahihirap. Isa siya sa nagpatunay sa akin na ang totoong pagkakaibigan ay hindi tumitingin sa antas ng buhay, kundi sa pagiging totoo ninyo sa isa't-isa. Kaya ngayong nakikita ko siyang masaya ay parang nahihimasmasan ako. Walang mali sa naging desisyon ko kay Rivers. Tama ang ginawa ko, kung ang kapalit nito ay ang pagkakaibigan namin. Nagpatuloy ang program ayon sa plano. Kitang-kita kong masaya si Casi at ang parents niya. Masaya rin ako para sa kaniya, kaya naman nang patapos na ang party at umakyat na sa stage sila Mr. at Mrs. Palma ay kinabahan na ako. Agad hinanap ng paningin ko si Rivers at parang lalo lang akong nanlamig nang mula sa lamesa nila ng kaniyang pamilya ay natanaw ko siyang nakatingin din sa akin. Napalunok ako. Gusto kong umiling, gusto ko siyang pigilan. Alam kong sinabihan niya na akong huwag makialam pero pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin kung masira ang party na ito. Hindi ko kakayanin kung mapahiya si Casi sa gitna ng sarili niyang mga bisita. "First of all, I would like to thank everyone for being here today. Celebrating this very special occasion with you made it more special. You made my daughter happy, and it made us, her parents, very happy too." Napatingin ako sa harapan, nanlalamig na ang mga kamay at hindi mapakali. "And to make this day even more special, we would like to give a very important announcement as well. May we call on the Altamirano family here infront to join us?" Doon palang ay nagpapalakpakan na ang mga bisita. Bumaling ako sa table nila Rivers at nakita silang tumatayo na para umakyat sa stage. Nakangiti si Mrs. Glacier habang seryoso naman ang kaniyang mga anak. Pilit kong hinahanap ang mga mata ni Rivers pero hindi na siya ulit tumingin sa akin na parang alam niya na ang gusto kong sabihin. Kinuha ko ang cellphone ko at sa nanginginig na mga kamay ay in-unblock ko siya sa social media para makapag-message lang. To: Rivers Altamirano Rivers, please, alam kong napag-usapan na natin 'to pero please, wag ngayon. Ayaw kong masira ang debut niya, please Agad ko siyang tinignan, umaasang titignan niya ang cellphone niya. Nasa harapan na sila at hindi ko na mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko. Kinagat ko nang mariin ang labi ko, pilit hinahagilap ang mga mata ni Rivers. "We all know that my daughter is now on her legal age. I know she's still young but like what she wishes to, we can't let this moment pass without announcing her future plans. Here with me are the Altamiranos, to finally announce the engagement of their son, Rivers, to my precious daughter." Halos mabingi ako sa palakpakan ng mga tao pagkatapos sabihin ni Mrs. Palma iyon. Sa gitna ng masasayang mga bisita ay ako lang yata ang nadudurog ang puso. "This has been planned years ago and we had to wait for my daughter to finally be on the right age. During those years, I saw how she bloomed because of the love she has for Rivers, and I thank Rivers for reciprocating that. You two look so good with each other and I hope you'll both continuously inspire each other." Hindi ko maalis ang mga mata ko kay Rivers habang nagsasalita ang mga magulang nila. Pilit pa rin akong umaasa na pakikinggan niya ako, pero siguro ay hindi ko rin siya masisisi. Hindi niya gusto si Casi, at alam kong may karapatan siyang tumanggi. Alam kong magiging masakit ang araw na ito para sa kaibigan ko nang ibinigay na ang mic kay Rivers pagkatapos ng announcement ng kanilang mga magulang. Kinilabutan ako nang narinig ang pamilyar na pagtawa niya sa mic. Nahanap ako agad ng mga mata niya at nanatili ang mga iyon sa akin na parang gusto niyang marinig ko ang sasabihin niya. "I don't want to ruin the night for the debutante but I'm not a fan of arranged marriages." Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao at ang pagkakagulat nila Mrs. Palma sa harapan. "I never liked your daughter, Mrs. Palma. I was courteous because of our families but I don't have plans on marrying someone I don't like. I don't remember myself agreeing to this decision." Nakita kong may sinasabi si Mrs. Glacier sa kaniya, pero inaawat siya ni Sir Duke at maging ng dalawa pang anak na lalaki. Si Mrs. Palma ay may mga sinasabi rin pero hindi ko na iyon naririnig dahil napako na ang tingin ko sa blangkong ekspresyon sa mukha ni Rivers na nakatingin pa rin sa akin. Napailing ako, hindi makapaniwala na kaya niya itong gawin. Nakita kong nagpumilit na lumapit si Casi sa kaniya, at kahit hindi ko naririnig ay alam kong nakikiusap siya. Parang nadudurog ang puso ko nang nakitang umiiyak ang kaibigan ko, nagmamakaawa sa lalaking gustong-gusto niya. Nagkagulo na ang mga tao roon nang umalis si Rivers pagkatapos ng mga sinabi. Nagbubulungan ang mga bisita sa paligid at ni hindi ko namalayang tumakbo na si Shaun sa harapan, patungo kay Casi na ngayon ay nakaupo na sa sahig at umiiyak. Tuluyang nabasag ang puso ko. Sa halip na lumapit ay tumalikod ako para habulin si Rivers. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko para sa kaibigang ipinahiya sa mismong kaarawan niya. Nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko. Hindi pa siya nakakalayo. Tinanggal ko ang heels na suot ko at pinilit na mahabol siya. Palabas na siya ng hotel at kahit pinagtitinginan ng mga tao ay hinablot ko ang braso niya. "Bakit mo ginawa 'yon?!" Ni hindi siya nagulat sa ginawa ko na parang inaasahan niya ang reaksyon ko. Frustrated ko siyang tinignan. "Rivers, bakit? Bakit kailangang ngayon pa? Bakit hindi sa ibang araw? Bakit ngayon pa?!" Katulad kanina, walang bahid ng awa ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Ang lupit ng ginawa niya pero wala akong nakikitang konsensya sa kaniyang mga mata. "Like what I told you, I'm done today. This is the last thread of my patience, Amethyst." Napailing ako. Alam ko pero bakit ngayon pa? Bakit napakalupit niya? "Your friend wants to trap me. I trapped her in her own delusions instead." "You're so cruel.." bulong ko. Tumawa siya. "The world is cruel, Amethyst. The people around you, the people you protect, we both know that they're cruel too." Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko habang tinititigan siya. "Since you don't want me in your life, this should be our last interaction too. Stop bothering me for your friend. Save yourself from me because you're right, I'm cruel." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD