Chapter 7

2915 Words
Maingay ang buong training facility dahil sa on-going na training namin sa sumunod na linggo. Nagsimula na kasi sa pagtuturo ng techniques si Coach Joy at Coach Ray. Si Coach Ray ang nagtuturo ng mga basic kicks sa ilang bagong white belt habang si Coach Joy naman ang nagtuturo ng advanced kicks sa aming mga black belt. At dahil may background na ako sa mga advanced kicks ay si Clyde na ang nagtuturo sa akin ngayon ng mas mahihirap na techniques. "You have to focus on your hip rotation, that's where you're failing." Hinihingal ako nang bumagsak mula sa ilang beses na pagsubok gawin ang kakaturo niya lang na Spinning Hook Kick. Napailing ako dahil nahihirapan sa 360 degrees spin na sinusundan ng hook kick. "Do you want to take a break?" tanong ni Clyde dahil mula nang nagsimula kami ay hindi pa kami nag-water break. Umiling naman ako at mabilis na bumalik sa fighting stance. Mula sa gilid ay nakita kong naka-water break sila Guile at Vira, at nanonood sa amin. "You should take a break, Amethyst. Hindi tayo nagmamadali." Huminga ako nang malalim at tumango. Inabutan niya ako ng bottled water. "You're doing great. You don't have to worry." Tumango ako at uminom sa bottled water na ibinigay niya. Sa totoo lang, na-pressure ako nang malaman na siya ang magtuturo sa akin. Hindi kasi kami ganoon ka-close katulad nila Guile at Vira, at dahil mas mataas ang rank niya ay mas lalo akong na-conscious. Pero habang tinuturuan niya ako ay napagtanto kong mabait naman siya. Hindi lang siguro talaga siya mahilig makihalubilo. "This technique requires maintaining control and balance during the spin and precise timing to hit the target with accurate power." Ibinaba niya ang bote pagkatapos uminom. "Riri got it in a few weeks of trying. You don't have to rush." Tumango naman ako. "Magprapraktis ako kahit walang training." Tumawa siya at nag-angat ng kilay. "I heard you stayed yesterday too." Kahapon kasi ay nag-recall kami ng mga basic kick techniques. Gusto kong kabisado ng katawan ko ang ginagawa ko kaya nagtagal pa ako ng isang oras kahit tapos na dapat ang training. "Hindi kasi ako mapakali kapag hindi ko nagagawa nang tama.." "Well..I like that attitude." Ngumiti siya pagkatapos. Hindi natapos ang araw na iyon na hindi ko nagagawa ang technique na itinuro niya. Pinilit ko ang sarili dahil alam kong hindi ako makakatulog kung hindi ko iyon magagawa. Hindi pa perpekto pero kahit paano ay alam kong kaya ko. Naisip kong pwede naman akong mag-practice mag-isa sa bahay, malawak naman ang garden nila Casidy, o di kaya sa pool side. Hindi na kasi ako nakapag-extend pa sa araw na iyon dahil binalak kong pumunta sa coffeeshop. At mabuti nalang at sa pagkakataong iyon ay natuloy na ako. Dala ko ang resume ko nang pumasok doon. Marami-rami ang tao sa counter kaya naghintay pa ako. Nag-order na rin ako ng frappe habang naghihintay at nang nagkaroon ng pagkakataon at nabakante ang counter ay saka lang ako lumapit. Nakausap ko ang manager at napag-alamang may nakuha na pala silang isang estudyante na nakiusap namang i-adjust ang schedule niya dahil tuwing Monday to Wednesday ang pasok niya. Naging pabor iyon sa akin dahil sa mga araw na iyon lang naman ako pwede. Kaya rin hindi nagdalawang-isip ang manager na i-hire na ako. Tuwang-tuwa tuloy ako nang ibinalita iyon kay Shaun pag-uwi. "Are you sure about that, A? You can handle that work?" tanong nito nang tumawag pagkatapos kong mag-text. Tumango ako at humiga na sa kama. "Oo naman. Maagang natatapos ang klase ko kapag Monday hanggang Wednesday. Four hours lang naman ako required magtrabaho, 3PM to 7PM, dahil iyon daw ang mga oras na maraming tao sa coffeeshop. Kayang-kaya ko 'yon, Shaun." "But that's supposed to be your rest." Ngumiti ako. "Okay lang ako, Shaun. Hindi pa naman mabigat ang training. Kaya ko." Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya kaya natawa ako. "Huwag mong sasabihin kay Casi, ha?" "Yeah, ofcourse. I will try to drop by. Sabay tayo umuwi." "Huh? Hindi ba hanggang 5PM lang ang klase mo? 7PM pa ako matatapos. Hihintayin mo pa ako?" "It's late, paano ka uuwi?" Huminga ako nang malalim. "Kaya ko nang mag-commute, Shaun. Huwag mo na akong hihintayin." "I'm just worried—" "Pero ayaw kong maghintay ka roon ng dalawang oras. Kaya ko naman talagang umuwi mag-isa. Paano ako masasanay maging independent kung isasabay mo ako palagi?" "Fine..but I'll drop by." Tumango ako. "Okay." Agad din akong nag-start sa training doon nang nag-Lunes. Ipinakilala sa akin ang dalawang makakasama sa shift na iyon—sila Ate Rose at Ate Janeth. Mabait sila pareho at hands on sa pagtuturo sa akin kaya naman hindi ako nahirapan sa unang araw. "Are you done?" Ngumiti ako kay Shaun nang lumapit siya sa counter at umorder. "Patapos na pero okay lang ba na ako ang gagawa nitong order mo?" tanong ko. Ngumiti siya at tumawa. "Ofcourse.." Agad namang ibinigay sa akin ni Ate Rose ang order. "Boyfriend mo? Ang gwapo!" bulong niya nang sinundan ako para turuan gawin ang order. Tumawa ako at umiling. "Hindi! Best friend ko siya at kababata." "Weh? Ganiyan din nagsimula ang lolo't lola ko ah?" Tumawa ito, nanunukso. Hindi ko nalang pinansin dahil sanay naman akong tinutukso kami. Kahit sa Naujan noon ay napagkakamalan kaming couple lalo kapag sinasamahan niya ako sa palengke. "Heto na!" Inilapag ko ang Iced Caramel Macchiato at Mint-Choco frappe sa harap niya. Alam kong sa akin ang frappe dahil wala namang ibang may gusto noon na kakilala niya. Ayos na rin para malaman ko kung masarap ba ang gawa ko. "Mag-aayos lang ako." Tumango siya at kinuha na ang order. "I'll wait for you." Nagpaalam ako sa dalawang kasama bago nagtanggal na ng apron at hair net. Kinuha ko na rin ang bag ko sa locker at agad na lumabas para puntahan si Shaun. Iniinom niya na ang kape nang datnan ko kaya agad akong na-curious kung masarap ba iyon. "Kamusta?" tukoy ko sa kape niya. Nag-angat siya ng kilay. "It's good. You learned fast, huh?" Ngumiti ako. Iniabot niya naman sa akin ang frappe. "Thank you! Madali lang din naman palang gawin. At tinulungan ako ni Ate Rose." Naging magaan ang tatlong araw na training ko kaya naman sa sumunod na linggo ay pinayagan na ako agad magsimula ng manager na si Mrs. Tiffany. "Thank you," sabi ko sa customer pagkatapos ibigay ang order niya. "Mabilis ka naman palang matuto," kumento ni Ate Janeth nang mabakante na kami sa gabing iyon. Dalawa lang kaming naka-shift ngayon dahil nagbago na ang off nila ni Ate Rose simula nang mag-umpisa kaming mga part-timer. Ngumiti ako sa kaniya. "Nag-eenjoy din kasi ako." "Baka masyado kang mag-enjoy at makalimutan mong out mo na ng 7PM, ha?" Tumawa kami at sabay na napalingon sa double doors nang tumunog ang wind chime at pumasok ang dalawang customer na ikinagulat ko. "Wow.." Narinig ko pang bulong ni Ate Janeth sa likuran ko pero hindi ko na siya nalingon. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Rivers at halatang nagulat din siya nang nakita ako. Nakalapit sila sa counter at halos matulala ako sa magandang babaeng kasama niya. Hanggang dibdib niya lang ito, mahaba at maitim ang buhok, sobrang puti—ito na yata ang pinaka-maputing taong nakita ko sa buong buhay ko—makapal ang kilay, matangos ang ilong at sobrang kinis ng balat. Kung itatabi ako sa kaniya ay magmumukha kaming gatas at kape dahil sa morena kong balat. Nag-iwas ako agad ng tingin nang nagtama ang mga mata namin ng babae. Pakiramdam ko ay masyadong naging obvious ang pagtitig ko. "Good evening po. Anong order niyo?" tanong ko nang nakabawi. "You work part-time here?" tanong ni Rivers. Huminga ako nang malalim at tumango. Mukhang nakuha naman noon ang atensyon ng babaeng kasama niya. "You know her, Kuya?" tanong nito sa isang matigas na Ingles. Nagulat naman ako sa narinig. Tinignan ko si Rivers na nakaabang sa mga mata ko. Parang hindi niya narinig ang tanong ng babae dahil nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. May kapatid pala siyang babae? At ganito..kaganda? "What's your order, Heather?" tanong niya nang hindi nililingon ang kasama. Heather? Narinig kong nabanggit ni Ice ang pangalang iyon noong dinner. Umirap ang babae at bumaling sa akin. Napakurap naman ako. Hindi katulad ng mga kapatid niyang lalaki, wala siyang bahid ng kapilyuhan. Diretso at blangko ang titig niya sa akin nang binanggit ang order niya. "I want taro milktea." Tumango ako at agad iyong in-encode sa computer bago bumaling naman kay Rivers para sa order niya. Nakakunot pa rin ang noo niya habang pinapanood ako. "Go sit somewhere while waiting, Heather." "I'll go to the ladies room." Sinundan ko ng tingin ang kapatid niya at na-realize na hindi lang ako ang natutulala sa ganda niya. Nakita kong nakasunod din ang tingin ng iba pang customers sa kaniya. "Why are you part-timing? As far as I know, you have full support." Doon lang ako ulit bumaling kay Rivers. Bakit ba siya nagtatanong? At bakit ba mukhang iritado siya? "Hindi ko kailangang sabihin sayo kung bakit," sagot ko. Umangat ang kilay niya. "Then I'll ask Casidy." Naalarma ako agad doon. "H-Huwag mong sabihin sa kaniya. Hindi niya ito alam at hindi iyon papayag." Tumawa siya. "So what? Does she own you? Kung hindi siya papayag, hindi mo gagawin?" Huminga ako nang malalim para pigilan ang sariling mainis nang tuluyan. Pilit kong inalala na customer siya ngayon. "Anong order mo?" Nagkibit-balikat siya. Tinukod niya ang braso sa counter at pinasadahan ng tingin ang coffeeshop. Maging ang suot ko at ang mukha ko ay pinasadahan niya ng tingin bago bumaling sa menu sa harapan. "Iced Americano.." sagot niya bago nag-angat ng tingin sa akin. Agad naman akong bumaling sa computer sa harap para ma-encode na rin ang order niya. "Iyon lang po ba?" Narinig ko ulit ang mahinang tawa niya na parang may nakaka-amuse sa sinabi ko. Pinigilan ko nga lang ang sariling mag-angat ng tingin. "Yeah, just two drinks for takeout." Nanatili akong abala sa computer para iproseso ang order niya. Isang itim na card ang ginamit niyang pambayad. Nang naibalik ko iyon ay tumalikod na rin ako agad para gawin ang order nila. Agad lumapit sa akin si Ate Janeth na halatang kuryoso. "Kakilala mo? Sobrang gwapo ha! At yung kasamang babae..sobrang ganda!" bulong nito sa tabi ko. Huminga ako nang malalim at hindi na sumagot. Inabala ko ang sarili sa paggawa ng order nila habang si Ate Janeth ay abala sa pagtingin kay Rivers sa counter. Natapos din naman ako agad. Ibinigay ko ang order niya bago sumulyap sa kapatid niyang nakaupo na sa bakanteng table sa harap lang mismo ng counter. "Stop looking at her. She's my sister." Tinignan ko siya. "May kapatid ka naman palang babae," sabi ko nang naalala ang mga binitiwan kong salita noong nakaraan. Ngumisi siya at kinuha na ang order. "Yeah. Thanks for this," aniya bago tumalikod at lumapit na sa kapatid. Pinanood ko silang maglakad palabas ng coffeeshop hanggang sa tuluyang mawala na sa paningin ko. Sobrang ganda at gwapo nilang magkakapatid. Kung sabagay, maganda at gwapo rin ang parents nila. Nakakamangha kasi may ganoong klaseng mga tao pala..iyong halos wala ka nang maipintas sa itsura. Para silang mga fictional characters na mula sa libro o teleserye, hindi kapani-paniwala. Hindi naman hectic ang trabaho sa coffeeshop sa mga sumunod na araw, siguro dahil nag-eenjoy rin ako sa ginagawa ko. Pero na-realize kong mahirap pa rin talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, lalo kung galing ka sa trabaho at kailangan mo pang mag-review para sa mga quizzes kinabukasan at para sa mga homeworks. Satisfied na tumango si Clyde nang magawa ko nang maayos ang bagong technique na itinuro niya sa akin. Lumapit siya at inabutan ako ng bottled water. "Let's take a break." Ngumiti naman ako at tumango. Sa katagalan ay nagkakasundo na rin kaming dalawa at mas nakakapag-usap nang maayos. Tama nga ako, hindi siya ganoon ka-friendly tulad ni Guile, pero mabait siya at sa mga nakalipas na linggo ay marami akong natututunan mula sa kaniya. "You're suddenly so good. Do you practice at home?" Tumawa ako. "Oo. Ayaw ko kasing natatagalan tayo. Sayang ang oras." Tumango-tango siya. "You don't have to hurry though. You have all the time in the world. And it's the learning phase where you get to have fun and make memories." Ngumiti ako. Na-realize kong tama naman siya. Kaya rin mas natututunan kong mahalin ang taekwondo ngayon ay dahil masaya silang kasama. Hindi ako nakakaramdam ng pressure, sa halip ay na-iinspire pa nga ako na pagbutihin ang ginagawa ko. Habang nakaupo sa bleachers at nagpapahinga ay hindi ko napigilang manood saglit sa basketball team na nagpupush-up. Sa gym kami ngayon dahil may inaayos sa training facilities. Kaya rin magkakasama ang ilang varsity team dito ngayon. Kahit sa malayo ay kita ko ang seryosong mukha ni Rivers na mukhang iritado. Nakatayo siya at pinapanood ang mga players na parang pinaparusahan niya ang mga iyon. Ano nanaman kayang problema ng isang 'to? Mukha siyang suplado kapag nagkakasalubong ang mga kilay at nawawala ang kapilyuhan sa mukha. At sa tangkad at tikas niya, halatang kayang-kaya niyang manakit kapag nagagalit. Alam kong nakakatakot siyang magalit, kitang-kita naman iyon sa itsura ng basketball team ngayon. Muli akong uminom ng tubig habang pinapanood siya. Kaya nasamid ako at naubo nang biglang lumipat sa akin ang mga mata niya. Agad akong dinaluhan ni Clyde na mukhang nagulat. "Are you okay?" Hinaplos niya ang likod ko. "S-Sorry..nasamid ako.." sabi ko habang pinupunasan ang labi ko. Tumawa siya. "Take it easy." Natawa rin ako. Inayos ko muna ang sarili bago muling sumulyap kay Rivers para lamang agad mag-iwas ng tingin nang nakitang iritado siyang nakatingin pa rin sa akin. Bakit ba tuwing nakatingin ako ay nahahanap niya agad ang mga mata ko? Malakas ba ang sensors niya sa ganoon? Hindi ko na nga siya titignan. Ilang saglit lang din ay nagsimula na kami ulit ni Clyde. This time ay pinagamit niya sa akin ang mga techniques na itinuro niya sa isang sparring. Iyon ang unang beses na naka-sparring ko siya at katulad ng inaasahan ko ay bumagsak ako agad. "Dude, take it easy!" sigaw ni Guile nang bumagsak ako at hindi na nakatayo dahil na-pin down agad ni Clyde. Tumawa siya at pinakawalan naman ako. "Are you okay?" Hinihingal akong tumango. Tinulungan niya naman akong makabangon. "That should be all for today. You can take a rest." Ngumiti ako, hinihingal pa. "Thank you, Clyde." Nanatili akong nakaupo sa mattress habang tumalikod naman siya at nag-umpisa nang magtanggal ng gear. Tatlumpung minuto pa akong nanatili roon kahit tapos na ang training namin ni Clyde at si Riri na ang kausap niya ngayon. Hinintay kong matapos din ang iba para sabay-sabay na kaming bumalik sa headquarters. At dahil alas-singko na ay nakasabay na rin namin ang basketball team habang naglalakad pabalik sa main building. "Hi Amethyst!" bati sa akin ng ilang players na medyo nagiging pamilyar na sa akin dahil sa araw-araw nilang pagbati. Tipid akong ngumiti sa kanila kaya agad silang nagtulakan at nagtuksuhan. "Crush ka yata ng mga 'yan.." bulong ni Vira. Tumawa lang ako at umiling. Nauuna kami at nasa likuran namin sila kaya naman rinig ko ang tawanan at tuksuhan nila. Natigil lang iyon nang narinig ko ang matigas na boses ni Rivers. "What are you doing?" Agad silang tumahimik dahil doon. Natahimik din tuloy kami ni Vira. "Bad mood si Captain.." bulong ni Vira. Hindi ako sumagot dahil alam kong bad mood nga siya kanina pa. "Guile, where's my Aquaflask?" tanong ni Vira sa katabing si Guile. "Huh?" "Iniwan mo sa gym?" Natigil kami sa paglalakad. "Ewan ko. Sayo 'yon, bakit sakin mo tinatanong?" "Hindi ba nakiinom ka? Akala ko dinala mo!" "Oh, sorry! Hindi mo sinabi—" Hindi na siya natapos dahil nagmartsa na si Vira pabalik sa gym. Nagkamot ng ulo si Guile at napatingin sa akin. Natawa naman ako at napailing nang agad niyang sinundan si Vira. Hindi na ako sumunod pa sa kanila dahil dumidilim na at mukhang nagbabadya pang umulan. Naalala kong wala akong dalang payong kaya nagmadali na rin akong maglakad. Dumiretso ako sa locker para kunin ang damit pamalit. Naghilamos nalang ako at hindi na naligo sa takot na abutan ng malakas na ulan. Pagkatapos magbihis ay hindi ko na nahintay pa sila Vira at Guile para magpaalam. Inayos ko lang ang mga gamit sa locker at nagmadali na akong umalis. Umaambon na nang naglakad ako palabas ng university para pumara ng taxi sa labas. Iyon nga lang..dahil wala talaga masyadong dumadaan na taxi sa university ay inabutan na nga ako ng malakas na ulan. Sa halip na bumalik sa loob ay tinakbo ko nalang ang malapit na waiting shed para makasilong, kaya lang ay nabasa pa rin talaga ako. Huminga ako nang malalim nang na-realize na mas mahihirapan akong sumakay ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon ko pa nakalimutan ang payong ko sa bahay. Labing-limang minuto yata akong nakatayo roon at nag-iisip kung tatawagan ko na ba ang driver para makapagpasundo. Umihip ang hangin at nilamig ako agad at napayakap sa sarili. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagdesisyon na magpapasundo nalang sana nang tumigil ang isang itim na sasakyan sa harapan ko at bumaba ang bintana noon. Kumunot ang noo ko at medyo kinabahan, pero agad ding nawala iyon nang natanaw si Rivers sa loob. "Get in." **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD