Mukha pa rin siyang iritado, kaya paano ako sasakay diyan? Mamaya madamay pa ako sa inis niya.
Umiling ako at umatras. "Mag-cocommute nalang ako."
Pinaandar niya ang sasakyan at mas pinalapit iyon sa akin. "Just get in, Amethyst."
Huminga ako nang malalim. "Tatawag na ako sa driver para magpasundo—"
"So anong oras pa 'yon dadating?" Nakita kong tinignan niya ang katawan ko. "Kapag basang-basa kana diyan?"
"Ayos lang.."
Halos irapan niya ako.
Bakit niya ba ako pinag-aaksayahan ng oras? Pwede namang umalis na siya. Bad mood na nga siya, dadagdagan niya pa ang sakit ng ulo niya.
"Sasakay kaba o isasakay kita?"
"Maghihintay nalang sabi ako ng taxi—" Nanlaki ang mga mata ko nang nagtanggal na siya ng seatbelt. "Bakit ka bababa? Mababasa ka!"
"Yeah, right. So kung ayaw mong mabasa rin ako, sumakay kana."
"Bakit ba? Kaya ko naman umuwi mag-isa!" Napasigaw na ako dahil lumalakas na ang ulan.
Nakita kong may sinabi siya pero hindi ko na iyon narinig. Nagulat nalang ako nang bumaba nga siya at nagbukas ng payong bago lumapit sa kinaroroonan ko.
"Just f*****g get in!"
Napakurap ako nang nakitang nabasa pa rin siya nang kaunti kahit may payong naman. Sobrang lakas kasi talaga ng ulan.
"Bakit ka pa bumaba? Nabasa ka pa tuloy!"
Inagaw niya ang bag ko na ikinagulat ko. "Anong ginagawa mo?"
"Ano? Hindi ka pa rin sasakay?" iritado niyang tanong nang nakitang hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
Nagsimula na rin akong mairita kasi pakiramdam ko ay mababasa lang kaming dalawa dito kung magmamatigas ako. Kung bakit ba naman kasi pinag-aaksayahan niya ako ng oras dito!
Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay nalang. Kitang-kita ko kung paano ko nadumihan ang maganda at malinis niyang sasakyan.
Bahala siya! Huwag niya akong sisihin kung mabasa ko itong upuan niya!
Pabagsak niyang isinara ang pintuan sa tabi ko bago umikot para sumakay na rin sa driver's seat. Ang basang payong ay iritable niya lang na itinapon sa back seat.
"Akin na ang bag ko!"
Iritado niya akong tinignan bago inabot ang bag ko. Padabog ko naman iyong kinuha.
"Huwag mo akong sisihin kung madumihan itong sasakyan mo."
Tumawa siya pero alam kong puno iyon ng iritasyon. "Like I care?"
Hindi ko talaga alam kung paano niya ako naiinis nang ganito. Kalmado akong tao at hindi ako madalas makaramdam ng inis pero kapag siya ang kausap parang napakadali lang akong mairita.
Tinignan ko siya nang ibinagsak niya sa kandungan ko ang isang itim na bagay na kinuha niya mula sa bag sa likuran.
"Ano 'yan?"
"T-shirt."
"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko.
Sarkastikong umangat ang kilay niya. "Wear that. Bakat ang bra mo."
Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napayakap sa bag ko.
Mangha siyang tumawa sa naging reaksyon ko. "What? Kasalanan kong bakat ang bra mo?"
"Hindi, pero bakit mo kasi tinitignan?"
Hindi makapaniwala niya akong tinitigan. "Are you crazy? You're wearing a white plain shirt! You think I won't notice it? At palagay mo hindi pa 'yan napansin ng ibang tao sa labas?" Galit na galit siya, nagkakasalubong ang mga kilay niya.
Na-realize kong tama naman siya. Manipis lang ang suot kong damit kaya mapapansin naman talaga ang panloob ko. Pero hindi ko alam kung bakit siya galit na galit.
"Wear it. I won't look. My car is tinted," aniya, nakatingin ngayon sa bintana sa tabi niya.
Unti-unti akong kumalma. Sumulyap ako sa harapan at dahil sobrang lakas ng ulan ay malabong makita rin naman ako roon. Tinanggal ko ang basang t-shirt at isinuot ang black na t-shirt niya. Malaki iyon pero kumportable.
"O-Okay na.." sabi ko nang natapos.
Tinignan niya ako. Mukhang kumalma na rin siya dahil hindi na magkasalubong ang mga kilay niya.
Nakita kong hininaan niya ang aircon bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.
Nakaramdaman naman ako ng hiya dahil sa inasal ko. Concern lang naman ang tao pero kinainisan ko pa.
Tumahimik ako at bumaling nalang sa bintana. Malapit lang ang village nila Casidy pero dahil siguro malakas ang ulan kaya nagkaroon bigla ng traffic.
"Why do you even commute? Pwede ka namang magpasundo sa driver pagkatapos ng training niyo."
Hindi ako sumagot. Ayaw kong mag-usap kami dahil sigurado akong mauuwi nanaman iyon sa pagkakairita naming dalawa.
"Or if your driver can't pick you up, I can drop you home—"
"No, thanks.." bulong ko.
Narinig kong tumawa siya. Tunog nang-iinis nanaman iyon kaya hindi ko siya nilingon.
"Do you hate me that much?"
Hindi ako sumagot.
"It shows every time you look at me. Bakit?"
"Tinatanong mo talaga 'yan? Niloloko mo ang kaibigan ko, Rivers, kaya ano sa palagay mo ang mararamdaman ko?"
"What? Hindi ko siya niloloko. I'm not her boyfriend. She knows our status."
Tumahimik ako.
"She doesn't own me. I can do what I want. We're not in a relationship."
Nilingon ko siya. "Kung ganoon naman pala, kung hindi mo siya kayang seryosohin, bakit hindi mo nalang sabihin sa kaniya?"
Tumawa siya na lalong ikinainis ko. Parang laro lang talaga sa kaniya ang lahat kahit feelings na ng kaibigan ko ang involved.
"She knows I don't like her. She knows I can never get serious about her. But she's forcing her way to me despite those things, Amethyst."
"Kasi pinapaasa mo siya! Pumayag kang maging fiancé niya! Kaya umaasa siya sayo!"
Hinarap niya ako. Alam kong pareho nang mainit ang ulo namin pero hindi ko na magawang manahimik dahil parang itinutulak niya pa akong magalit sa paraan ng pagsagot niya at pagtawa lang tungkol sa bagay na ito.
"Why don't you tell your friend to give up on me? Perhaps her family will stop too?"
"Ano?"
Ngumisi siya at napailing. "If I do it on my own, it won't end up in a good way, trust me."
Bahagyang umusad ang traffic. Tamad niyang pinaandar ang sasakyan. May bahid ng nakakaasar na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Hindi kita naiintindihan. Kung ayaw mo sa kaniya, itigil mo na, ganoon lang dapat kadali 'yon."
Tumawa siya at napailing. Bumusina ang sasakyan sa likod namin hudyat na gumagalaw na ulit ang mga sasakyan sa harapan. Napilitan siyang mag-drive at napilitan naman akong manahimik.
Hinintay kong may isagot siya sa huli kong sinabi pero nanatili siyang tahimik hanggang sa hindi ko na namalayang nakarating na kami sa bahay ng mga Palma.
Huminga ako nang malalim. Alam kong nagkainitan kami pero kailangan ko pa ring magpasalamat. Iyon nga lang ay naunahan niya ako.
"Fine, you want me to stop?"
Tinignan ko siya.
"Then I'll stop."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Bigla kong na-realize na nakikialam nanaman ako.
Pinanood ko siyang kunin ang payong mula sa likod para iabot sa akin. "Use it."
Tinignan ko iyon, hindi alam kung dapat ko bang tanggapin o hindi. Abala pa ako sa pag-alala sa mga pinagsasabi ko kanina. Nang tumunog ang pintuan hudyat ng pagkaka-unlock noon ay saka lang ako natauhan.
Kinuha ko ang payong at nang tignan ko siya ay hindi ko pa alam kung paano ako magpapasalamat.
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. "T-Thank you. Bababa na'ko." Agad kong binuksan ang pinto para makababa.
Gamit ang payong niya ay naglakad ako papasok sa maliit na gate ng mansyon nang hindi man lang lumilingon.
Sumobra nanaman ba ako?
Galit na galit ako sa kaniya dahil sa ipinapakita niyang ugali pero ngayong sinabi niyang titigil siya..bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko?
Malinis naman ang intensyon ko. Ayokong umasa si Casidy, lalo kung sinabi na ni Rivers na wala siyang balak seryosohin ang kaibigan ko. Pero dapat bang nanghimasok pa ako roon at nangialam? Dapat bang diniktahan ko siya kung anong dapat? Bakit pakiramdam ko mali ang ginawa ko kahit gusto ko lang naman ang tama?
Naligo ako at nagbihis nang nakarating sa kwarto ko. Nilabhan ko rin ang t-shirt na ipinahiram ni Rivers para maibalik ko iyon sa kaniya agad.
Nang tinawag para mag-dinner ay saka lang kami nagkita ni Casi. Busy pa din kasi siya sa mga debut preparations kaya abala siya nitong mga nakaraang linggo. Dalawa lang kami sa dining table sa gabing iyon dahil late daw makakauwi ang mommy't daddy niya.
"Kamusta?" tanong ko. "Maayos naba ang lahat?"
Dalawang linggo nalang at debut niya na. Na-eexcite ako dahil alam kong engrande iyon at iyon ang unang beses na makakadalo ako sa ganoong event.
Ngumiti siya, mukhang excited din. "Everything's going well. By the way, may isusuot kana ba?"
Natigilan ako at na-realize na wala pa nga pala akong dress na bagay roon. Natawa naman siya sa reaksyon ko.
"I knew it! I found a pretty dress online. I'll get it for you."
"H-Huh? Huwag na! Ako nalang ang bibili, Casi."
Inirapan niya ako. "Let me buy it! That will look good on you."
Huminga ako nang malalim. Natawa naman siya ulit. Alam niya kasing mananalo siya kahit magtalo pa kami tungkol doon.
Matagal-tagal pa kaming nagkwentuhan bago tuluyang naghiwalay na sa gabing iyon. May mga homeworks pa kasi akong tatapusin at ganoon din siya. Iyon nga lang..halos mag-iisang oras palang akong gumagawa ng homework sa kwarto nang bigla siyang pumasok habang umiiyak.
Gulat akong napatayo mula sa study table "A-Anong nangyari?"
Agad ko siyang dinaluhan nang mapaupo siya sa kama ko. Basang-basa ang mukha niya at hindi siya matigil sa paghikbi. Unti-unti akong kinabahan dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito.
"Casi, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Amethyst, what should I do? What should I do?" Iyak niya.
"H-Huh?"
"Rivers backed out as my escort. What should I do?"
Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang mukha ko.
Hinawakan ni Casidy ang mga kamay ko na parang humihingi ng tulong. "Anong gagawin ko, A? Hindi pwede.." Umiling siya nang paulit-ulit. "Siya ang escort ko. Ayoko ng iba. Everything's final already! What should I do?"
Nagbalik sa isip ko ang lahat ng mga nasabi ko kaninang hapon at parang may punyal na tumusok sa dibdib ko nang na-realize na kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit siya nag-back out. Kasalanan ko kung bakit umiiyak ngayon si Casi.
"A-Anong dahilan niya?"
Umiling si Casi. Patuloy sa pag-agos ang mga luha niya habang unti-unti akong kinakain ng konsensya ko.
Kasalanan ko ito..
"He said he doesn't like me. And he said he wants to stop seeing me. He said he didn't agree to anything, that he's only being nice to me as a courtesy towards our families. He said he won't be attending my debut! Amethyst, anong gagawin ko? Hindi ito pwede! Please..please help me.."
Natulala ako. Pamilyar ang mga sinabi niya, pamilyar dahil alam kong ako ang nagtulak sa kaniyang gawin ito.
Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko.
"I-I'm sorry.." Niyakap ko si Casi kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. "I'm sorry.."
"This can't be happening.." Sobrang sakit ng iyak niya. "Help me, please.."
Blangko ang isip ko sa mga sandaling iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Ito ang gusto kong mangyari pero pakiramdam ko ay sobrang laki ng kasalanang nagawa ko.
Ni hindi ko man lang naisip ang paparating na debut niya. Wala na nga akong maitulong at pagkatapos ay nagawa ko pa ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko ito maaayos. Pero paano? Anong gagawin ko?
Hindi natigil sa pag-iyak si Casi kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak din habang yakap siya. Isang oras ang lumipas nang naramdaman ko ang pagtahan niya hudyat na nakatulog na siya.
Huminga ako nang malalim at inayos na lamang ang pagkakahiga niya sa kama. Pinunasan ko ang mukha niya at hinayaan na siyang matulog doon habang pilit akong nag-iisip ng paraan.
Kinuha ko ang cellphone ko para hanapin ang social media accounts ni Rivers. Mabilis ko lang nakita ang mga iyon pero hindi ko na rin alam ang gagawin.
Gusto ko siyang i-chat. Gusto kong magalit dahil sa ginawa niya pero alam kong kasalanan ko naman ang lahat ng ito. Naalala ko ang sinabi niya kanina..
"If I do it on my own, it won't end up in a good way, trust me."
Naaalala ko ang itsura niya nang sinabi iyon. Naaalala ko rin ang mga huling sinabi niya bago ako bumaba mula sa sasakyan.
"Fine, you want me to stop? Then I'll stop."
Napasabunot ako sa sarili. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
**